Prologue

4 0 0
                                    

"I'm sorry." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Hindi na maibabalik pa ng sorry mo ang lahat." Sobrang sakit ang ginawa niya. Hindi ko inaakalang nagawa niya sakin to. Bakit niya pina abot ng matagal ang aming relasyon kong ganong hindi naman pala totong pagmamahal ang ibinibigay niya sa akin? Ayoko na.

"Please, sabihin mo sakin anong dapat kong gawin para mapatawad mo ako?" Kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan.

"Wala. Wala kang dapat gawin. Ang gusto ko lang ay ang layuan mo na ako. Tapos na tayo, tapos na ang lahat sa atin." Binawi ko ang mga kamay ko at mabilis na tumalikod. Aalis na sana ako ng bigla niyang hinapit ang bewang ko paraan upang mapa yakap ako sa kanya.

"Pwede ba! Tama na! Sapat na yong panloloko mo sakin. Sapat na yung panloloko niyo sakin!" Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng yakap niya sa akin kaya di ako maka alis kaagad sa yakap niya.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Maniwala ka, una palang mahal na kita." Napatigil ako. Tumingin ako sa kanya. At nakikita kong seryuso siya sa sinabi niya. Napatingin narin siya sakin.

"Sinungaling ka!" Nasampal ko siya kaya nabitawan niya ako.

"Kung mahal mo ako, sana una palang hindi kana pumayag sa walang hiyang pustahan nayan. Sana una palang sinabi mo na sa akin na pinaglalaroan niyo lang ako. Pero hindi e. Mas ginusto mo pang makita akong pagtawanan ng mga kaibigan mo. Ni hindi mo nga ako kayang ipagtanggol sa kanila. Mas gugustohin mo pang mapahiya ako kaysa sa ipagtayanggol ako. Ngayon sabihin mo sakin! Nasaan ang pagmamahal dun? Nasaan? Kung talaga ngang mahal mo ko sana lang kaya mo akong ipagtanggol sa iba. Na sana kaya mo akong ipaglaban laban sa kanila." Pagkatapos kong sabihin niyo ay tumakbo na ako palayo sa lugar na iyon.

Akala ko lahat ng sina sabi at pinapakita niyang pagmamahal ay totoo na. Pinag kaisahan lang pala nila akong lahat. Pinagpustahan para may pagkakatuwaan. Akala ko pa naman iba siya sa lahat ng mga lalaking nakilala ko. Pare pareho lang pala sila. Mga manloloko!

Mahal na mahal kita pero ngayon parang nagsi-sisi na ako at minahal pa kita.

Losing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon