ANG MUNTING ENTABLADO [R18+]

207 19 127
                                    

Habang ako'y naglalakad patungong duluhan upang makasakay sa huling biyahe ng dyip ay nadaanan kong muli ang isang batang babae sa may gilid ng daanan. Hindi ko maiwasang malungkot sa nakikita ko nang dahil sa kanyang kalagayan.

Punit ang kanyang damit at halatang pinagtagpi-tagpi ang mga ito, marumi ang buong katawan at mukhang hindi pa naliligo ng ilang araw, nakaupo ito sa isang karton na sakto lamang para sa kaniya, at may latang hawak na handang mahulugan ng barya. Lagi ko siyang nakikita rito sa tuwing ako'y papasok sa aking trabaho. Hindi ko maiwasan na balikan-tanawin ang aking sarili sa batang iyon.

Noong ako ay labing isang gulang pa lamang ay natutuhan ko ng mamalimos sapagkat kailangan ko mapakain ang nanay at kapatid ko. Ang tatay ko ay namatay sa sakit dahil sa hindi kinayanang magtrabaho sa isang pabrika ng mga tsinelas. Si nanay naman ay laging nagiinom sa aming tahanan at walang ginawa kung hindi magpakalasing.

Labis ang hinagpis ko at tinatanong ang aking sarili kung bakit ganito ang aming buhay. Nais kong makapag-aral upang makahanap ng magandang trabaho at magkaroon ng sarili ng bahay ngunit pinagkait sa akin iyon. Nakatira lang kami sa isang eskwater na kung saan magugulo at maingay ang mga tao roon.

Pakatapos ko mamalimos at bumili ng pagkain ay umuwi agad ako. Nadatnan ko ang aking nanay na may kausap na dalawang lalaki at nabaling ang tingin nila sa akin.

"Siya ba?"

"Oo, siya ang panganay kong si Lena."

Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila pero sa tagpong iyon ay hindi ko inaasahan na magbabago ang aking buhay. Nais ko man takasan ang kapalaran ngunit hindi na ako makaakawala sa mga kamay nila. Mas nais ko na lang mawala sa mundong ito kaysa magkaroon magkaroon ng gan'tong klaseng buhay.

Ibinenta ako ng sarili kong ina sa mga lalaking iyon kapalit sa malaking halaga. Gusto kong makawala sa bangugungot na iyon na kailan man ay hindi na ako magigising muli.

"Oh, sige! Paano mapapakain 'yang mga kapatid mo! Gamit 'yang panlilimos mo!" Sigaw ni mama no'ng nagwawala ako dahil sa hindi ko gusto maging bayarin.

Sa puntong 'yon ay napagtanto ang isang katanungan sa isip ko, ano nga bang magagawa sa mundong ito? Mahalaga sa akin ang pamilya ko lalo na ang mga kapatid ko ngunit wala na akong magagawa kasi sa aking sarili iyon na lamang ang paraan upang masalba ang aming buhay.

Biglang bumalik ang aking ulirat nang magsalita ang bata at nanglilimos sa akin. Hindi ko namalayang umaagos na ang aking mga luha mula sa mata ko, kaya naman agad ko itong pinunasan ng panyo. Mabuti na lamang ay hindi pa ako nakakapagkolorete, kung hindi paniguradong sira na ito.

"Huwag kana pong umiyak, ate ganda," sabi sa akin nang nanlilimos.

Ngumiti lamang ako sa kanya at kumuha ako ng isang daan sa aking pitaka at agad na inilagay sa kanyang lata. Napatingin ako sa langit at ang araw ay pababa na, hudyat na maggagabi na. Dali-dali akong lumakad patungo sa dulo upang makasakay na. Sa mundong kinakaharap ko ay hindi ko na matakasan sapagkat ang entablado na lamang ang aking lugar.

"Magandang gabi sa inyong lahat!" Rinig kong bati ni Vina sa mga tao.

"Handa na ba kayo sa performance ni Miss L!"

"OO! ILABAS NIYO NA SI MISS L!"

"MISS L! MISS L! MISS L!"

Rinig ko rito sa likod ng entablado ang sigaw ng mga kalalakihan na animo'y sabik na sabik sa paglabas ko. Agad kong inayos ang suot kong manipis na tela sa katawan ko at isinuot ang maskara, na kung saan bibig ko lamang ang nakikita.

"LET'S WELCOME! MISS L!"

Narinig kong nagsimula na ang kantang Versace on the floor ni Bruno Mars. Sumabay ako sa ritmo at dinamdam ang bawat letra ng kanta. Tinignan ko isa-isa ang mga kalalakihang nakaupo habang tinititigan ang aking katawan. Kita ko sa mga mata nila ang pagnanais nilang mahawakan ako.

Ang Munting Entablado [R18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon