Chapter 95

407 13 2
                                    


Althea Daye pov
_
Ano gising na ba sya-boses ng isang lalake 
Di ko muna iminulat ang aking mga mata

Tignan mo ng sa malaman mo-sagot ng kausap nito

Kaya unti-unti kung binuksan ang aking mga mata upang masilayan ang aking paligid

Pagbukas ng aking mga mata ay agad bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid kaya nagpalingalinga

Asan ako bakit ako andito asan ang Anak ko-sunod-sunod ko na Tanong

Oh gising na pala eh -sabi ng isa at agad silang lumapit sa gawi ko kapwa naka mask ang dalawa kaya Di ko Makita ang mukha nila

Sino kayo pakawalan nyo ako dito-pagsusumigaw ko

Oh easy ka lang ms.emerald Hindi kami tanga para pakawalan ka.kami ang papatayin ni boss pag ginawa namin yun-diing sagot ng isa

At para sa mga katanungan mo andito ka sa silid ng boss namin 
At yung anak mo naman na sa kamay ni boss kaya wag na wag Kang magtangka na tumakas dahil ang anak mo ang mananagot at isa pa napakalakas mo naman siguro kung magawa mong tumakas gayong nakakadena ang boo mong katawan nag-iisip ka ba so call Queen sa underworld na ang tanga at bobo mag-isip-sagot din ng isa

Sino ang boss nyo..Sabihin nyo sino ba ang boss nyo huh asan sya ilabas nyo sya-sigaw ko sa kanila

Wag ka ngang Atat malalaman mo rin Mamaya

Sabi nito at iniwan ako

Naiwan akong mag-isa sa loob shit Hindi ao pwedeng magtagal Dito kailangan kung iligtas ang anak ko.
Muli ko namang inisip kung ano ang nangyari Bago ako makidnap ng Hindi matukoy na mga kidnappers

_
Flashback
_
Na sa kusina ako habang pinagtitimpla ng juice ang anak ko na naglalaro sa labas

Matapos ko itong ihanda ay agad ko na itong dinala sa labas para sana ibigay sa anak ko

Subalit pagdating dun ay wala ito agad naman akong kinabahan 
Habang pinagtitimpla pinaghahanap ko ito sa paligid ng bahay ay may biglang nagtakip ng ilong ko gamit ang isang panyo akma ko sanang sipain ito subalit biglang bumigat ang talukap ng aking mata
_
End of flashback
_
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay nagising nalang akong sa isang silid na ito

Habang busy ako sa pag-iisip kung paano ako tatakas ay biglang bumukas ulit ang sira kaya agad akong napalingon Dito

Ano ba pakawalan nyo na ako ilan ba gusto nyo hah-sigaw ko sa kanila

Kahit kailan talaga ang ingay mong babae ka-sagot nung isa

Sinong boss nyo Sabihin nyo sino Ang nag-utos nito-muling Tanong ko

Gusto mong malaman baka masaktan ka lang pag nalaman mo ang kung sino -sagot nung isa

Pero dahil sa masyado kang matanong gusto mong malaman Diba oh Sige ang nag-utos lang naman nito ay ang pinakamamahal mong lalake gusto mong banggitin ko pa ang pangalan nya-tanong nito

Hindi totoo yan hinding-hindi nya ito magagawa sa amin-sigaw ko sa pagmumukha nito

Talaga Hindi nga ba kayang gawin itong Deus para sa dagdag kaalaman mo Dating mafia king ang amo ko subalit nagritero ito alam mo kung bakit? Syempre Hindi dahil nga sa tanga ka.umalis sa pagkamafia king si Deus dahil sya na ang namumuno sa lahat underworld Yung ASOBLAC na pinamumunuan mo ay Under nya Yung mafia word na kung saan Hari lang sa sa organisation na yun ay under nya parin Yung mga assassin's hawak din nya Yung mga gang's hawak din nya in short binilog lang nya ang utak mo pinaniwala nya sayo na Hindi na sya mafia pero ang totoo mas mataas pa ang rangko na nakuha nya kinakatakutan sya ng lahat Yung akala mong nagbago mas naging malala pa Althea..alam mo kung ano ang sikreto nya? Yun ay ang pagiging heartless nya kaya Sige nga pano mo ipapaliwanag sa akin na Hindi nya ito kayang gawin sa inyo mg anak mo-mahabang litanya nito na dahilan upang magsibuhusan ang aking mga luha

Hindi totoo yan Mahal nya kami hayop ka pakawalan mo ako Dito papatayin kita-sigaw ko

Mahal?Tama nga si Deus tanga at bobo ka nga. Heartless nga Diba walang salitang pagmamahal sa bokabolaryo nya kaya wag ka ng umasa sa mamahalin ka nya katawan mo lang ang habol nya yun ang totoo kaya itigil mo na ang kabobohan mo-sigaw din nito pabalik

Bakit mo ito sinasabi sa akin-walang emosyon kung Tanong

Dahil yun ang utos ni boss gusto nya na Bago ka nya papatayin ay malaman mo muna ang lahat-sagot ng isa

How's my son-cold ko paring Tanong

Na sa ama nya wag Kang mag-alala pagkatapos kang patayin ni boss ay ang anak nyo ang isusunod nya hahahaha-malademomyong sabi nito sabay alis mg silid

Hayop kaya pakawalan nyo ako dito.- lumuluhang sigaw ko sa dalawa pero mukhang wala itong narinig

Urrghh hayop ka Deus wala ka talagang awa..

Sa Oras Na makatakas ako dito sisiguraduhin kung Ikaw ang una kung sisingilin..
Mariin ko'ng naikuyom ang aking kamao habang Galit na Galit na nakatingin sa kawalan.

_
Julio pov/kidnapper
_
Ng makalabas kami ng silid ng babaeng yun ay agad na inabot ni bogs sa akin ang isang mini camera na kung saan naka record ang ginawa namin kanina kay Emerald

Bakit ba natin pinalabas na si Deus Ang may gawa nito -tanong ni bogs

Bobo ka ba dahil yun ang utos ni boss -sagot ko

Pano pag nalaman ito ni Emerald -tanong nito ulit

Bago nya malaman ang totoo dadanak na ang dugo-ako

Ang talino talaga ni boss-komento nito

Syempre.-ako

Na send ko na kay boss Yung video kanina sigurado akong tuwang-tuwa yun

Agad kaming nagtungo sa aming silid upang mag pahinga muna..
_
Hi babies sorry sa mga wrong typos.

The Possession Of Genesis Deus Thompson- Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon