Bestfriend

36 13 0
                                    

I have my bestfriend, Shia.

Shianna Mae D. Zoela.

Never akong iniwan. Lagi akong tinutulungan tulad ngayon, andito kami sa malapit sa room ng crush ko. Actually I'm not sure kung crush lang to eh. Imagine 3 years na to hahaha!

"Gynex alam mo sinasabi ko na sayo ha kapag tayo nahuli dito ng mga teacher sasamain ka talaga sakin." ani Shia.

Never pang nakita ni Shia tong crush ko never ko pa ding nababanggit pangalan ni Gio sakaniya kasi hindi daw siya interesado.

Giddeon Ian Orlie G. Anderson. In short, Gio.

Kapag babanggitin ko naman, hindi ko alam pero hindi talaga niya maririnig. Tsaka ngayong taon pa lang nag aral si Shia dito. Dati dun siya sa probinsya nila. Kada bakasyon nagpupunta ako don dahil sa lolo ko na kaibigan ng lolo niya.

"Saglit na lang naman eh. Malapit na din uwian Shia." pakiusap ko sakaniya.

"Ewan ko sayo, mauna na ako sa room natin." saka siya nag lakad palayo.

"Shiaaaa!" pabulong kong tawag sakaniya. Pero nag tuloy tuloy siya sa paglalakad sakto ding nagsilabasan sila Gio, yung crush ko kyaaaa~ lumabas ako sa pinagtataguan ko. Saka nag sigawan ang mga kaklase niya.

"Gio si Gynex oh!" sigaw nung isa, kaya napatingin sakin si Gio.

"Kingina pre chix na lumalapit." sabi pa nung isa.

"Gynex ako na lang hahahaha."

Luh sorry but my heart is taken. Only for Gio.

"Gynex aylabyu!" sigaw ng isa pa niyang kaklae.

Nakuuuu please stop it! Baka mag selos si love ko huhuhu!

Assuming lang eh hehehe!

"Gio! ano pa hinihintay mo ang ganda ganda ni Gynex."

"Ang ganda talaga ni Gynex bhie! nakaka insecure!" dinig kong sabi ng isang babae na classmate niya.

"GIO PANSININ MO NA SI GYNEX!"

Sigawan ng mga kaklase niya pero nagtuloy tuloy siya sa paglalakad at nilampasan ako.

"G-Gio.." utal kong tawag sakaniya pero mas binilisan niya ang paglalakad, saka lumiko.

Wala na akong nagawa kundi bumalik sa room namin. Pag balik ko wala dun si Shia. Hayst!

Asan naman yon? Akala ko nauna na sakin yon?

Kinuha ko ang bag ko tsaka bag niya, tapos naupo saglit. After ng ilang minuto dumating si Shia naka hawak sa ulo. Agad akong tumayo at lumapit sakaniya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sakaniya. Bigla naman siyang muntik matumba sakin ng bigla siyang bitawan ng naka hawak sakaniya kanina, na hindi ko naman na napansin dahil inuna kong alalayan si Shia.

"Bwisit na lalaking yon!" sabi niya ng maiupo ko siya.

"Sino?" tanong ko saknaiya

"Wala! tara na umuwi." inis pang sagot niya.

--

Weeks passed.

"Kainis talagaaaa! arrgghhh!" sigaw ni Shia pagkadating na pagkadating niya dito sa room, taka ko naman siyang tiningnan. Lalapit na sana ako sakaniya para tanungin siya pero dumating naman ang teacher namin.

After ng class agad akong nag ligpit ng gamit ko ganun din si Shia, nauna pa siyang lumabas. Hindi man lang ako hinintay! tsk.

Pagkalabas ko ng room wala na, diko na siya makita. Kaya pumunta na ako sa room nila Gio. Pero pagkadating ko don, mukhang naka labas na sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now