Feeling ko nagtampo si Sy don o sadyang assumera lang talaga ako o kay-
"Earth to El" sabi ni Ann para pabalikin ako sa reyalidad
"Ha?"
"Tsk! May sakit ka ba? Kanina ka pa tulala" nagaalalang sabi ni Gabe
"Hmm, naisip ko lang. Matutuwa ba kayo kung parehas tayo nang sitwasyon?"
"Teh! Masyado mo kasing iniisip yung mga sasabihin nang mga Tao, Yung kapatid mo nga ang lakas maki-one of the boys diba. Eh ikaw nga kung hindi ka kakausapin hindi ka din kikibo eh" dagdag ni Gabe at ginulo yung buhok ko
Dumating na yung teacher namin at sabay sabay kaming nakapaglunch nang trops
"El, canteen tayo matagal pa naman bago mag-time"
"S-sige na nga"
Sila Ann at Gabe lang naman bumibili sa canteen
"El" lumingon ako at nagulat ako nang si Sy yon
Hala, bakit pa dito ang daming teachers oh!
Gusto kong sabihin pero maraming nakatingin saamin"H-hi Yuri" Sabi ko at dahilan kung bakit tumaas ang kilay nya
"Tara na E- ay sanaol may jowa sanaol mahal🎶🎶" Kanta pa ni Ann at dahil malakas ang boses nya ang daming nakarinig
"Sorry punta na akong room" paalam ko kay Sy at nauna na ako kela Gabe at Ann
At tulad nga nang-inaasahan ko tsismis na saamin na kami na ni Sy, at syempre tahimik lang ako. Ayoko manisi pero, bakit ba ang lakas nang boses ni Ann nakalunok ba yun nang videoke. Medyo OA ata sige -nakalunok ba yun nang mic ayan ok na heheheh
Dumating na sina Ann at Gabe na parang walang dinalang tsismis . Nagsimula na magturo yung mga teachers at tulad din nang mga inaasahan ko parang may nagawa akong masama para parusahan ako nang nga tingin.
Tss, masyadong judgemental
At maya maya UWIAN NAAAAA!!!
Hindi naman halatang xzited ako pero parang ganon na nga hehehhe
"El halika na!" aya sakin ni Ann na parang walang nangyari
Kung Alam mo Lang GRRRRR!!!
"May bibilhin pa ako mauna na kayo" pagtataboy ko sakanya -sakanya lang talaga
"Okay! Ingat! " At ayon umalis na ang bruha
"Uy! E ok ka Lang? " Tawag sakin ni Gabe
"Medyo, nainis lang naman ako kay Ann Hindi nya naman kailangang isigaw yon" Sabi ko habang palabas nang school
"Correction hindi nya sinigaw sinabi lang nya yon sa normal voice nya, sadyang nakalunok lang nang videoke yon" at tumawa kaming dalawa
Buti pa si G naiintindihan ako
At marami pa kaming napagusapan
" Ingat E!" paalam sakin ni G at Hindi ko namalayan nasa sakayan na pala ako
Mabait sakin sila Ann at G pero sadyang mas naiintindihan ako ni G siguro dahil tahimik kami at tamad mag salita kaya nga nickname na nila sakin yung El 2 letters na nga lang tinamad din kaya ginawang E- sobrang tamad na jusmeee at saktong may jeep na kaya sabay sabay na kami nang ibang estudyante sumakay buti kasya pa kami. Tinignan ko yung iba mukang kaklase sila nang kapatid ko yung iba naman ka-batch ko, may mga babae pero halos lahat kausap yung mga lalaki nilang kasama
BINABASA MO ANG
Fly to the Stars (On Going)
RomantikAko yung nang-iwan, Pero ako yung nasaktan Ako yung iniwan, Pero hindi malimutan Ang nakaraan Ako yung nag-mahal, Pero ako yung sumagabal Ako yung minahal, Pero ako yung nasakal Walang perpektong relasyon, Para sa mga taong agad agad mag-desisyon. G...