PROLOGUE

6 1 0
                                    

Prologue

Tumakbo ako ng mabilis ng mabilis ng may makita akong isang lalaki sa may hindi kalayu'an sa akin,hindi ko maaninag ang mukha nya at ang tanging nakikita ko lang ay ang mapupula nitong mga mata.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may nakita akong liwanag sa may hindi kalayu'an nakahinga ako ng maluwag ng makita ko iyon,mas binilisan ko pa ang takbo ko papunta sa liwanag na iyon upang makaligtas ako sa halimaw na sumusunod sa akin.

Hindi paman ako makarating sa liwanag na iyon ay agad akong natigilan kasabay ng pagtindig ng aking mga balahibo sa buong katawan  ng lumitaw sa harap ko ang halimaw na kanina pa ay sumusunod sa akin. Napalunok naman ako ng malaki ng dahan-dahan itong lumapit sa akin,itinaas ko ang tingin ko sa buwan na hindi na makita dahil sa mga sanga ng malalaking puno na nakaharang dito.

Nang ibalik ko ang paningin ko sa halimaw sa harap ko ay ganon nalang ang gulat kong makita ang mga pangil nito na animoy handa ng tumusok sa kalamnan ko. Mas lalo pa akong napalunok at halos hindi maigalaw ang paa ko ng lalo pa itong lumapit sa akin.

Ilang sandali lang ay nagalaw ko na ang katawan ko,kaya naman kada isang hakbang ng halimaw papalapit sa akin ay isang hakbang rin akong lumalayo dito.Tatakbo na sana ako ng bigla nyang hila'in ang braso ko dahilan para mapaharap ako muli dito at tumama sa dibdib nito,may kung ano naman sa loob ko na biglang nagpalakas ng tibok ng dibdib ko,hindi dahil sa takot ko kundi dahil sa pagdikit ng aming katawan,hindi ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko dahil lamang parin ang takot ko dito.

Naigalaw ko naman ang ulo kong nasa dibdib nito,.Itinaas ko ang paningin ko at ganun nalang rin kadaling tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan at halos hindi na makahinga sa biglang paglapit ng bibig nito sa tenga ko.

“Alamin mo kung anong klaseng tao ang nahaharap mo,dahil hindi lahat ng tao na nakakaharap mo ay nagugustuhan ang ginagawa mo.” ganun naman ka daling lumakas ang tibok ng puso ko kasabay ng pagtigil ng oras sa isipan ko.

“Ha?eh..” hindi ko alam kong paano ako nagkaron ng salita na inilabas sa bibig ko kung gayoy halos manuyo narin ito.

“Minsan nagugustuhan ng iba ang ginagawa mo,pero...may iba rin naman hindi kailan man nagustuhan ang ginawa mo.” hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng halimaw na nasa harap ko na nanatiling nakayakap sa akin ngayon,gayong hindi ko naman ito kilala.

“Ha?eh..a-ano b-bag na-nagawa k-ko?.” utal-utal na tanong ko.

“Mali ang mga asal na pinapakita mo sa ibang taong nakakaharap mo...lalo nat kung pati nararamdaman nila ay ginulo mo...” may kung ano naman kirot sa puso ko na hindi malaman ang dahilan.

Siguro dahil lang sa takot at pagtataka ito.Oo,nga ganyan nga..dahil sa takot at pagtataka.

“...wag mong sanaying makipag-usap sa mga taong nakakaharap mo kung hindi mo pa sila gaano kakilala...lalo na kapag...nagugulo muna ang pagkatao nila at ang...nararamdaman nila...may mga taong hindi nagugustuhan ang paraan mo sa pakikisama sa kanila dahil kahit praning ka ay ibang usapan na kapag ang...puso na ang gumusto sa paraan mo..”

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng halimaw na ito ngayon sa harap ko...pero ang masasabi ko lang ay napalitan ang takot at kaba na nararamdaman ko kanina ng...lungkot at kirot..dahil alam kong may pinaghubugutan ang halimaw na ito ngayon..at alam kong may ibig sabihin ang mga salita nyang iyon..at..kung hindi pa man nya ako mapatay ngayon ay...hahanapin ko ang ibig nyang sabihin.

——
please vote and comment,thank you❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VAMPIRE ACADEMY (ONGOING)Where stories live. Discover now