One Shot Story (a covid special)

22 3 1
                                    

"Bukas, March 17 ay itinatalaga na ang total lockdown dito sa buong Metro Manila maging sa ibang karatig probinsiya. Mangyari pong manatili tayo sa loob ng ating mga tahanan at sundin ang mga safety precautions na itinalaga ng DOH"

Narinig ko pa ang balita sa aming telebisyon habang inaayos ko ang aking puting uniporme. Kinuha ko na din ang face mask sa kwarto bago ako lumabas ng aming bahay. Base sa balita ay mayroon daw nag-positibo sa Covid-19, sa pagkakaalam ko ay isang Chinese National 'yon.

Lumabas na ako sa aming bahay. Habang hinihintay ko si Gerald, boyfriend ko na tulad ko ay isa ding medical stuff sa malapit na hospital dito sa amin, doctor ako at nurse naman siya, umupo muna ako sa gutter sa labas ng bahay nang mangawit ako kahihintay sa kaniya. Perfect match nga daw kami sabi ng karamihan.

Peep! Peep!

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang pamilyar na busina. Nandito na si Gerald. Agad naman akong sumakay sa sasakyan niya at sabay naming tinahak ang daan papunta sa hospital. 8 years na kaming magkarelasyon at balak na naming magpakasal ngayong taon. Husto na din siguro ang 6 na taong pagseserbisyo namin sa mga tao, sa December, taong kasalukuyan ay matatapos na din ang kontrata namin at balak na naming lumagay sa tahimik.

Bumigat ang aking pakiramdam nang makapasok kami sa loob.

"Doc Zy! Ipinapatawag ka sa ER! Maraming dinalang pasyente ngayong araw. Hindi pa matukoy kung anong sakit.", nagmamadaling sabi ng kasamahan ko.

Agad naman akong sumunod sa kaniya at naghiwalay na kami ng landas ni Gerald. Pero bago 'yon ay hinalikan niya muna ako sa labi.

"Laban", matatag na sabi niya na ikinasilay ng ngiti sa aking mga labi.

"Laban mahal", tugon ko at hinalikan siyang muli.

Hindi ko alam kung anong nangyayare pero tila tinatambol ang aking puso, mabigat sa pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.

Pagkadating ko ay nagsagawa kami ng iba't ibang testing. Base sa obserbasyon ko, inuubo lang naman ang mga pasyente.

Lumipas ang mga araw, nagulantang na lamang kami sa biglang pagpanaw ng mga pasyenteng dinala dito sa hospital noong mga nakaraang araw. Isinagawa ang iba't ibang test, at base sa resulta, sila ay nagpositibo sa bagong virus dito sa Pilipinas-- ang Covid19. Namatay ang unang sampung bagong kaso nito.

Naging mas mahirap ang sitwasyon nang mga sumunod na araw, linggo at buwan. Tila sunod-sunod na ang mga pasyenteng dinadala dito na kinakakitaan ng sintomas ng virus. Mas dumoble ang hirap namin. Madalang na lang din kami kung magkita ni Gerald kahit pa nasa iisang gusali lamang kami.

Ang nakagawian naming uniporme na magaan at komportable sa katawan ay napalitan. Ni-recquired ang pagsusuot ng Personal Protective Equipment o PPE sa lahat ng medical stuffs.

Kasalukuyan kaming kumakain ni Gerald dito sa loob ng canteen sa Hospital.

"Mahal? Ang hirap no?", malungkot na sabi niya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng kalooban niya dahil iyon din ang nararamdaman ko.

"Sobra. Hayaan mo, tapos na naman ang kontrata natin sa December. Konting hintay na lang mahal, lalagay na tayo sa tahimik. Konting tiyaga na lang.", pinapalakas ko ang loob niya. May parte sa akin ang nalulungkot sa katotohanang hindi na namin mapagsisilbihan ang mga taong nangangailangan ng medical advice galing sa amin.

DALAWANG BUWAN. Dalawang buwan na ang lumipas at mas lalong dumagsa ang mga nagpopositibo sa virus. Tila isa itong tsismis na isang salita mo lamang ay kakalat na sa lahat. Napuno ng mga inoobserbahang pasyente ang hospital na pinagtatrabahuhan namin. Inilipat sa ibang hospital ang mga pasyenteng may ibang karamdaman upang pagsama-samahin na lamang dito ang lahat ng may kaso ng virus maging ang mga dadagsa pa lamang.

Pwede na, Pwede pa? (ONE-SHOT STORY) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon