Chapter 5: Friends

5 0 0
                                    

Ako nga pala si Ken Torres. Naiinis ako sa mga babaeng dikit ng dikit sakin. Sa araw araw, walang segundong hindi ako lalapitan ni Brenda na halos siya nayung nanliligaw sakin. Yung kapatid naman niyang si Lia, dikit din ng dikit sa kapatid kong si Tristan na may girl friend nang si Andy. Isa lang naman ang gusto ko sa babae, yung simple lang.

Teacher: Okay class find your pair. Magkakaroon tayo ng project by pair.

Brenda: Hi Ken, would you like to pair up with me? 

Ken: *irritated* uhm ( sabay hablot kay Yumi na walang gustong makipagpair) sorry partner ko na kasi si Yumi Brenda.

Brenda: Are you kidding me? eew you're pairing up with this big trash? Ano nalang sasabihin sayo ng ibang tao Ken? You're out of your mind! This is insane!

Ken: Ano namang problema if siya yung partner ko? 

Brenda: You'll ruin your reputation!

Ken: Wala akong pakielam, tara Yumi.

------------ Break Time: Roof Top-----

Ken: *sabay bigay ng in can beverage kay Yumi* Here.

Yumi: Salamat.

Ken: Walang nagppair up sayo, grabe talaga siguro pagod na pagod ka na sa buhay na ganito

Yumi: Sanay nako

Ken: Alam mo, naiinggit ako sayo, kung ako masusunod, mas gusto ko ng simpleng pamumuhay. Nakakasawa maging popular. Tingin din sakin ng mga kaibigan ko Playboy daw ako dahil maraming babaeng nasunod sakin which is hindi ko naman ginusto.

Yumi: Baka pag nalaman mo ang buhay ko, umayaw ka nalang bigla. Hindi biro maging mahirap. Todo kayod nalang ako

Ken: Ano bang ginagawa mo at lagi kang puyat at maputla?

Yumi: Nasa ospital kasi yung nanay ko, minsan hindi na ko kumakain para hindi na ko gumastos. Pagkagaling ko dito sa school, naghuhugas ako ng plato sa isang kainan sa bayan. Pagkatapos nun magtitinda saglit ako ng mga tsinelas at iba pa tapos diretso ko sa ospital. Lagi ko nang dala yung mga libro ko para habang nagbabantay ako kay nanay, nag aaral ako. Scholar kasi ako kaya hindi pwedeng bumaba grades ko. Tapos matutulog ako ng 4 na oras didiretso sa bahay namin pra ayusin yung mga ititinda ko sa palengkeng mga gulay galing sa kapitbahay namin tska ko aalis. Pagkagaling ko ng Palengke uuwi ako pra mag ayos papuntang school. Bibili ako ng murang pambaon tapos itatabi ko yung mga kinita ko para sa nanay ko. YUN LANG NAMAN ANG BUHAY KO

Ken:  Seryoso kang kaya mu gawin yan araw araw?

Yumi: Para sa nanay ko, oo, lahat gagawin ko.

Ken: Minsan magtira ka naman para sa sarili mo. Pano yung nanay mo kung magkasakit ka? Wala ng aasikaso sa kanya.

Yumi: Stage 4 na yung kanser niya, kelangan makaipon ako ng pera para maoperahan siya, kelangan ko tong gawin ee. Kabayaran sa kabutihan niya sakin. Ikaw, mapalad ka kasi may kaya kayo, hindi mo kelangan mahirapan ng ganito, hindi tulad ko, hindi naman ako mayaman. Nagrerenta kami sa barumbarong, kapag hindi kami kikilos, wala kaming makakain. Tapos pag dating pa dito sa school, lahat ng tao, tinatapaktapakan lang ako. Wala akong kaibigan, hindi ko alam kung may kaibigan ba talaga sa mundo o para lang yun sa mga taong may kaya at mayayaman.

Ken: Hindi pa ba kaibigan tingin mo sakin? 

Yumi: Kaibigan?

Ken: Oo, edi ako ang una mong kaibigan :) Siguro parehas din tayong malungkot kaya dapat lang na maging friends tayo okay ba yun?

Minsan naisip ko, sana hindi na matapos yung araw na yun. Isang mayaman na nakipagkaibigan sa pobreng katulad ko, masarap sa pakiramdam kasi may taong nagpapahalaga sayo.

That BlissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon