24

360 10 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🍉

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🍉

"sige hyung, bye."

huling saad ko at lumabas na ng dorm. inayos ko yung mask ko saka glasses na suot at minake-sure na walang makakahalata saakin.

pagkatapos naming mag-perform, nagpaalam akong lalabas para kumain kasi may binigay sakin yung manager hyung na flyers.

ang nakasulat dun, pag bumili ka ng tatlong caramel macchiato na large size merong libreng isang buong pakwan.

syempre, yung habol ko lang naman dun is yung pakwan.

aayain ko sana si yuta hyung, kaso naabutan kong nakahiga na at matutulog.

hindi narin ako pumunta kay hyuck kasi baka natutulog narin yun.

mag-aalas syete palang naman pero you know, pagod kasi lagi kaya maaga nagsisipagtulog.

agad kong tinunton yung shop na yun.

hoping na wala naman sanang nakakilala sakin at sumunod sakin.

sana.

.....

"balik na lang po kayo dito sir, ipakita yung resibo para po makuha yung watermelon."

"thank you."

luminga linga ako sa paligid para maghanap ng mauupuan. hindi naman siya ganun kalakihan na shop and luckily, kaunti lang yung nandun na tao.

nagtungo ako dun sa gilid na upuan at inilapag yung tatlong kape na wala naman din akong balak inumin.

pero dahil gusto ko muna tumambay, nag-order ako ng dessert at hinihintay nalang na dumating.

hidden | markhyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon