What a beautiful day to started my day..

4 1 1
                                    

Naniniwala ba kayo sa LOVE AT FIRST SIGHT? eh sa mga soul mate? o kaya yung mga happy endings? Kasi ako... HINDE. Sa mga movies at stories mo lang yun makikita. Yung mga tipong umaasa at naghihintay para sa prince charming daw nila. Sarap batukan iyang mga babae na iyan! Mga naghihintay sa wala. Mga umaasa at masasaktan sa huli. Aral muna bago landian!

"Mag-boyfriend ka na nga, anak" nagulat ako nang nagsalita si nanay.

"Ma, ayoko pa nga mag-boyfriend. Paulit-ulit niyo po akong sinasabihan na mag-boyfriend. At paulit-ulit ko ng sinasabi sa inyo na pwede naman po maghintay iyan lovelife na iyan. Gusto ko pong mag-focus muna sa pag-aaral ko para matulungan ko kayo ni Tatay."

Hay Nako! Sobrang makulit si nanay. Gusto na niya akong mag-boyfriend kahit ayoko naman. First year college na kasi ako eh. Medyo tumatanda na.

"Anak, hindi habang buhay maganda ang iyong mukha. Kapag tumanda ka na, magkakaroon ka na ng mga kulubot-kulubot sa mukha mo at-----" hindi ko na pinatapos sa pag-sasalita si nanay dahil nag-aaral pa ako.

"Opo, opo. Naiintindihan ko po!! Mag-aaral na po ako!!!"

~Ako nga pala si Sophia Evans. First year college na ako. No Boyfriend Since Birth ako. At wala balak na mawala ko ang titulo kong iyon! Nag-aaral ako sa Sakura Academy! Scholar pa ako dun! At medyo marami na akong kaibigan. MEDYO LANG

~NASA SCHOOL~

Naglalakad na ako sa hallway ng Sakura Academy. "Morning, Sophia!" bati sa akin ni Maria. Isa siya sa mga kaibigan kong makulit.

"Hey~!" masayang bati ko sa kanya.

At pagkatapos nun ay naglakad ako ulit. Pupunta pa lang ako sa classroom ko... NANG...

~Ring.... ring......~

Nag-ring yung phone ko. Syempre, sinagot ko. "Hello?' bati ko sa tumawag sa akin.

"........" wala akong narinig na sumagot sa hello ko... (Malamang walang sumagot eh)

"Heeeellllllllloooooooooo???" naghanap ako ng sagot... pero wala eh.

Agad kong ibinababa....... weird. Prank call lang iyan! At maya-maya nakarating na ako sa classroom. (At last!!)

"Hoy! Bawal Evans dito sa classroom!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Lalaking lalaki ang boses niya! At syempre, nagulat ako!! Pero hindi OA na gulat. Medyo lang... Nang tumalikod ako. Nakita ko agad ang "chest" ng lalaki.... Hindi ako yung mga babaeng baliw na baliw ah.. Maliit lang talaga ako. Matangkad, maputi, malaki ang katawan at..... feeling gwapo.

"Ano bang problema mo?!" malakas kong tanong.

"Haha!! Asar talo!" ginulo niya ang buhok ko at umalis sa classroom GRR! problema niya?!

"Palagi ka na lang nagagalit kay Michael noh?" tanong ni Mr. Torres.... Yung PE teacher...

"Kasi naman po. Nauna siya at ayokong magpatalo sa taong gaya niya!" reklamo ko sa kanya.

"Kahit ganyan si Mr. Michael, mataas pa rin grades niya." 

Tama si Sir.. Yun nga yung nakakainis eh! Kahit ganyan ugali ni John Michael... Ubod ng talino siya! Nakakainis nga eh!! Bakit siya matalino?? Hindi siya scholar kagaya ko. Mukha siyang bad boy na feeling magaling sa lahat. Pero sa totoo lang....

Halos sa lahat ng bagay, magaling siya... Bakit kaya nohh? Siguro pinapagawa lang niya yung mga project niya at homework sa ibang tao... Alam mo ba..

Magaling siya sa sports, grades. arts, singing, dancing, speeches, recitation at LAHAT LAHAT NA!!!! Sige na! Mas mataas nga grades niya sa akin eh!!

Kahit masama ugali niya nanangangasar pa at ngiinis ng tao. "Hindi niyo na po kailangan sabihin! Alam na alam ko na po iyan Sir!!" naiiritang sabi ko kay Sir. =_=

"Haha! Balang araw, siguro matataasan mo rin siya" at umalis na si Sir....

~Nagkaklase~

"Good Morning class!!" energetic na bati ng prof.

"It's been a long time! Kaya... gusto kong maghanap kayo ng partner para sa isang activity!!! At gusto kong boy and girl yung partner niyo!" masayang-masaya na sinabi ni Ms. Reyes.

Hinanap ko si Matthew. Isa sa mga cool guys na kaibigan ko. OO.. COOL. 

Pero, nakita kong kausap na niya girlfriend niya... Gets ko na yung sitwasyon kaya't hindi ako tumuloy papunta sa kanya.... Pero.... Gusto ko sana siyang ka partner ko!! At biglang....

"okay class!! May partners na?? Sinong wala pang partner?" hayzz... Wala pa akong partner! Kaya't nagtaas ako ng kamay.. (ano gusto mo paa?!)

"Ah! John and Sophia! What a perfect match!!" wait.... Did she just said JOHN?!!  Tumitigin ako sa harap..... sa gilid-gilid ng classroom.... WALA NAMAN AHH!!!!

                                                                                     *batok*

"Tungaw! Nasa likod ako nakaupo!" aray! Nanbabatok ka ah! Sinipa ko siya sa paa niya! :3 Syempre gantihan lang toh!  Hindi ako papayag na matatalo ako!! Hindi ako sanay matalo :)

"Aray ko! Bakit ka naninipa?!" rekamo niya

"ikaw kaya na-una!! Gumanti lang ako." paliwanag ko sa abnormal na toh

"Ayoko maging ka-partner sa isang katulad mo! Tignan mo nga FC ka na nga eh! Tapos Puro---"

"HOY!! Anong FC! Hindi ako feeling close sayo ah! Wag ka nga!! Sa tigin mo gusto kong LUMAPIT sa isang katulad mo? H-A-H-A-H-A (fake laugh)"

"Hindi kasi feeling close!! Fl---------"

"TAMA NA!!! Ayokong marinig ng ingay sa inyong dalawa!!" ang ingay kasi itong mokong John na ito eh. Nasisipa tuloy ako ng Prof (=_=)

"Miss..... Ayoko po si John yung partn-----"

"sa GUSTO niyo o HINDE partner mo na siya" noo!!

"But----" wahh ayoko!! Ako lang yung gagawa ng lahat eh!

"No buts! Now, sit down and listen."

All I can say is that this just made my day... Literally..

I just want to thank you!  -_- 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon