Chapter 1: Bully

3 0 0
                                    


Chapter 1: Bully

Zhaneia's POV

"Zhannnnnn!" napatigil na lang ako sa paglalakad sa hallway ng marinig ko ang matinis na boses na tumatawag sa pangalan ko at bago pa man ako makalingon ay bigla na lang akong inakbayan ng babaeng loka lokang tumatawag sakin kanina. Sa lakas nga ng pag kakaakbay nya sakin eh feeling ko nabali ang buto ko sa leeg. Kung makaakbay para bang unggoy na kakawala lang sa zoo.

"Zhan!" giit nya habang nakangiti sakin ng malawak. Jusko! Parang walang nasaktan ampupu!

"Ansakit sa leeg! Adik ka talaga Ellay! Siguro nakahithit ka na naman ng katol noh?" giit ko saka tinanggal ang pagkakaakbay nya sakin at hinimas himas ang leeg ko. Alam nyo ung feeling ng naakbayan ka ng unggoy na kakawala lang sa zoo at muling sa tao? Ganun un pakiramdam ko ngayon e.

"Hindi ako adik ah! Saka katol ka ng katol jan! E hindi naman un ang hinihithit ko e!" defensive na sabi nya with matching padyak padyak pa ng paa sa sahig. Napapatingin tuloy samin ung ibang mga students na naglalakad sa hallway dahil may baliw akong kasama.

"Kung hindi pala katol ang hinihithit mo e ano pala?" nakangiwing tanong ko sa kanya saka nagpatuloy na sa paglalakad at sumabay pa sya sakin.

"Edi ano pa ba? Shempre rugby!" patay-malisya nyang tanong kaya napatampal na lang ako sa noo ko at agad syang binatukan ng malakas.

"Adik ka alam mo un? So, nag improved na? From gas to katol to rugby?" tanong ko pa. Di ko talaga alam kung bakit nagkaroon ako ng loka lokang kaibigan katulad nya. Dapat pala talaga itinakwil ko na sya dati pa e ay hehe shempre jok lang! Mahal ko yan kahit monggoloid yan.

"Aray ko naman! Nagbibiro lang ako e, kelangan talaga may batok na kasama?" nagtatampong sabi nya. "Di mo na ko lab?"

"Oo, at may kasama talagang batok. You want? isa ulit?" giit ko at binatukan ulit sya pero ampupu nakailag sa batok ko saka tumawa ng tumawa. Ehh? Nabaliw na ata? Di kase krinushback ng crush nya katulad nung nagbabasa.

Pagkadating namin sa room e nagtaka ako dahil wala pa si Sydney, ung isa pa naming kaibigan. Malapit na mag start ung klase namin ah. Asan na kaya un?

"Teka, Ellay. Nakita mo ba si Sydney?" tanong ko sa kanya habang nagpapalinga linga sa paligid ng room namin. Sa aming magkakaibigan kase, si Sydney ang pinakamaagang pumasok kaya nakakapagtakang wala pa sya dito.

"Si Syd? Hindi ko rin sya nakita. Nasan na kaya ung monggoloid na un?" tanong rin ni Ellay saka inilapag ang gamit nya sa kanyang desk at upuan.

"Hmm... baka naman---" naputol naman ang sinasabi ko ng bigla na lang sumigaw ung mga kaklase kong babae na kapapasok pa lang sa room. Ehh? Anong meron?

"Omg! Kawawa talaga ung babaeng binubully sa cafeteria!"

"Oo nga, anlampa kase nya e kaya ayan tuloy natapunan nya ng juice sa damit si King!"

"Kawawa naman sya!"

"You're right, sa pagkakaalam ko Sydney Yuzon ang pangalan nya!"

What?! Sydney Yuzon!

Nagkatinginan naman kami ni Ellay saka sabay na nanlaki ang mga mata. Si Syd ung binubully sa cafeteria?! Kelangan namin syang tulungan!

"We need to help her!" giit ko saka mabilis na inilapag sa upuan ko ang bagpack ko.

"Oo! Tara!" sagot ni Ellay kaya tatakbo na sana kami palabas ng room ng bigla nya akong pigilan. "S-sandali lang Zhan."

"Oh bakit?" tanong ko at nakita kong para syang natataeng ewan habang nakatingin sakin. Anong problema nito?

My First Kiss is got by our Campus BullyWhere stories live. Discover now