Ano ba naman yan.
Hirap na ko mag memorize dito.
every week nalang kasi 50 words na recitation tapos isa lang itatanong. :(
"KAYLEEE! nakapag kabisado kana?"
"Di pa te. Tinatamad ako eh."
"Sa saturday na yun ah"
"Bahala na."
Andito ko sa school ngayon. Wednesday ngayon at talaga namang wala pa ko nakakabisado.
Anyway, I'm Kaylee Mia Cruz, 18 years old.
Pwede na siguro basic info no? ;)
I'm 3rdyear college student. Computer Science.
Month of July ngayon. So nakakatamad -____-
"Hi bebe!"
Oo nga pala, have a group of mean girls named bebe's <3
Joyce, Jerlyn, Rachelle, Lyca, Shara, Mara, Criselle.
Sila palagi ko ksama dito sa school namin.
Kadamay sa hndi pag rereview pag may exam. Hahaha!
At of course, dahil friendly ako.
May extension friendship ako. A group of biatches ;)
Sila Yhang, Anna, Eason, Lester and sila Joy.
"Be tignan mo yung naka post oh, audition daw for intermission. Sali kayo!"
"Oo nga be. Ako kakanta. Ikaw mag gitara."
"Huh? Anong kanta naman?"
"Matagal pa naman eh, prepare tayo!"
Since maganda boses netong ni Rachelle, pumayag ako.
Matagal na preparation pa naman.
Kung sakali, first time ko tumugtog at mag gitara sa harap ng maraming tao.
Nag prepare ako ng mga kanta tsaka ko pinapili si Rachelle ng magugustuhan niya.
Pero bago lahat yun, syempre nag ready muna kami for prelim exams at ang walang sawang
pa-recitation ng professor ko. Siya din kasi mag hahandle ng intermission.
Ngayon lang yata nagkaroon ng intermission sa Acquaintance party.
"So, nakapili kana?"
"Alam mo ba sa gitara yung lapit be?"
"Oo, pero ayoko nun. Di ko trip. Payphone alam mo?"
"Hindi be eh."
"Maganda yun, pakinig ko sayo."
Yung version nila Alex G yung pinarinig ko sakanya.
Suddenly nagandahan siya.
"Sige, pag aralan mo na yan. Alam ko narin naman sa gitara yan eh."
"Pag aralan mo rolling in the deep."
"Sure."
After prelim exams, nag prepare lang ako.
Hindi lang naman basta
trip 'to.
For the sake para mapansin din ako ng crush ko. >//////<
Si Alex Dylan David. Ultimate at All time crush ko.
Varsity sya ng course namin.
Nakakachat ko kasi siya, kaso hndi naman niya ko kilala sa personal.
How sad right? :(
"Mapapansin ka na ni Alex be."
"I hope so."
After a days, napag aralan ko na yung rolling in the deep tska payphone sa gitara.
Monday na ngayon, sa friday na yung audition.
At talaga namang puspusan ang rehearsal namin netong singer ko ;)
FRIDAY * (audition day)
Okay. THIS IS IT.
Nauna dumating dun sila Rachelle at Jerlyn.
Lagi ko namang kasabay pumasok si Lyca at Joyce.
At eto na nga dumating na kaming school at papunta nang toshiba (computer room)
"Anyareh na be?"
"May kumanta super bass."
"Huh?!"
"Banda sila eh."
"Ah. Kawawa naman us. Dalawa lang tayo. Yaan mo na keri yan."
Dala ko gitara ko kahit tamad na tamad ako magbitbit. :D
"Tara may nag aaudition pa naman sa loob practice muna tayo."
Nakaupo na kami sa tapat ng toshiba.
Tutugtog palang ako eh.
"Te, dun daw kayo sa loob sabi ni sir."
Yung president ng officer ng computer science.
Ano ba naman yan. Kinakabahan pa kami eh.
Sana kahit man lang isang pasada nang practice bigyan kami.
"Ah, mag practice po muna kami."
"Oo nga, dun na daw sa loob sabi ni sir."
Okay. wala na kami magawa.
Pumasok na kami sa loob.
"Dito po kayo ate."
At pinapapwesto agad kami sa harap?
"Hindi mag ppractice lang po kami."
"Sige na dito na."
"Pwesto na kayo dun Cruz."
Okay si sir na nagsabi eh.
At pumwesto na kami sa harap.
Hawak na ni Rachelle yung mic.
"Kantahin ko rolling in the deep be."
"Akala ko ba payhone lang?"
"Onga pati ayun, maya pagkatapos."
"A-ah okay."
123~
Playing rolling in the deep acoustic~
Syempre nakagitara lang ako eh. :D
So there tapos na finally.
Next song:
Playing payhone acoustic~
Tsaka naman sila nagpalakpakan.
At tumayo na nga ako. :D
"Balik kayo sa August 24 for general rehearsal sa audi. 5pm onwards ah."
TANGGAP KAMEEEEEEEEEEEEEEEE! HAHAHHAHAHA >:D
OMYGEE.
Excited nako..
Hindi sa pag tugtog namin.
Kundi may possibility na.
na MAPANSIN NAKO NI ALEX. <3 ;)))))