PROLOGUE

223 15 2
                                    

"What are you thinking?" A cold baritone voice filled in my ears.

Agad kumalabog ang dibdib ko sa boses na iyon. Unti-unting nabuwag ang pader na pilit kong itinayo sa loob ng limang taon sa pagitan namin. Halos manghina ang tuhod ko dahil boses pa lang niya nagwawala na ang sistema ko. Kumalma ka Isabella! Right.

Ilang taon na din bago ko ulit narinig iyon. Hinihiling ko na sana huwag kaming magkita ulit pero napakaunfair ng mundo pilit pa rin kaming pinagtatagpo sa kabilang ng nangyari.

"Wala." saad ko habang
Agad ko siyang tinalikuran ngunit agad niya akong pinigilan sa braso. Libo-libong emosyon ang naramdaman ko sa oras na iyon. My hands are shaking. Sandali siyang natigilan dahil nahalata niya ang panginginig ko.

"Anong... kailangan mo?" anas ko sa kanya bago siya hinarap.

"What are you doing here?" Pinasadahan niya ang hawak kong walis at dustpan na isang malaking kahibangan ang ginawa ko.

"Nagwawalis." Tipid kong sagot sa kanya.

"So, naghihirap kana talaga." Sabay ngisi nito.

Halos mapundi ang tenga ko sa narinig. Gustong kong ilabas ang bituka niya at isupalpal sa bibig nito. Hindi ko pinakitang apektado ako sa sinabi niya pero sa loob at isip ko pinapatay kona siya at nakahanda na ang libingan nito.

"Bakit? May pakialam ka?" Agad siyang umabante na agad akong kinabahan pero nanaig sa akin ang maging matapang sa loob ng aking maskara. Hindi ako bibigay. Kakayanin ko 'to. Hindi mo ako matitibag. Hindi.

"Pakialam?"ngisi nito.

Agad siyang yumuko at nilabanan ang nakakamatay kong titig sa kanya na para bang kaya ka niyang itumba agad-agad. Ngumisi pa ang animal! God forgive me if i kill him right now. Ngunit halos mapaluhod ako sa huling sinabi nito.

"As far I remember, you are worthless...Nuela Isabella Ricaforte." He darkly said.

BEHIND THE SCARS Where stories live. Discover now