(May tumatawag sa aking cellphone, kinuha ko ito at sinagot)
"Hello! Ano nanaman ba yun Cassy?" sabi ko kay Cassy
"Asan kana ba? Ang tagal mo naman malapit na mag umpisa ang exam. Inaantay ka namin ni Camille dito sa coridor" sabi naman ni Cassy habang ang boses niya ay natataranta na
"Easy ka lang okay! traffic kase sinabihan ko na din si Manong Rem na bilisan ang pag da-drive" sagot ko sakanya at natataranta na din ako dahil pinagmamadali nanaman ako ni Cassy.
Si Cassy at Camille pala ang pinaka matalik kong kaibigan simula nung grade 8 palang kami, ngayon ay mag ga-grade 11 na kami bale mag 3 years palang ang pagkakaibigan namin. Si Cassy ay hindi mayaman gaya ko pero may kaya naman sila, meron din silang Bakery Shop malapit dito sa school namin kaya lagi siya ang nauuna samin pumasok . Si Camille naman hindi din siya gaya ni Cassy o Ako. Simple lang ang buhay ni Camille, yung parents niya ay nasa probinsya nila sa Ilocos habang siya naman ay nandito sa Manila nag-aaral at pag uwian naman diretsyo sya sa tindahan nila sa palengke ng kanyang Tita Susan. Mabait naman ang kanyang Tita Susan, mabuti nga at doon siya nakatira kesa sa iba niyang kamag anak na akala mo kung sino pano ba naman ang sakit mag salita ng iba nyang kamag anak.
Kaming tatlo ay laging pasaway sa klase, mabiro kami sa lahat at maloko lalo na ako pagdating sa mga boys. Kami ang tinatawag na 'The C'sters' pano ba naman lahat kami puro C ang unang letra sa aming pangalan, talagang destiny kaming tatlo bilang magkaibigan.
Si Cassy ang pinakamainipin sa aming tatlo sunod na ako roon. Kaya pag nag aantay si Cassy sa'min wala pang 5 minutes eh tatawagan na kami agad nyan, kaya minsan di ko siya sinasagot kase matataranta lang ako sakanya. Maliit lang si Cassy, maputi siya, medyo chubby kase nga may bakery sila kaya kain ng kain yun, maikli lang din ang buhok niya at lagi siyang naka liptint.
Si Camille naman ang pinaka maaalahanin sa aming tatlo siya yung lagi kumikilos sa'min kase tamad kaming dalawa ni Cassy, pero pag kinonsensya kaming dalawa tutulong na din kami agad kay Camille. Morena si Camille, payat siya, matangkad, mahaba ang buhok niya at lagi niya iyon pino-ponytail. Muhkang mabait si Camille pero hindi, kawawa ang mga binully niya pano ba naman lagi siyang inaasar na maitim ehh maganda naman kulay niya para sakin.
Ako naman ay hindi ganun katangkad, payat din ako, hanggang kili-kili ko lang ang buhok ko na color brown (natural color ng hair ko mana kay mommy) at kilala ako dito sa school namin bilang 'Not serious bitch' dahil madami na din akong nakaharutan na lalaki pero mga flings ko lang yun at wala ng iba, kung meron man ang swerte naman nila. Wala pa talaga ako naging seryosong boyfriend atsaka bata palang naman ako mag 17 palang kaya ako duh! nag start ako makipag fling noong grade 8 palang ako at oo napakabata ko palang noon hanggang ngayon. Hindi kase ako pwedeng mag mahal ng sobra lalo na may sakit ako sa puso, binalak na din namin na makapag heart transplant ako pero mahirap makahanap ng healthy na puso. Parents ko lang at ang dalawa kong kaibigan ang may alam sa kondisyon kong ito. Ayaw ko malaman ng iba baka sabihin na mahina ako o kaya pag tawanan o kaya saktan nila ako. Ayaw ko. Ayaw ko ng ganun.
YOU ARE READING
You Make My Mind Rawr
RomanceA rich girl with heart failure, CM has two best friends and her admirer Raven since high school. When she goes to college she will meet her first serious boyfriend Kionard but there's something happened that makes her mind RAWR. Date: August 23, 202...