"Happy 1st anniversary, my love!" I happily greeted Emerald while offering her the presents that I bought.
She was totally surprised because of what I did. We are studying in the same University, kaya madali lang para sa akin na gawin ang sorpresa. Her natural reddish lips are slightly parted because of shock.
"Are you surprised, love?" I asked her softly. She was snapped out of reverie. She gave me a peck on the cheek. "Thank you, my love. Happy 1st anniversary. Nagulat lang ako dahil akala ko nakalimutan mo na ang espesyal na araw na ito."
Binigyan niya ako ng isang napaka-higpit na yakap at pasimpleng inamoy ang aking suot na uniporme. Bumitaw rin siya makalipas nang ilang segundo. Tinitigan niya ang bouquet ng red tulips, sumilay ang masayang ngiti sa kanyang labi. Kulang na lang ay kuminang ang mata niya sa tuwa.
"These are my favorite," hindi makapaniwalang sabi niya. I chuckled and snuggled close to her.
"Of course, hindi ko makakalimutan lahat ng favorites mo," nagmamalaking saad ko. Lahat gagawin ko para kay Emerald. Naalala ko nga nang nililigawan ko siya.
Lagi ko siyang dinadalhan ng red tulips. I also made a garden full of red tulips that spells out her name. Umiyak pa nga siya dahil doon.
Napansin kong kinukunan niya ng litrato ang bulaklak. Ilang sandali ay may nag-notif sa aking cellphone.
Emerald mentioned you in a post.
I clicked the notification to see what it is. Nakita ko ang litrato na hawak niya at may caption na.
Happy anniv to me and my love. A simple but sweetest gift from him. I love you, CaliXavier!
I reacted heart on her photo and commented "anything for your happiness!" Ilang minuto lang ang lumipas ngunit umabot ng dalawang daan ang reactions sa kanyang litrato.
"You're famous," nagbibirong sabi ko. She pouted cutely. "I'm not famous, sadyang marami lang akong friends kaya gano'n!" She defended and thanked me again.
"It's really pretty," namamanghang sambit niya. Nakatitig pa rin siya sa bulaklak. Basta red tulips ang usapan, nagkakaroon na siya ng sarili niyang mundo.
Tiningnan ko ang oras sa aking relo. It's past twelve, kailangan ko nang bumalik sa aming silid. "I need to go, don't forget our date later," pagpapa-alala ko sa kanya bago ako naglakad pabalik sa aming silid.
Dere-deretsong naupo ako sa aking pwesto. Kinuha ko ang libro sa ilalim ng desk at nagbasa ng syllabus. Para may ideya ako kung ano ang pag-aaralan namin.
I'm taking up Aeronautical Engineering. Mas advance ako ng isang taon sa aking barkada, I'm the oldest in our circle. Ngunit isang taon lang naman ang pagitan ng aming edad.
Keene is taking up Chemical Engineering, same with Danger. While Eliazar, he is taking up Medicine. Mula pa nang bata kami pangarap na niya ang maging doctor. He came from the family of doctors, kaya siguro gano'n na lang ang kagustuhan niyang sundan ang yapak ng magulang.
Pumasok ang Professor namin, si Mr. Guero. May pagka-istrikto siya at mahilig mambagsak kaya naman ingat na ingat ako para hindi magkamali. Ayokong makakuha nang mababang marka.
I listened to his discussions and lectures patiently. Ilang sandali ay natapos na ang klase kaya nagmamadaling bumalik ako sa silid ni Emerald. Ganito ang ginagawa ko sa tuwing matatapos ang klase ko. Hihintayin ko siya sa labas ng kanilang silid at ihahatid pauwi.
Minsan bago umuwi, gagala muna kaming dalawa sa mall. Tatambay lang at mag-uusap tungkol sa nangyari sa buong araw namin.
Buti na lang dahil patapos na rin ang kanyang klase. Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa kaklase niyang lalaki. She's like that, lahat ng taong makakausap niya ay nginingitian niya. Hindi rin naman ako nagseselos dahil kampante ako kung gaano niya ako kamahal, and besides I trust her so much.
"Bye, Emerald!" Pagpapaalam ng mga kaklase niya. She was waving back at her classmates. Kaya gustong-gusto ko siya, eh. Mabait siya at malambing.
"Hello, my love!" Mas lalong lumapad ang ngiti sa labi niya habang binabati ako. Hinawakan niya ang aking braso ko habang nagkukwento sa mga nangyari sa lessons nila.
Another thing that I liked about her, kapag nagsasalita siya may matututunan ka. Mahalaga ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. All in all, my girlfriend is just too perfect. From beauty to brains, her character and attitude, wala ka nang mahahangad pa.
Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Maingat na pumasok siya at ngumiti sa akin.
"Magbibihis ka pa ba or 'yan lang ang suot mo?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho. She lightly shake her head. "Ito na lang ang isusuot ko. Hindi na ako magpapalit para mas matagal kitang makasama. Saan tayo unang pupunta?" Inosenteng tanong niya. She's like an angel, so pure and delicate.
"To your favorite restaurant, I already made a reservation then after that we're going to watch in the cinema ."
Napansin ko ang pagsimangot niya kaya nabahala ako. "Is there anything wrong?"
"No..." Mahina niyang tugon. "It's just that... Ayaw kong manuod ng movie. I prefer reading books, can we go to bookstore?" suhestiyon niya. Wala namang problema sa akin kaya tumango ako. She clasped her hands while giggling excitedly, showing her bright smile and sparkling eyes.
Dumeretso kami sa restaurant, kumain sandali bago nagtungo sa Bookstore. Tahimik siyang pumipili ng mga libro, nakatayo lang naman ako sa tabi niya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. I really don't know why I'm so head over heels with her. It's like, she bewitched me or something.
"Calisto, I can feel your stares. Baka matunaw ako niyan, sige ka."
I chortled with delectation.
Pagkatapos niyang pumili ng libro ay kinuha ko 'yon sa kanyang pagkakabuhat. "Ako na ang magbabayad," may pinalidad na saad ko. She tried to stopped me but I hushed her. Tahimik na sumunod siya sa akin. Nakakapit siya sa aking damit na para bang mawawala siya. So adorable!
Ako ang nagbuhat ng paper bag. Dahil may pasok pa bukas ay hindi na kami gumala. Hinatid ko siya pauwi sa kanyang tinutuluyan nang masigurong ligtas siya.
"Happy anniversary again. I love you." Hinawakan ko ang kanyang batok at buong pagmamahal at respeto na hinalikan ang kanyang noo.
"I love you, too, happy anniversary. Here's my gift!" Natawa siya ng kaunti habang inaabot ang libro sa akin.
"Gift ko na ikaw ang nagbayad," aniya at natawa, kahit ako ay natawa sa sinabi niya. Hindi ko naman kasi inaasahan na reregaluhan niya ako ng libro.
May inabot siyang muli na isang maliit na kahong gawa sa ginto, simple lang ito kung tingnan ngunit tiyak akong mamahalin ito. I slowly opened the box and gasped upon seeing what's inside. Isang kwintas ang tumambad, may isang airplane shaped emerald na pendant.
"Love, this is so beautiful," manghang sabi ko. Kinuha niya sa kahon ang kwintas at tumingkayad upang isuot sa akin ang kwintas.
Hinawakan niya ang pendant saka ngumiti. "You know why it's emerald?"
Umiling ako kahit alam ko naman ang isasagot niya. "That is me, silly. Kaya kwintas para lagi mo akong kasama, at malapit ako sa puso mo." Tinuro niya ang pendant.
"Happy anniversary ulit, ingat ka sa pag-uwi. Text mo ako," bilin niya habang binubuksan ang pinto. Hindi na ako bumaba dahil baka magtagal pa ako. Kumaway siya sa akin bago pumasok, hinatid ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay nila.
Nagmaneho ako pauwi na may ngiti sa aking labi. Pagdating ko ay naabutan ko ang kapatid kong nanunuod ng anime kasama si Mommy. I kissed my mom's cheek and messed my brother's hair before walking upstairs.
Nagbihis ako sa harap ng salamin sa bathroom. Nakangiti na hinawakan ko ang pendant. This is a wonderful gift.
Wala na akong mahihiling pa! I'm already contented of what I have.
BINABASA MO ANG
Consequences of Choosing you (On-going)
Teen FictionConsequences Trilogy #2 Calisto had a long time girlfriend named, Emerald. They have an on-off relationship, pero hindi naging hadlang iyon kay Calisto para ipakita kung gaano niya kamahal ang babae. Natuklasan niya ang tinatago ni Emerald. Sobra si...