- Kahit Hindi Tayo -
Ang pag-ibig daw ay isang salitang mahiwaga,
Na kung sa bibliya ay sadyang matalinhaga,
Para sa mga tao’y labis ang halaga,
Kaya dapat pag kaingatan ang bawat kataga.
Iba ang pakiramdam kapag ikaw ay kapiling,
Lahat ng atensiyon sayo nakabaling,
Ikaw kasi ang hilig man lambing,
Ayan tuloy! Lalo akong nahuhumaling.
Akala ko nung una ganito lang talaga,
Yung pakiramdam kapag kaibigan ay kasama,
Hindi ko naisip na nag-iiba na pala,
Ang tingin ko sayo oh aking sinta.
Ako ay nagulat, pag gising sa umaga,
Bigla na lang naaksidente at nahulog sa kama,
Hindi na tuloy natapos ang panaginip kong maganda,
Lagi na lang ba namang istorbo si mudra.
Hay! Ayan tuloy nasira na ang araw,
Pati sa pagkain hindi na nagtakaw,
Kasi ba naman si mama’y maagang nambulahaw
Bute na lang iyong litrato’y aking natanaw.
Habang naglalakad sa tabi ng kalsada,
Nakita nila akong pangiti-ngiting mag-isa,
Binilisan ko ang lakad dahil nakakahiya sa mga nakakita,
Para ba namang ewan, at mukha pang tanga.
Pagdating sa eskwela ikaw agad ang nakita,
Umaga ko tuloy ay naging kaiga-igaya,
Ngunit lahat ng saya ay nabaliwala,
Nang ika’y matanaw na may kasamang iba.
Bakit ganoon ang aking naramdaman?
Tila nabagsakan ng malaking bato sa katawan,
Nang ako’y tanungin ng mga kaibigan,
“Ano ang nangyari at napaluha sa daan?”
Hindi ko naintindihan kanilang katanungan,
Bagkus nagpatuloy ako hanggang marating ang paroroonan,
Mga gamit ko’y naibagsak na lang sa upuan,
Hindi ko alam kung bakit ako nawala sa katinuan.
Pag-alis ng kausap ay binate mo ako,
Ngunit bakit ganoon ako’y hindi kuntento,
Hinarap kita at tiningnan ng deretso,
Nagulat ako nang lapitan mo ako sa aking pwesto.
Napangiti ako sa kadahilanang hindi ko alam,
Basta’t ang alam ko’y ikaw ang may kagagawan,
BINABASA MO ANG
Kahit Hindi Tayo
PoetrySa panahon ngayon, bato na lang ang hindi nasasaktan. Kagaya nga ng sabi ng aking mahal na si Amber Lopez ng Reaching You ni Alyloony, "DO NOT LOVE TOO MUCH."