Kahit anong sabihin ng ibang tao wag kang papaapekto.Pakinggan mo yung sinasabi ng puso at isip mo." Yan lagi ang katagang binabaggit saakin ni lola pag binibisita ko siya.
"Pero lola bakit po yung ibang tao naninira ng ibang tao?di po ba ay masama yun?". Tanong ko sa kanya
"Oo masama yun apo pero hindi naman natin hawak ang mga pag iisip ng ibang tao diba?kaya ang kailangan nating gawin ay wag silang gayahin".
"Hindi ko lang po kaintindihan kung bakit kailangan pa nilang manghusga o mangialam ng buhay ng ibang tao"iritang sabi ko kay lola
"Hay naku apo maiintindihan mo rin sa tamang panahon kung bakit ganun ang ibang tao."
Hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman sa tuwing ito ang pinag uusapan namin ni lola,parang may kung anong bumabagabag sakin at naiisip ko nalang ang salitang"curiosity kills me".
Ito ang huling araw na makakausap ko ng ganto si lola dahil babalik nanaman kami sa syudad para mag aral dahil malapit nanaman ang pasukan.
Grade 11 na ako this year kaya excited ako dahil siguradong marami nanaman akong bagong makikilala.
Hinalikan ko si lola sa pisngi dahil ngayon na ang alis namin.
Kahit na mamimiss ko siya dahil mahahabang panahon nanaman bago kami magkita dahil siguradong magiging abala ko sa pag aaral ko.
"Bye la,ingat ka po dito ha?tsaka wag din kayo masyadong magpapagod tas tumawag mo kayo samin kung may nararamdaman kayo okay?". mahigpit na bilin ni daddy kay lola
"Jusko wag niyo na kong alalahanin,kaya ko ang sarili ko okay?tsaka nandito naman yung personal nurse at kasambahay na kinuha mo para sakin e". sabi ni lola ka ikinangiti ko dahil alam kong maaalagaan siya nung kinuha ni dad.
"Hala sige na umalis na kayo't baka maabutan kayo ng gabi,mahaba haba pa namin ang magiging byahe niyo".sabi ni lola
"Ay oo nga pala sige ma aalis na kami ha?ingat ka/kayo dito okay?"sabi ni mommy tumango si lola at kumaway saamin
Unang pumasok sa sasakyan si khea dahil antok pa daw ito dahil maaga siyang nagising dahil excited na daw siyang umuwi.
"Bye lola".sabi ko kay lola sabay kaway at flying kiss
Kumaway at ngumiti saakin si lola ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.
Dahil nga matagal ang byahe natulog paminsan minsan ay nagigising para kumain at nagcecellphone.
Nagising ako dahil huminto na ang sasakyan namin ginising ko rin si khea na mahimbing na natutulog.
Pagkababa namin ng sasakyan may sumalubong agad samin na maid kinuha nila ang mga gamit namin,nauna akong pumasok dahil antok pa ako dahil gabi na nang naka uwi kami.
Nakipagbeso muna ako kila daddy at mommy at sinabing mauuna na ako dahil inaantok na ako.
Nagising ako dahil sa tunog ng kaldero at sa sigaw ng kapatid kong si FranceKhea Laureign na para bang ang layo layo ng aking kwarto.
