Dream
Nag-simulang bumagsak ang mga luha sa aking mata,nang makita ko kung pano nya isayaw si Elle sa gitna nang Hall.
Kitang kita ko kung panong lumiwanag ang mga mata nya sa bawat hakbang,at alon na idinudulot bawat giya nya kay Elle sa pag-sayaw.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo upang makaalis na,ngunit hindi pa man nakakahakbang ay may humigit na sa kamay ko at iginiya ako pataas sa entabladong inihanda at nilagyan nang kung ano anong kolorete.
"Pwede ba kitang isayaw?"
Hindi nya na hinintay pang maka-sagot pa ako,at tuluyan nang inalalayan makaakyat sa stage.
"Bakit mo ginagawa to?"Hindi ko na napigilan ang pag-tatanong sa kanya habang isinasayaw nya ako malapit sa gitna.
"He's yours right?"tiim-bagang nyang tanong,tinanguan ko sya."Then why the hell he's dancing with Elle without knowing how would you feel?"
"It's fine,iam not that possessive para pigilan syang isayaw si Elle"
"For God sake woman! You're allowing him to dance at the center of the stage with someone,tapos nandoon ka sa sulok-sulukan at lumuluha?Sa palagay mo papanoorin lang kita doon habang yang lalakeng yan nag-papakasasang isayaw ang ibang babae?diba hindi!"Dahan-dahan nyang inalis ang mainit nyang mga palad sa aking tagiliran at hinawakan ang mag-kabila Kong pisngi.
Bahagya nyang pinunasan ang aking mga luha at ngumiti.
"He's abusing you,wala karapatan sinuman lalo na ang katulad nya na paiyakin ang babaeng gaya mo"marahan nyang hinaplos Ang aking buhok at iginiyang muli upang isayaw.
Dahan dahan nya akong dinala sa may gitnang bahagi nang entablado dahilan para pag tinginan kami nang mga taong naka palibot sa amin.
Isa-isa nang nagsisi-alisan ang mga mag-kakapareha na kanina lamang ay masayang nag-sasayaw.
Hindi ko na namanlayang kami nalang apat ang natira sa gitna.Napatingin si Emil sa akin,siguro nga ay hindi nya na nga ako napansin kanina dahil sa pag-bibigay nang atensyon at masaya nilang pag-sasayaw ni Elle.
Mapait ko syang nginitian,maya maya pa'y inalis nya na sakin Ang tingin dahilan nang pag kakapukol nito kay Blaze na bahagyang natigil Ang pag-sayaw at ikinawit Ang kamay sa aking bewang.
"Akala ko Hindi ka pupunta?"bakas Ang gulat sa mukha ni Emil sa pag kakakita nya sa akin,mabilis nya ding inalis Ang mga kamay sa bewang ni Elle na kasalukuyang nagugulat sa mga nang yayari.
"A-ahh sorry Hindi kase ako nakapag-sabi,pumunta kase si Mona nag-aya siya kaya't sumama nadin ako"mahaba Kong pag-papaliwanag.
"No need to explain,Cahexia.Let's go!"Pumunta si Blaze sa harapan ko at ipinirmi ako sa likuran nya.
"San mo sya dadalhin!?"galit na tanong ni Emil.
"You don't care!"pinag-taasan nya ng boses si Emil.
"Hah! Sino ka ba sa akala mo para sabihan ako kung kelan at kelan hindi ako mangialam?"taas noo nyang tanong.
"Anong nangyayare dito? Who is she,baby?"napaka-lambot nang pag-kakasabi ni Elle dito.
Tuluyan na ngang lumabo Ang paningin ko hanggang sa hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pang nag-babadyang tumulo,.
Isa isa itong dumaloy sa aking pisngi,habang ang kamay ni Blaze ay nanatiling nakasalikop sa kamay ko.
"B-baby?"tanong kong muli na para bang Hindi narinig ang mga sinabi ni Elle kanina.
"Yes?why?ako at si Emil,We're together?"halatang hindi nya maintindihan Kung Ano man Ang nangyayari sa pagitan namin."Who are you anyway?Emil who is she?"
YOU ARE READING
HER REVENGE
Teen FictionI just want to be happy...but everyone doesn't let me...i want to be free. A girl who's fighting for love,but can't survive. Si Cahexia Mendez ay isa sa mga babaeng nangangarap ng di man perpekto ngunit simple at maayos na buhay,gusto niyang makahan...