Prologue

93 4 0
                                    

Ilang araw na pero wala akong natatanggap na mensahe mula sa Girlfriend kong si Emerald. Maybe she's busy again, ano kaya ang ginagawa niya? Maybe I should go to her and asked her for a date.

Sinuot ko ang shirt na bigay niya. Ito ang niregalo niya sa akin nang mag-isang taon kami. Akalain mo 'yon, our relationship is going strong.

Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang susi ng kotse ko sa drawer. I'm going to see the love of my life.

Saktong pagkababa ko ay sinalubong ako ni Chive, ang nakababata kong kapatid. I am four years older than him.

He's frowning while tapping the screen of his phone. "Pota! Ang bobo!" Naiinis na sabi niya. Inalis ko ang suot niyang headset saka siya tinitigan ng masama.

"Did you cussed?" Striktong tanong ko. Mas lumalim ang gatla sa kanyang noo.

"Because they're annoying! Ang dali lang gamitin ng hero sa mobile legends pero hindi nila alam kung paano. Mas okey pa kasama ang minions!" Pinadyak niya ang paa niya at ang senaryong iyon ang naabutan ng aking Ina.

"Are you two bickering again?" I smiled at my mom. Hinila ko si Chive upang guluhin ang buhok, tinampal niya ang kamay ko saka ako tinitigan ng masama.

"Hindi po, kinakausap ko lang si Chive. Narinig ko pong nagmura," sumbong ko. My mom glared at my brother.

"Give me your phone!" She strictly demanded. Wala namang magawa si Chive kundi isuko ang cellphone kay mommy.

"The only rule in this house. Respect and no cussing! Go upstairs and read some educational books! And Chive, stop frowning!" Ngumiti siya ng peke kaya naalis ang inis sa mukha ng aming Ina.

Nilapitan niya kami ni Chive at binigyan ang halik sa pisngi.

"I love the both of you," she said before giggling.

Tumunog ang doorbell kaya nagmamadaling lumabas si Mommy. Hinarap ko naman ang aking kapatid. "Doon ka sa kwarto ko, you can use my computer." Napangisi siya dahil sa aking sinabi.

"Thanks!" Tinapik niya ang braso ko bago tumakbong pumanhik sa aking kwarto.

"Calisto! Son?" Inayos ko ang sleeves ng suot kong shirt.

"Yes? Tawag mo ko, Mom?" Naglakad ako papunta sa living room. Napansin kong may kausap siyang babae. Maikli ang buhok ng babae at kulay tsokolate. Parang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

"Your girlfriend is here, she's so sweet! May dinala siyang regalo for me!" My mom can't contain her excitement, she squealed while clasping her both hands.

Girlfriend?

"Hi, Calisto!" Humarap ang babae sa akin. Nanlaki ang aking mata nang makilala siya.

"Oh gosh! You look more handsome now! I missed you!" Tumakbo siya at patalon na niyakap ako.

I hugged her back... It's been years.



Disclaimer: this is a work of fiction. Any resemblance to names, place or events are purely coincidental.

No parts of the story should be reproduced without the permission of the writer/publisher.

This story is unedited, expect some typographical errors.

Consequences of Choosing you (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon