"Ohmygosh.Excuse me! Excuse me! Ugh! Malalate na ko! padaan po."
Grabe! Sarap sigawan ng mga estudyanteng kung maglakad sa hagdanan eh akala mo namamasyal lang. Naku! Badvibes umagang-umaga.
Pano alas syete ang klase ko at 6:10 AM ako nagising. Aba, daig ko pa si Flash nung naligo ako  ̄ˍ ̄
Kulang ako sa tulog dahil tinapos ko pa yung presentation ko para sa isang Minor subject, di ko namalayan yung Alarm clock. tss
May Quiz pa naman ngayon. Patay.
Nasa 5th floor palang ako TT
wala pa kong breakfast ╰_╯ sa 6th floor kasi class ko ngayon.
Major subject ko ngayon. Baka nagstart na si Ma'am sa quiz. Putspa! Shades! wag naman sana.
Ugh! Hingal na hingal ako nang makarating sa room namin at buti nalang nagsusuklay pa sa may Faculty room yung prof namin.
Sige lang Maam, magpaganda muna kayo dyan.
"Guys, in 10 minutes magsstart na daw ang quiz sabi ni maam. Goodluck satin" sigaw ng maganda at seksi kong classmate na si Neila.
(Memerzey: Sa classmate kong si Neila, penge 2pesos para sa papuri ko. Haha" )
Pagkarinig ng sinabi nya ay dali-dali kong kinuha yung notes ko sa bag ko.
Akalain mong 15-item quiz lang ang ibibigay samantalang nasa 30 short bondpapers ang notes namin.
Nakakawindang! Hanep ka Maam!
Sabog na sabog ang itsura ng bag ko, puro photocopies ba naman ang laman. Tsaka mga iba pang papel. Hay naku.
-----------------After 10 minutes-----------------
"Get 1 whole yellow sheet of paper. Number your papers to 15." - Prof.
Magsisimula na. Naku, Lord pengeng wisdom ✌✌ Thankyou :D
Sa unahan ko pala nakaupo yung longtime crush kong si Melchor ♥♥
Feeling inspired tuloy ako. ^O^^O^^O^^O^^O^
------------------------After Quiz--------------------
"Okay, Ballpens up! Pass your papers forward in the count of ten."
Kabadtrip ka Maam! Di pa nga nasasagot ung last question, pass agad.
Ang bagal pa nitong mga nasa likod ko.
Napakakalat nang arm chair ko. Mga papeles.
"9.....8.....7...." Aba! ano pang hinihintay nitong mga nasa likod? at di pa pinapasa yung mga papel nila.
Nilingon ko na nga.
"Uy, ano ba! bilis na!" sinabihan ko na nga. Kabagal eh.
"Jev! Yung paper mo, bigay na. baka maabutan ka." Ohmygolly. Si crush yun uh? Shades! Kinausap nya ko waaaah! Pakipot nga muna ko.
"Teka lang" hindi ko sya tiningnan kunwari busy sa pagkuha ng papel sa likod.
"bigay mo na yung sayo, ihabol na lang yan sa kanila. bilis na. alam mo naman yang prof natin. Dali!"
Nagbigayan na ng papel yung mga ugok kong classmates. Bagal! Kaya kinuha ko nalang yung paper ko sa table ng di ito tinitignan, at inabot to kay Melchor, habang kinukuha ko naman ang papers ng iba at pinaabot naman sa ibang kaklase. kabagal eh! Napass na ni crush papers namin. Kyaaaah! Sinabay nya pa yung sakin. Ang sweeeeeet!
"Miss Jevelyn!" Omg! Tinawag ako ni maam. Why? oh why?
Halaaa! Anong ginawa ko? baka ipapacheck sa akin.
"Anong kalokohan to?....FLAMES..
MELCHOR RIZAL. JEVELYN GALILEO."Nagtawanan ang buong klase.
#FacePalm #TakipMukha
Shades! Putspa!
" haaa? ah-eh-ihh uhm.. he-he san nyo nakuha yan maam?
Bakit may ganyan si Maam?! Nakakahiya o//////////////o
"Dear Mel, Alam mo bang crush na crush kita. Alam ko hindi mo alam. Pano mo nga naman malalaman diba?.... Dear Mel, Ang gwapo mo talaga! I really like you!"
Nooooooooooooooooooooooooo!
Puno na ng tawanan sa loob ng classroom. Kita ko ring nagpipigil na ng tawa si Melchor. Ang hinayupak kong crush! Hiyang hiya ako tapos may gana pa syang tumawa. Sarap bigwasan eh.
"Hay naku Miss Jevelyn! Mali yung naipass mong papel sa akin. Akalain mong uso pa pala flames ngayon."
at nagtawanan na naman sila.
Jusko. Kill.Me.Now.
"Asan na ba paper mo? Pakihanap na at ichechek ko pa to.."
kahit pulang-pula na ako dahil sa pagkapahiya, tiniis ko nalang at hinanap ang paper ko na nahulog pala at nilipad sa may bandang likod. Kasalanan ng electric fan yan.tss
Tapos binigay ko na agad ito kay maam nung nahanap ko.
"Next time icheck ng mabuti ha.
Nagkaroon tuloy ng UNEXPECTED CONFESSION. HAHA" - prof.First time tumawa ni Prof. Aba!
Nothing is impossible nga talaga.
Pero ang point doon, hiyang hiya na ako dito. chicken ka talaga Maam!
Makapagwalk-out na nga.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng
"I like you too Jev. Dati pa."
Shakira Bes! Like is this true? sinabi nya talaga yun? Nanggu-good time ba ito? Putspa ka Melchor!
Dug. dug. dug. dug. dug. dug. dug.
Lampas 100 beats na pulse rate ko per minute.
Spell Kilig? J-E-V-E-L-Y-N ♥♥♥♥♥
"Unexpected Confession rin? Push pa more." - prof.