Chapter13- Her Aura and photo album

425 14 0
                                    


Let the flames begins!

-----------xxx

Jake's POV

nandito kami ngayon sa vacant room, kung saan nakatali yung lalake kanina,

tahimik lang at kalmado si Ice habang naka upo sa single couch,

kung ikaw ay estranghero, iisipin mong ayos lang siya, pero para sa gaya kong kilalangkilala siya, galit siya,

hindi lang galit, ngunit galit na galit. yung tipong pwede na siyang makapatay ano mang oras. 

pag tahimik siya, ibig sabihin ay galit na siya.

"Sino ang nag padala sayo dito para mag espiya?" tanong ko,

si zac, aaron, Henry, charlie , xylem, michael at Ice ang nandito,

"Di niyo ko mapapaamin!!" pag mamatigas nung lalake,

na ngayon ay naka tayo na at nakatali ang magkabilang kamay sa poste ng kwarto,

pansin kong tumalim ang tingin ni Ice,

tinanguan ko si henry. ito ay isang hudyat,

pag ka tango ko sakanya, otomatikong pinalo nya ito sa bandang alak alakan,

sa mga hindi nakakaalam, ito ay ang likuran ng tuhod.

sa sobrang lakas ng palo ni henry, napasigaw ang lalake nang pagkalakas lakas, mahahalata mo ang sakit sa kanyang mata na mangiyak ngiyak na,

"Sino ang nag padala sayo dito?" tanong ko na may maotoridad na boses,

"Kahit patayin niyo ko di ako aamin!!!" sigaw niya,

"aba, matigas ka ah" sabi ni michael,

pinalo ulit siya ni henry, pero sa pag kakataong ito, sa bandang kalamnan na,

muli, napasigaw siya sa sakit, at may kaunting dugo na ang kanyang bibig,

"Anong pakay mo?" si charlie naman ang nag salita

"Wa-wala kayong makukuha sa-sakin!!" halata nang sobrang sakit talaga ang nararamdaman niya dahil sa bawat salita at buka ng kanyang bibig ay may kasamang dugong umaagos,

"Wow! masyado kang loyal!" mapang uyam na sabi ni kevin,

nag tawanan sila pero natigil dahil nag salita muli ang lalake,

"Ka-kahit pat-tayin nyo a-ako, hi-hindi a-ako kakanta!" pagmamatigas niya,

naramdaman namin ang pag tayo ni Ice sa couch,

Sobrang talas ng kanyang tingin, at tila nag aapoy ang kanyang mga mata,

kinuha niya ang kanyang katana,

at lahat kami ay napa tabi upang bigyan siya ng daan,

"SINO.ANG.NAG.UTOS.SAYO" kalmado ang boses niya ngunit mahahalata mo rito ang diin kada salita,

"Ga-galit si-sila sa-sayo" utal na sabi nung lalake,

"SINO.ANG.NAG.UTOS.SAYO." ulit ni ice,

"Di k-ko sa-sasa-bihin" pagmamatamis niya,

napa-tawa si Ice nang marahan,

halata ang inis,

"Isn't it unfair for you?" sabi ni Ice sabay tawa ulit,

napa ayos ng tingin nung lalake,

"You were still loyal to them despite of your bruises, scratches and wounds. yet, they didn't care about you." she said, at napa ikot siya sa lalakeng nakatali,

The Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon