Prologue

21 0 1
                                    

 "Ate, if a star would ever want to leave the sky, where would it go and what's the reason why?"

Napahinto ako sa pagsusulat sa aking notebook at tininingnan ang aking kapatid na hindi tumitigil sa pagsusulat.

"Ano'ng klaseng tanong 'yan?"

Gumagawa kasi kami ng assignment ngayon. Ewan ko nga kung saan niya nahugot 'yung tanong na 'yun eh. Parehas kaya kaming Math ang ginagawa. Malamang sa malamang lumilipad nanaman ang utak neto habang nagaassignment.

"Wala lang," binaba niya ang ballpen niya at tumingin sa akin. "Sagutin mo na nga lang ate. Minsan na nga lang ako nagtatanong saiyo eh." 

Dahil malapit lang sa akin ang kapatid ko, nakatanggap siya sa akin ng batok.

"Edi, ikaw na ang matalino. Ikaw sumagot sa tanong mo, matalino ka na niyan eh."

"Ateee! Wala naman akong sinasabi a!"

"Shhh. Mag-assignment ka na lang diyan, pede?"

Pareho kaming nagbalik sa pagsusulat. Hindi sa ayaw kong sagutin ang tanong niya. Pero kasi wala akong mahanap sa utak ko na sagot. Siyempre paraparaan na lang yan ng mga ate. *wink* Pero..di ko siya gets. On the first place bakit naman gugustuhin ng isang bituin umalis sa langit? At paano siya makakaalis sa langit? At may buhay ba ang star? Nagsasalita ba 'yun at nakakaramdam? See? Ang daming follow-up questions nung tanong niya at baka hindi ko na matapos ang assignment kong gabundok kung sasagutin ko yung tanong na yun.

"Pero, ate..don't you find it weird? Kung ano 'yung meron tayo hindi natin naaappreciate. We tend to like the things we don't or sometimes can't and never will have." 

I was almost done with my solution on math. Nagkaroon lang ako ng urge na sagutin yung tanong niya or mag-add up sa conclusion niya. 

Actually totoo. Weird talaga ang mga tao. Kapag straight ang buhok nila, gustong magpaperm. Kapag kulot naman, gusto magparebond. Kapag payat, gusto tumaba. Kapag mataba, gusto pumayat. Kapag maulan, gusto maaraw. Kapag maaraw, gusto umulan. Parang ang sarap lang namin kaltukan. Masyado kasing mapaghanap. 

"Kasi ang tao..hindi marunong makuntento. Palagi silang naghahanap ng MAS hindi sila marunong magtiis kung ano lang yung sapat. Kaya hindi sila sumasaya. Tingnan mo ako? Never naman akong naghanap. Oo may insecurities. Pero masaya naman ako kasi kuntento na ako sa pamilya ko at kung ano ang buhay ko ngayon."

"Ang drama mo ate!"

"Ikaw naman nagsimula a!"

Tsaka ko ginulo ang buhok ng kapatid ko. "Mag-ayos ka na nga ng makatulog na tayo."

Never darating sa punto na maghahanap pa ako ng kung anong wala ako. And I think, alam ko na ang sagot sa tanong ng kapatid ko. Napakatalino niya talaga.  Nagawa niya pang iparealize ang ibig niyang sabihin sa una niyang tanong. I think a star would leave the sky because it's tired to just see the world below. Tired to be looked up to but never an inspiration. So it goes down, to experience two major feelings... and that is to fear and to love.

 

-

Doesn't mean na star eh star talaga representation lang yan ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Runaway StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon