Naaalala ko pa kung saan tayo nagsimula. Second year high school tayo noon nang magtagpo ang landas natin. Gabi bago ang kasal ng aking pinsan ko ay dumating kami sa Batangas, kung saan ka nakatira malapit sa bahay na aming tutuluyan.
Natapos ang kainan at inaya ako ng pinsan ko, kapatid ng ikakasal. Ipinakilala nya ko sa inyo, sa mga kaibigan nya. Inilahad mo ang kamay mo at sabay sabin ng iyong pangalan sa akin. Tinanggap ko ito.
Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing yun. Yung nakasisilaw mong mga ngiti, idagdag mo pa ang ganda ng iyong mga mata, kada mapapatingin ka sa gawi ko ay para na kong matutunaw.
Naalala ko pa kung paano hingin ang numero ng aking cellphone. Pero hindi naman ako nag-alinlangang ibigay ito sa iyo.
Naalala ko pa noong unang beses kong marinig ang napakalamig mong boses gamit mo pa ang gitara mo. Sa unang pitik mo pa lang sa iyong gitara tila may mga paru-paro ng naglalaro sa aking tiyan. Lalo na nung ibinuka mo ang iyong bibig at sinumulang kumanta. Hindi ko mapigilan ang sarili sa kilig. Sino bang hindi kikiligin sa ganda ng boses mo. Isama mo pa ang mga nakasisilaw mong ngiti at maamo mong mukha habang ikaw ay kumakanta. Di ako gumalaw. Nabato ako sa pwestong kinalalagyan ko. Pinana na ata ako ni kupido.
Naalala ko pa nung ina-add mo ko sa facebook. Abot tenga ang ngiti ko at halos mabugbog ko ang katabi sa kilig na nararamdaman ko. Gusto na kasi kita noon eh. Lalo na nung nag-chat ka at sinabi mong “salamat sa pag-accept” agad naman akong tumugon ng “walang anuman”. Dudugtungan ko na sana ng puso kaya lang baka makahalata ka kaya binura ko at tuldok na lamang ang inilagay ko.
Tanda ko pa rin yung araw-araw na pag-sundo mo sa bahay na aming tinutuluyan at yayayaing gumala. Halos lumundag ang puso ko sa sayang nadarama ko.
Dumaan ang araw at may iba na kong nararamdaman saiyo. Natakot ako na baka masaktan ako sa unang pagkakataon.
Naaalala ko pa nung sinabi mong “mahal kita” . Hindi ko alam ang irereact ko. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Mix emotions. Kikiligin na sana ako, tumalon talon at sumigaw sa sobrang tuwa. Yung feeling na nanalo ako ng 1 million pero nanakaw agad.
Yun yung naramdaman ko sa mga oras na iyon. Natuwa akong marinig iyon ngunit hindi ko kayang maging masaya sa magandang balita sa maling sitwasyon at maling pagkakataon.
Nangamba ako dahil alam kong may mali o baka nagjo-joke ka lang nung sinabi mo iyon. Pero inulit mo. Sinabi mong muli ang mga salitang iyon habang hawak mo ang kamay ko na nakalagay sa dibdib mo malapit sa iyong puso at nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
Mali. Parehas tayo ng kasarian. Pusong mammon nga lang ako.
Naalala ko pa kung paano mo pinatunayang mahal mo ako. Na mali ako at tama ka, na may puwang sa mundo ang ating nararamdaman para sa isat-isa.
Tandang tanda ko pa rin kung gaano ka kasaya nung bigkasin ko ang hinihintay mong “Oo”. Sobra ang saya mo. Maging ako man.
Pero hindi ko makakalimutan ay yung mga panahong nasa ilalim tayo ng puno. Hawak mo ang iyong gitara at kinakantahan mo ako. Lahat ng kanta ay puro love songs. Damang dama ko ang pagmamahal mo. Nakangiti ka habang binibigkas mo ang bawat lyrics ng kanta. Kung alam mo lang gusting kumawala ng puso ko sa kilig na nadarama ko.
BINABASA MO ANG
Flashback...
Short StoryHello :) This is my very first time making a story. It's just a short story for all of you. Hope you will like it. And don't forget to drop some comments. Open for critics and suggestions. Enjoy reading! C: