16

77 10 0
                                    

"So boring, Rius! Uminom ka na kasi." Pagpupumilit sakin ni Gab na ngayon ay mukang may tama na.

Umiling naman ako sa kanya. "Hindi ako nainom." Sabi ko dito. She rolled her eyes at me.

"Hindi ako nainom." She mocked. Napatawa naman ako. Kung hindi ko lang birthday ay nasapak ko na sya sa pagiging maarte nya.

"Wag nyo siyang pilitin. Ayaw ko rin naman na malasing sya." Saad ni Ashton. Napasipol naman ang ilang kasamahan namin dahil don.

Kami nalang ang natira dito na mga kabataan dahil kailangan na magpahinga ni Tita Sabel. Sila Mom naman ay nagpaalam sakin na kailangan na nilang umuwi dahil may trabaho pa bukas si Dad at Kuya.

Ayaw ko sana silang pauwiin pero kailangan daw talaga. Pinaalalahanan muna kami ng mga matatanda bago sila tuluyang umalis. Mapupusok pa man din daw ang kabataan ngayon pero alam kong may tiwala naman sila sakin.

Magkakasama kami ngayon sa isang table at hindi ko alam kung paano sila mga nagkasundo! Siguro magkakavibes sila? Hindi lang siguro magkasundo dito ay si Keith at Neriana.

Samanlang sila Gab at Dionne naman ay mukang nagkakaintindihan na ng ugali dahil parehas sila. Sila Sab naman ay ganon din, nagkasama sama ang mga bitchesang nilalang.

"You're so whipped, dude!" Zach said. Nagtawanan naman sila samantalang ako ay naka poker face lang. Wala namang nakakatawa.

"So whipped." Pagsang-ayon ni Ashton sa sinabi nito. Pinagtutulak naman ako nila Gab at Gez sa tabi ko.

Nagpatuloy sila sa pagiinom at mukhang may mga tama na talaga sila. Maliban nalang samin nila Eu, Gez, Ashton at ako dahil malalakas ang tolerance nila sa alak samantalang ako ay hindi naman umiinom. Nakita ko ang matalim na tingjn ni Neriana kay Keith kaya natawa ako.

"Will you stop?!" Neriana said irritating.

Kumindat naman si Keith sa kanya kaya nagpigil ako ng tawa. Hindi ko daat tinotolerate dahil may jowa si Neriana pero natatawa kasi ako. Tignan lang natin kung mapapaamo nya ang isang Neriana Devy.

"Why would I?" Nanunuyang sabi ni Keith. Halatang hindi na nagugustuhan ni Neriana ang panlalandi nito sa kanya.

"Such a flirt." Bulong ni Devy sa kaliwang tabi ko pero sapat na para marinig ng lahat kaya napasimangot si Keith at hindi nalang nagsalita.

"Hey, you! Are you single?" Nakangising tanong ni Zach habang nakanguso kay Gab.

Ngumisi naman pabalik si Gab. "Single and ready to mingle." Saad nito. Okay? Bakit naglalandian na itong dalwang to?!

Nagkantyawan naman ang mga kaibigan ni Ashton. Magsasalita na sana ito nang may narinig kaming kumalabog at nakitang si Dionne ito. Tamad syang tumingin samin.

"I'm leaving. Happy birthday again, Sirius.." Sabi nya. Bago pa ako makapagpasalamat ay nakatalikod na ito. Anong nangyare don? 

Tumayo naman si Zach. "Hatid na kita, kid!" Sabi nya. Akmang maglalakad na sya papunta dito nang tumigil si Dionne at sinamaan sya ng tingin.

"I don't need you, asshole!" Bulyaw nito bago padabog na umalis. Napatunganga naman ang ilan habang napansin kong nakangisi kami ni Ashton.

"Anong ginawa ko?" Nagtatakang tanong ni Zach. Natawa naman ako sa kanya kaya napatingin sya. Nginuso ko si Dionne.

"Sundan mo." Sabi ko dito. Walang sabi sabi naman syang sumunod. Tunog na napangisi si Ashton sa tabi ko.

"Jealous brat." Bulong sakin ni Ashton. Natawa naman ako sa kanya dahil yun din ang nasa isip ko kanina pa.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now