Chapter 7

22 6 0
                                    

Killane's P.O.V           

Nandito ako ngayon sa library nag uubos ng oras. Hindi ko kasi kasama sila james dahil lumabas sila ng Campus nakakatamad sumama mapapagod lang ako. Alam niyo na mabilis mapagod ang mataba. 

May kumalabit sakin kaya napalingon ako. Nakita ko si Lianna na nakangiti sakin.
Naalala ko tuloy yung sa simbahan nung nakaraang linggo. Halos dalawang linggo narin ang nakalipas magmula nung nakasabay ko siyang magsimba. Pero hindi ko siya nakausap pagkatapos dahil umalis agad siya kasama ang pamilya niya.

"Hello Kill. Bakit mag-isa ka?" tanong nito ng nakangiti parin sakin. I think she have a brightest smile i've ever seen. Agad kong winaksi ang iniisip ko. Ngumiti naman ako sakanya.

"Ah upo ka muna" inaya ko muna siyang umupo. Tumango naman siya at tsaka umupo sa upuan katapat ng sa akin.

"So, bakit ka nga mag-isa?" tanong niya ng makaupo na siya .Tumikhim muna ako bago magsalita at tsaka tumingin sakanya with my genuine smile.

"umalis kasi sila James may pinuntahan pero hindi nako sumama kasi mainit alam mo na matataba ang bilis pawisan at mapagod" nahihiya man, sinabi ko na sakanya ang totoo.

"Grabe ka naman wag mo namang idown yung sarili mo. Hayaan mo yang standard ng iba. Mag set ka ng sariling mong standard tsaka isa pa bagay naman sayo yang ganyang katawan ang cute mo kaya." nakangiting sabi niya pero nawala bigla ang ngiti niya at maya maya ay parang bigla siyang natigilan at namula ang kanyang pisngi katulad ng makita ko siya simbahan.

"Ayos ka lang Lianna?" i asked her with a full of concerned. Tumango naman siya tsaka umiwas na tingin sa akin. 

"Hoh! Ang init ata bigla dito sa Library. Diba Killiane?" nagpaypay naman siya gamit yung kamay niya. Kaya lalo akong nalito sa ginagawa niya. Ang lamig dito sa library. Paanong iinit eh napakalakas ng aircon.

"Hindi naman mai---"pinutol niya yung sasabihin ko kaya hindi ko natapos sabihin.

"Ahh basta mainit tara sa Canteen kain tayo" i gave an amused looked pero she just smiled at me tsaka tumayo sa pagkakaupo.

"Ano di ka sasama? libre ko na oh."aya niya sakin na may pagkalaki laking ngiti sa labi. Hindi ata siya napapagod ngumiti. Pero sabagay, bagay sakanya.

"A-ah oo sasama a-ako" sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nailang. 

---

Lianna's P.O.V

"May pila Killiane, ako na dito hanap ka nalang ng mauupuan natin." I suggested to him.

"No, sasama nalang ako sayo. Hindi pa naman masyadong madami ang tao." Tangging sagot niya while iling. Oh ghosh im being so conyo.

"Okay naman. Ako na bahala sa foods natin" ngiti ko sakanya para makumbinsi siya pero hindi parin nakinig at nauna pang pumila. Okay i defeat na.

Sumunod nalang ako sakanya at pumila sa likod niya pero bigla siya umalis sa harap ko kaya napasunod ako sakanya pero pumunta lang pala sa likod ko. Shocks ano bang nangyayari sakin. Napaparanoid ako na ewan.

"Hindi ako aalis Lianna. Ladies first ika nga" bulong niya sa likod ko pero sapat na para marinig ko ng maayos. It gives me a goosebumps.

"Okay. Wag kang aalis" sabi ko tsaka dumeretso ng tingin. Wala na naman akong narinig na response kaya hindi na rin ako nagsalita.

Kami na ang pipili ng pagkain namin. Nauna na ako lasi pinanindigan talaga ni Killiane yung ladies first chuchu niya.

"Seriously Killiane ayan lang gusto mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sakanya dahil ang order niya lang eh burger tsaka medium orange juice lang. Lunch na kaya ngayon.

Tipid naman siyang ngumiti sa akin. Tsaka tumango. "Ayos lang saakin to."

"Baka nahihiya ka ah. Tanggap kita kahit gaano ka kadami kumain" i said out of nowhere.

"I can manage, kumain naman ako kanina" he said.

Kahit nagtataka, tumango nalang ako tsaka humanap ng mauupuan namin sa Canteen. Marami rami ng tao. Pero may bakanteng upuan pa sa 8 seater na upuan .

"Tara dun tayo sa bandang pintuan" tingin ko sakanya at itinuro ko kung saan ang pwesto gamit ang labi ko kahit nahihirapan ako dahil sa dala kong pagkain.

"Akin na yang dala mo Lianna. Nahihirapan kana eh" binalewala niya ang turo ko at tumuon kung paano ako nahihirapan. Wala sa sariling binigay ko yung tray na dala ko sakanya at nag umpisang maglakad kung saan ako tumuro kanina. Wow galing. Bilis maka pick up. Hehehe.

Nang makarating na kami sa upuan na tinuro ko sakanya ay umupo na kami. Binigay naman niya yung tray na may laman na pagkain ko.

"Oh kain kana dyan." He said then binuksan niya rin yung C2 bottle ko.

"Bakit mo naman binuksan? Gusto mo?" Tanong ko kahit na alam ko na ang dahilan. Ngumiti naman siya sakin tsaka binalik sa tray yung bote.

"Maganda ng sigurado Lianna. Nung nakaraan bigla kang nabulunan. Nakakakaba kaya" nakangiti siya nung sinabi niya yun. Sa hindi malamang dahilan nag-init na naman ang pisngi ko. Hindi ko alam kung sa concern ba siya o sa kinakabahan. Shocks! Sa dalawa siguro.

"A-ah oo. Thanks, k-kain na tayo" nahihiyang sabi ko tsaka tumungo at tumingin sa kinakain ko. Para narin hindi niya mapansin na namumula ang aking muka. Nakakahiya baka hindi ko masagot ang tanong niya kung bakit ako namumula.

"Sige eatwell Lianna" tugon niya sakin at narinig ko naman ang pagbukas niya sa pagkain na hawak niya.Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos. Ow thanks god for the foods.

"Ano alis na ba tayo?" I asked him. Pero tinitigan niya lang ako kaya napatitig rin ako sakanya.

Ang taba ng pisngi niya pero bagay sakanya. Yung pilikmata niya na mahahaba daig pa akin yung ilong niya matangos to pero mas umaangat ang taba kaya hindi halata, t-tsaka yung labi niya manipis lang. K-kissable like i want to tast---"

"Wow! Kaya pala ayaw sumama satin kasi may date!" Bigla akong napaiwas ng marinig ko ang sigaw na yon. Oh my ghosh. Nakipagtitigan ako kay Killiane. Like staring contest. Oh my ghosh.

Tumikhim naman si Killiane bago magsalita
"Anong ginagawa niyo dito?"

Napalingon ako sa likod ko doon kasi galing yung boses. Sila James! Tumingin naman siya sakin at umaktong nagulat. Hindi bagay umarte halatang peke.

"Ay si Lianna pala to. Kaya pala ayaw sumama." Sabi ni James na may malisyosong tingin.

Orayt! Misunderstood are always by my side.

____

Sorry sa typos and lame im just writer wannabe eh

^_^

MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon