"Haven kumain muna kayo ng Kuya Liam mo mamaya niyo na ipagpatuloy yang pagbubukod ng mga reject na talong" sabi ni Nanay.
"Opo Ma" tugon ko.
"Kuya tara mamaya na natin tapusin to mamaya pa namang hapon dadalhin kay Madam Claudia." Sabi ko.
"Saglit lang nene umuna ka na don imisin ko lang itong mga kalat." Tugon ni Kuya Liam.
"Sige kuya bilisan mo ha" sabi ko.
"Oo naman baka ubusan mo ko ng ulam e" natatawa niyang sabi kaya natawa na din ako at nag ilang hakbang lang kusina na namin.
Kahoy lang ang bahay namin. Isang kwarto lang para sa aming lahat. Paglabas mo naman ng kwarto kusina at maliit na sala lang. May TV den naman yung malapad yung likod. Lagi nga naming iniikot ikot yung kahoy na pinaglalagayan ng anthena ng TV namin kasi kadalasan walang signal ang TV namin. Hindi kami mayaman pero masaya naman kami. Kumpleto ang pamilya, nagmamahalan at sama-sama ang problema lang namin ay pinansyal.
"Oh nasan kuya mo?" Tanong ni Nanay Leny.
"Liam baka maubusan ka ng ulam!" Sigaw ni Tatay Rolly kay Kuya.
"Opo Tay!" Sagot ni Kuya habang palapit sa hapag-kainan.
"Wow tilapya!" Bungad ni Kuya.
"Nakasweldo ako sa labada e" sagot ni Nanay.
"Nakakaumay den pala ang tuyo mahal" sabi ni Nanay kay Tatay
"Huwag kayong mag alala malapit na akong sumahod doon sa construction na ginagawa namin. Bibili akong karne at mag adobo kayo o kung ano mang gusto niyo" sabi ni Tatay.
"Yeyyy!" Sigaw namin ni Kuya.
"Magdasal ka na Haven" sabi ni Nanay.
Yumuko na kaming lahat at pumikit.
"Lord, maraming maraming salamat po sa biyayang pinagkaloob Niyo po sa amin at nawa po ay maging kalakasan at kagalingan po sa amin itong ipinagkaloob Mo po sa aming pagkain. Kayo nga po ang maparangalan sa aming buhay. Sa pangalan ni Hesus..." panalangin ko.
"Amen" sabay-sabay naming sabi at nagsimula na kaming maghati-hati sa isang malaking tilapya.
Pagkatapos naming kumain dumeretso na kami sa labas ng bahay at pinagpatuloy ang paghihiwalay ng reject sa maayos para ipagbebenta namin ito kay Madam Claudia.
"Ang bait ni Madam Claudia Kuya no? Tapos ang yaman pa nila doctor ba yung anak niyang lalaki?" Tanong ko kay Kuya.
"Oo si Doc. Mabait talaga sila Haven." Nakangiting sagot ni Kuya.
Mamaya-maya pa ay nagsimula na kami maglakad papunta sa bahay nila Madam Claudia. Bali 5 minuto lang naman kung lalakarin mo. Si Kuya Liam ang may buhat ng kalahating sako ng mga talong at nakasunod lang ako sakanya inaalok ko siya ng tulong kasi mukang mabigat yun pero tumanggi lang si Kuya. Tatlong taon ang tanda niya sa akin. Ako ay malapit na mag 1st year ng high school sa nalalapit na pasukan samantala siya naman ay huling taon niya na lamang sa high school.
"Madam eto na po yung mga talong" bungad ni Kuya kay Madam na 81 years old na pero malakas pa din siya bakas nga lang sa kanyang itsura na may edad na. Kwento pa ni Madam sa amin medyo late daw sila nag anak at si Doc yon ngayon sa pag kakaalam ko may edad na din si Doc yung nag iisang anak nila ni Don Lance. Kung hindi ako nagkakamali 49 years old na si Doc.
"Naku salamat mga apo dito. Naglilihi kasi ang isa kong apo sa talong at ayun nagpaorder ng talong."sabi ni Madam Claudia.
"Walang anuman Madam salamat po at kami ang pinaluha niyo po kailangan din po naming bumili ng pang ulam i" sabi ni Kuya at ngumiti sakanya si Madam.
"Kamusta na Haven?" Sabi niya saken.
"Maayos naman po Madam." Sagot ko.
"Malapit ka na mag high school tama ba?" Tanong niya saken.
"Opo" nakangiti kong sabi
"Naku tamang tama may kaibigan ang anak ko na nagpapa aral ng mga bata" sabi niya.
"Hala nakakahiya po" sabi ko.
"Wag kang mahihiya" tinig ng isang babae sa aking likuran. Parang pamilyar ang boses na iyon saan ko kaya narinig yun?
Dahan-dahan akong humarap sakanya. Maganda siya hindi mo alintana na may edad na rin siya tulad ni Doc. Baka magkasingtanda lang sila. Mahaba ang kanyang mga buhok at nakapusod ito. Kung titignan mo sa pananamit niya isa siyang mayaman. Sino kaya ito?
"Iha narito ka na pala"bati ni Madam sakanya.
"Kadadating ko lang Tita" sagot niya at nakipagbeso kay Madam.
"Eto pala si Haven high school na siya sa pasukan" saad ni Madam.
"Hi Haven ang ganda naman ng pangalan mo. Bagay na bagay sayo. You're like an angel." Sabi niya. Hindi ko alam para bang hinipo ang aking puso sa narinig ko.
"Thank you po" nahihiya kong sabi.
"Madam uwi na po kami salamat po uli dito." Singit ni Kuya.
"No problem iho" tugon ni Madam.
"Kuya ka niya?" Tanong nung babae kay Kuya.
Tumango naman si Kuya.
"Kung may kailangan kayo lalo na sa pag aaral sabihin niyo lang kay Tita at ako ang bahala sainyo" saad niya.
"Salamat po"nakayukong sabi ni Kuya.
"Tawagin niyo na lang akong Ate Kel" nakangiting sabi niya sa amin. In her smile, I saw familiar woman that I guess I knew for a long time.
Tumungo na lang kami at tumalikod na din kami sakanila at nagsimula ng lumakad pauwi sa aming bahay.
Bakit parang pamilyar sa akin si Ate Kel?nakita ko na kaya siya noon? Sino kaya siya? Gusto ko pa siya makilala.