"Saang lugar ba?" tanong saakin ni cavins
Nasa bintana lang ang aking paningin habang nag iisip ng malalim, napatingin naman ako sa kanya "Intramuros" tipid na sagot ko at tumingin nang muli sa bintana, napabuntong hininga ako ng malalim
Kanina habang papaalis kami sa mansyon ay nag hahadali kami ngunit dahil sa mga tanong na namuo sa utak ko ay diko naiwasang maging lutang dahilan ng pagkabagal ng kilos ko kaya naman dinaiwasang mainis ni cavins saakin
Na cu curious ako eh ano nakain nito baka mamaya mapahamak nanaman ako sa kanya tsk
"Bakit nga pala biglang nag bago ang isip mo?" pagbabagsag ko ng katahimikan, at tumingin sa kanya "Hindi naman pumayag si dad diba? nag paalam kaba?" sunod sunod na tanong ko
"Ang mahalga masusundo natin ang kuya mo." sumulyap sya ng saglit saakin at binalik na ulit sa pagmaneho ang paningin, napabuntong hininga nalng ako at tumingin muling sabintana
Kalalabas palang namin ng village, hindi naman ganoon kalayo ang intramuros saamin at ng kumpanya kaya hindi na ako mag tataka na duon nag punta si kuya ng nag walk out ito. Naka punta narin naman ako duon sa intra kaya alam ko ang lugar na iyon, ngunit bata pa ako nuon ng huling punto ko duon, dun ako madalas ipasyal ni mom pag umuuwi kami ng pinas.
Dahil ang lugar na iyon ang paborito nyang pinupuntahan at gusto nyang ishare saakin ang kwento ng lugar na iyon kung saan naantig ako bagaman may mga nakakalungkot at nakakatakot ay nagustuhan ko din ito dahil sa makasaysayang itsura, simula noon kahit nasa italy na ako hindi ko padin ito nakakalimutan balak konga sa susunod na balik ko dito gusto kong mapag isa ng madama ko man lang ang ganda ng lugar.
At sa hindi ko inaasahang pagkakataong babalik ako muli dito ay si cavins ang kasama ko.
Napasulyap ako sa kanya ngunit napaka seryoso nya sa pag mamaneho, hindi man lang naramdaman ang pagsulyap ko sa kanya.
I looked at his arm through to his hands that handling the wheel with full of muscle with freaking veins. Shet, pinaikot nya pa yung wheel! Freaking hot!
Napaiwas ako agad ng tingin at napakagat sa sa kuko ko.
Makalipas ng sandaling byahe nasa intra na kami. Nasa bukana palang kami ng intra ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil nakabalik na muli ako dito sa tagal ng panahon. Nag park kami sa parking area. Naunang bumaba si cavins at pinag buksan ako ng pinto
"thanks" pagpapasalamat ko
"Bilisan mo, papauwi na sila" himbis na sumagot ng welcome ay iyon ang sinabi nya, inirapan ko nalang siya at kinuha ang phone ko sa bag para tawagan si kuya
Nakakatatlong ring palang ito ay sinagot na nya
"Hello, where are you?" pagtatanong ko dito ng sagutin nya
"I'm here at San Agustin Church" tipid nyang sagot
"Oh bat nandyan ka?! baka masunog ka!" pang aasar ko dito, natawa sya
"Bilisan mo nalang. Asan kaba? nasa intra kana ba?"
"Oo ser!, nasa parking area at pisti ka ang layo mo pag lalakarin mo pa ako. osya sige na 5 minutes nandyan na ako." at binaba kona ang linya. Tumingin ako kay cavins
"Nasa San agustin church daw sya hehe lets go?" napapakamot kong hiya sa kanya wala naman akong natanggap na salita kundi nag patiuna lang ito saakin at napanguso akong sumunod sa kanya
Sinundan kolang sya ng sinundan hanggang sa makarating kami sa church, namangha ako sa laki nito hindi man ito ang unang punta ka dito siguro ay sa tagal kong hindiulet nakapuntadito ay nanibago ako.
YOU ARE READING
Someday You'll choose Me [Slow Update]
Novela JuvenilRebecca Leduvica isang italyang babae Na nag mula sa mayaman na angkan na umuwi dito sa pilipinas upang dito mag tapos ng kolehiyo at sya ang mag mana ng kanilang kumpanya. Cavins Guerrero isang binatang lalaking anak ng katulong ng mga Leduvica at...