On the other side

21 1 0
                                    

Una ko ata siyang napansin sa subject na logic, month of june. Dahil matangkad siya, kaya napansin ko siya. Pero di ko din naman masyado napapansin mga nagiging classmate ko, kasi lagi akong nasa first row ng upuan ng klase. Classmate ko din pala siya sa major subject ko tourplan, napansin ko lang siya nung una siyang pinagalitan ni mam tabios, minsan pa naman parang namamahiya yung prof. na yon, kaya ayun. Infairness, magaling siyang mag-english J natandaan ko yung sinabi niya “on the otherside”(sa kabila).

Wala pa naman akong pakelam sa mga tao nung june, dahil in a relationship pa ko non pero Malabo-labo na pati masyado kong busy nun dahil first time kong maging officer nun(heheh). Dumaan ang mga araw. July 2, 2012, first day na single ako uli XD (Sabi ko sa sarili ko, hindi nako uli magpapaligaw. Hihintayin ko si abby. Si abby na kaibigan lang ata talaga tinign sakin L.) Sa subject na tourplan. Bago magstart ang klase, nilapitan ako ni ate chona, isa sa mga matatanda sa klase at friends naman kami kahit papano, nagulat ako kasi nun lang uli siya lumapit sakin, may ipapakilala daw siya skin, gusto akong makilala, at kung may boyfriend ba daw ako.. NGA-NGA napangiti nalang ako, kasi parang nagmamadali siya, dumating na din kasi yung prof namin, basta sumama daw ako sa kanya pagkatapos ng klase. Natawa nalang ako, syempre maraming naglalaro sa isip ko, AYOKO MAKIPAGKILALA SA PANGET. Natapos ang klase. Oo nga pala, may usapan kami ni ate chona muntik ko na malimutan, kaya nagulat ako bgla nalang akong hinila ni ate chona, medyo nakakatense, baka kasi kung sinong kurimaw yon. Sa lobby ng department, nandun pala sa likod naming yung lalaki, nag hi siya, naghi din ako at NGA-NGA, iniwan na kami ni ate chona. Sabay na kami pumunta sa room ng lalaking yon, dahil classmate ko din pala siya logic. NGA-NGA! Walang prof. sa logic, kinabahan na ko dahil alam kong lalapitan niya ko, at ayun na nga, tinabihan niya na ko sa unahan, nakita kami nila faye at elise! As usual, mala-demonyong maka ngiti dahil sa bagong stranger sa buhay ko hahaha XD Usap. Usap. Usap. Maya-maya ba naman , “Pwede manligaw?”, NGA-NGA, koya.. kakabreak ko lang, ni hindi ko pa alam pangalan mo ahh.. ligaw agad? Kelangan agad-agad?? Wahahah. Sabi ko friends na muna, kamusta naman kasi kakakilala lang diba, ang lakas ng loob. Hahah. Maya-maya as usual, hiningi na ang number ko. Binigay ko? Binigay ko J heheh muka naman kasi siyang mabuting tao, medyo madugo lang kausap, ang arte.. English ng English. Pagtapos non, nagpaalam na ko masyado na ata kasi siyang nag-eenjoy tapos ako hindi.

Araw-araw  siyang nagtetext, “Hi, kaen kana ng breakfast mo, kaen kana ng lunch, kaen kana ng dinner.” Paulit-ulit lang, minsan nirereplyan ko, minsan hindi. Pero hanga ako sa kanya ang tiyaga niya.. Halos 1 month siyang ganun, niyaya niya din ako magdinner, first time nga yun eh, bago sa pandinig ko ang makipag dinner.  Iniindian ko naman, dahil si green niyayaya din ako kumain. Eh dahil mas kilala ko si green, kay green ako nasama. Nakakailang si green, kahit kelan talaga hindi ako naging komportable sa kanya. Isang araw Aug 1, nasa mood ako, pagkatapos ng pictorial naming officers, pumayag na ko makipag dinner sa kanya, nasa mood eh J Masaya din pala siya kasama. Mas komportable kesa kay green. Ayun, 1 month kaming laging nalabas, Masaya. Masaya. Masaya. September na, ewan ko, wala na daw siya pakelam, basta daw siya nanliligaw na. Ok siya.. Marami siyang pangarap sa buhay, Sweet.. Gentleman, May sense kausap, May sense of humor, Matured? Pwede na din, Matangkad, Presentable, Maalaga, Suplado, May itsura naman, Galante, hmmmmmmmmmmmmmmm?????? pwede na! J tumagal na ng tumagal ang araw, wala na,  di ko na namalayan.. Gusto ko na siya. . . Lagi ko na siyang hinahanap. Lagi na kami magkatext. At syempre, yung mga kaibigan ko, nagtatatampo na, ayaw nila kay mykey, hindi daw marunong makisama. Dumating pa nga sa pangyayaring muntik ko na sila awayin, ipinagtanggol ko si santi sa kanila. Binabago ko na kasi sarili ko.. yun lang siguro naging problema sakin, hindi ko na sila pinakikinggan, wala na kong pinakikinggan, kundi sarili ko nalang. Desisyon ko, Desisyon ko talaga. Kung ayaw nila sa kanya, di ko na sila pipilitin, kung ipipilit ko pa sa kanila, magkakagulo lang. Dun ako nagsimulang magtago ng sikreto sa kanila, di naman sila magiging Masaya para sakin. Ang hirap din minsan ng ganung pangyayari, pipili ka talaga kung kaibigan o ung mahal mo.. Ang hirap. Pero wala akong magagawa, mahal ko siya. Bahala na si Batman J.

October na! Ilocos tour. 3days and 4nights, Masaya ko dahil matagal tagal kaming magkakasama ni mykey. Pero hating hati ako sa bestfriend ko. . . . O_o.  first day,palang gusto ko na umuwi. Dahil gusto ko kasama ang santi!!!! Pero napepressured ako kay bestfriend!!! Dapak. Hay ewan ko na. Gusto ko murahin lahat ng taong nakikita ko, tapos iiyakan ko sila dahil sa sobrang inis ko. Sa isip-isip ko, walanjo.. ayokong masira tour ko dahil lang sa hindi ko malaman kung kanino ko sasama. Magalit na kayong lahat, buhay ko to, bahala kayo! kay Santi ako sasama!!!!  Second day na, Masaya na.. hirap na hirap na kalooban ko. Bakit?? Mahal ko na si Santi. Dapak. Sobrang pigil na pigil ang emosyon ko, gustong gusto ko na siya yakapin, pero hindi. Matigas ako. Matigas ako! Third day, October 6, 2012 J overnight—Ilocos norte? Fort ilocandia? 12am pa ang curfew?  Wiiihhhh aylabit. Perfect! J 10pm nung natapos ang seminar.. nakakatense na. haha niyaya  ako ni santi maglakad lakad sa hotel.. pumunta kaming coffee shop. Nagpatay ng oras. Lakad uli. Naninigas na dila ko. Mag 12 am na. Dapak. Pabalik na kaming room. “santi? Maging tayo na kaya?” Ngumiti si tuleg. “Osige” Anak ng tinapa.  ang kapal na matigas ang muka niya no?? So ganon?? ako yung nanligaw?? Hahah. Kami na! Kami na! J

 Masaya ko kay mykey dahil nararamdaman kong mahal niya talaga ko. Pati as time goes by.. Siya pala ideal man ko? Haha mabuting tao, may pangarap sa buhay, matangkad, mayaman, presentable, matured, may sense, may sense of humor, sweet, 20 na, nagbabasketball.. what the?? DIBAAAAA????? Hahah sobra-sobra pa nga eh.. cheese burger lang hiningi ko, double cheese burger ang binigay!!! J aba.. sa buong buhay ko, nakahanap na ko ng seseryosohin ko. Nakikita ko future ko sa kanya. Bakit hindi, eh ganun din naman siya sakin.. mahal na mahal niya ko.. marami na nga kaming nakalistang pangarap namin para sa future.. Sana nga kami na talaga no? gabi-gabi ko na ngang pinagpapray na ibigay na niya sakin si mykey.. maraming tutol, wala kong pakialam sa kanila. WALA KAMING PAKELAM SA KANILAAAA!!! Sabi nga ni mykey, masama bang magsama ang dalawang taong may itsura para maging ganon sila samin? The hell, oo nga. Hahah Masaya kami, we are so deeply in love with each other, we don’t have to please everybody. Just let us. Di naman na kami bata, mas matanda lang talaga ang iba, at makitid lang mag-isip ang the rest J

HAHAHA J Ngayon ay. . .October 31, 2012, nextweek one month na kami. Hehe nagsisimula palang ang kwento namin. Malayo layo pa. Marami pang bigas na kakainin. Hanggang dito nalang muna. J LOVE. LOVE. LOVE. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On the other sideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon