Fifteen minutes.
Just fifteen minutes left and I will be leaving this place, go home, and hopefully have a peaceful rest. It was a ten chaotic hours of working. Dahil Christmas season, panay ang dayo ng mga tao dito sa cafe na pinagtratrabahuan ko. Everyone is shopping and having a hot beverage with them, is something would booze them. Sobrang busy na naka-ilang refill ako ng hot chocolate sa machine, ilang beses tinawagan ang supplier dahil naubusan ng plastic cups at apat na nga lang kami dito, trainee pa ang isa! Swerte nalang talaga at nakuha ko 'yong dalawang breaks ko kanina. Thirty- minute meditation with jazz music. Chef's kiss!
"Clara, can you also sweep behind the counter after that?" Tango lang ang itinugon ko sa boss ko. Gustuhin ko man maging full-time artist pero dahil may kamahalan ang mga materyales at hindi ganoon karami ang kinikita ko sa komisyon, kailangan kong dumoble kayod. Hindi pa nga pala ako nakakapagbayad ng renta last month, patay. Makikitulog na lang siguro ako kina Candy mamaya para hindi ako abutan ni Tita Glenda.
Minamadali ko na ang pagwawalis dahil pagod na ko at uwing-uwi na. Gusto ko nalang humilata sa kama at matulog. Kinuha ko na sa sulok ang dustpan upang salukin na sana ang kalat nang biglang gumawa ng ingay ang pinto, senyales na may customer na pumasok.
Sinalok ko muna ang kalat bago pumunta sa may counter. Baka makalimutan ko pa.
"Hi, I would like to get--" Panimula nito. Hindi ko alam pero bigla akong nairita. Halos alas diyes na kasi ng gabi at wala pa ring tigil ang pag-ulan ng nyebe mula pa kanina. Christmas is just around the corner. Shouldn't people just stay at home?
"Sorry, sir. But we are already clo--" Napatingala ako sa tangkad niya. Katamtaman lang naman ang tangkad ko mula sa karaniwan, mas matangkad lang talaga siguro siya. Pero hindi lang iyon ang iginagulat ko. Sa lamig na paniguradong maninigas ka, bakit nakajacket lang ito na parang papasyal lang ng Baguio?
"Babe... hi." Ano raw? Tama ba ang nadinig ko? Pagod ba 'to at nakakarinig na ako ng kung ano-ano?
I softly chuckled with what he said. "I think you're mistaken, sir. First of all, I don't even know you. Seco--"
"Clara! Sabi ni boss isara mo na raw yung front door-- Putang-- Perseus?!"
Nagtaas lang ng kamay ang taong nasa harap ko para bumati pabalik sa katrabaho ko.
"Hala, sobrang pagod ko na ba para maghalucinnate? Woah." Nanlaki pa ang mata nitong si Rafa, katrabaho ko. Tumabi pa sa'kin 'to upang makita ang kaharap ko ng malapitan. Ipinatong pa ang dalawang kamay sa buhok nito, hindi talaga makapaniwala.
"'Tol pwede ba pa-autograph? Pa-picture? Video greeting? ."
"Sige." Sagot niya ng may napakalawak na ngiti, na para bang sanay na sanay na 'to na gawin para sa iba.
"Yown." binangga pa ko ni Rafa para makakuha papel at ballpen sa baba ng counter. "Tabi nga." pabulong niya pang sabi sa'kin.
"Sino nga ulit 'tong sabi mo?" Bulong ko kay Rafa. Alam kong maririnig pa rin akong taong poste dahil magkaharap lang kami. Pero may parte sa sarili ko na ayaw kong marinig niya 'ko. Tumingin ulit ako sa lalaki na kalmado lang kaming hinihintay. Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Huy, Rafa."
"Hindi ka ba nakikining ng opm o hiphop? 'Yong sinabi ko sa'yong nagtrend na kanta noong nakaraan, siya yung kumanta no'n. Sabi mo nga ang catchy, eh tapos ang ganda ng boses.." Daldal ni Rafa habang nanghahalungkat pa rin ng pansulat. Dumayo na sya sa likod dahil wala siyang nakita rito sa harap.
"I'm glad you like it, babe."
"Huh? Wait, ikaw yung nagsulat nung Maria Clara?"
"Oo. Sinulat ko para sa'yo."
"Teka hindi naman Maria Clara pangalan ko-- and why do you keep calling me babe?"
"Clara, bilisan mo raw. Lods! ito na yung papel, oh. At saka, pwede bang pa-picture na rin? Salamat!"
Pupunta na sana ako sa likod para iwan silang dalawa at ipagpatuloy ang paglilinis, nang humirit si tangkad at tinawag ang pangalan ko.
"Hey Clara... magpapaliwanag ako. Don't worry I'll wait for you to finish your job. I'll stay here. In exchange with that... can we also talk on why you ghosted me?"
BINABASA MO ANG
Chasing You
Short Story"There's a reason why beers and tears rhyme, and that reason is YOU."