Chapter 1

9 0 1
                                    


"Criselle!"

Napabangon naman ako sa magandang pagkakahiga ng marinig ko na yung boses ni Andrew.

"Tita! Criselle is being a couch potato again!" sigaw ni Andrew, at talagang pinaparinig niya pa sa akin na sinusumbong niya ako sa sarili kong mommy!

This man, buti nalang talaga mahal ko'to.

And that is my secret.

Pinagbuksan ko naman siya ng pinto bago hilahin ang buhok niya.

"Aray! Aray! Titaaaa!!!" sigaw niya habang sinasabunutan ko siya.

"Drew, you're so loud!" natatawa kong sabi sa kaniya, this my only way para mailabas ang pagkainis ko sa pagiging manhid niya. Lol.

Pero dahil mas malakas siya akin, nakuha niya ang dalawang kamay ko. Nakatingin siya sa akin habang hawak hawak ang kamay ko at tumatawa.

At naramdaman ko na naman ang familiar na pakiramdam.
My heart is beating so hard because he's here again. I can feel the butterflies in my stomach, gustong gusto na makawala.

Binitawan niya naman yung kamay ko bago humiga sa kama, while I'm still palpitating here.

"Whatchu doin?" sabi ko nalang sa kaniya, sinusubukan na huwag ipakita ang ibang nararamdaman ko.

"Wala akong magulo eh." natatawa niyang sambit habang nakahiga.

"Si Rajean?" tanong ko sa kaniya, at naramdaman ko kung paano sumakit yung dibdib ko ng banggitin ko ang pangalan ng babaeng gustong gusto niya.

"I don't know" sabi niya bago umupo at tumingin sa akin "she's busy."

Kumunot naman yung noo ko.
"You don't know pero alam mo na she's busy?" pinipigilan ko mang huwag maging mataray ang boses ko, pero ganun parin ang lumabas.

But he won't notice it, he will never notice it.

"I stalked her social media." he even chuckled.

I can see that he really likes her, oh maybe he already loves her.

"weirdo" sabi ko sa kaniya at mas tumawa naman siya.

Rajean is one of my close friend, we became close nung grade 7 and hanggang ngayong grade 10.

Nalaman ko lang recently na gusto pala ni Drew si Rajean, because of our stupid promise to each other na once na magkakagusto kami sa isang tao. Dapat ako/siya muna ang makakaalam. At etong lalaki tong sa'kin nga talaga unang pinaalam.

"Ano bang nagustuhan mo kay Rajean?" tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng nakatagong junkfoods sa cabinet ko.

"Well, I like her because...Aray!"
Binato ko kase sa pagmumukha niya yung malaking Clover.

"Ay, hala. Sorry!" natatawa kong sabi sa kaniya.

Best actress talaga Criselle.

"Proceed na." sabi ko sa kaniya bago ako umupo sa tabi niya.

Kinuha niya naman yung Piatos ko at binuksan iyon bago magsimulang mag kwento.

See, sino ba naman ako para hindi magkagusto sa sarili niyang bff. Eh almost perfect na ang isang to.

"As I was saying, I like Rajean because she's really nice. Ang gaan sa loob na pakisamahan siya. Ang ganda rin ng mga mata niya, yung mata niya na sobrang amo. And the way she laughs, Criselle, I'm telling you, this is the first time na ganto ang naramdaman ko sa iba. It feels different, but I like this." sabi niya habang nakatingin sa kawalan at nakangiti.

"You really like her" sabi ko sa kaniya habang tinatabi na yung binuksan niyang chi-chirya sa akin.

"Yes." agad niyang sagot na agad namang kinasakit ng damdamin ko. "Ikaw?" bigla niyang tanong habang nakatitig sa akin.

"oh, bat naging ako?" natatawa kong sabi.

"Wala ka pa bang nagugustuhan?" seryoso niyang tanong sa akin.

Napatingin naman ako sa kaniya.
"Bakit mo naman na tanong?"
Binuksan ko uli yung Piatos ko.

"Baka kase meron na. Remember our promise?"

Nakatingin parin siya sa akin.

"Ah, wala pa. But incase na meron na ikaw ang unang makakaalam." sabi ko sa kaniya at agad naman niyang ginulo ang buhok ko.

"Aasahan ko yan Criselle"
Nakangiti niyang sambit sa akin.

May sasabihin pa sana siya sa akin ng biglang tumunog yung notifs niya sa phone. Kaya maging ako tumingin doon.

Rajean Samonte reacted to your post

Tinignan ko naman ang reaksyon ng katabi ko, at ngiting ngiti siya.

"Anong post mo yun?" tanong ko sa kaniya, not minding breaking
my own heart.

"About dogs." nakangiti niyang sambit.

"Ah"

Nagulat naman ako ng hawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Criselle, I have an idea!"
Masigla niyang sabi sa akin.

"Tell me?"

"Since you and Rajean are really close, ilakad mo naman ako sa kaniya."

Napanganga naman ako ng marinig ko yun sa kaniya, ang sakit sakit. Gusto kong umiyak ng malakas.

"A-aray.." sabi ko na agad naman kinakunot ng noo niya. Tumulo na rin ang mga luha na kanina pa gustong lumabas.

"What happened?" nag-aalala niyang tanong.

"napuwing ako" sabi ko habang humihikbi.

Inalog-alog niya namab yung braso ko na hawak niya. "Napuwing lang? Bat ka umiiyak?"

"Ang sakit eh. Ang sakit sakit ng mata ko." Umiiyak kong sabi

"Criselle, ano ba. Saan ang ang masakit?" naguguluhan niyang tanong habang sinusuklay niya ang buhok kong napupunta sa mata ko.

"Yung mata ko nga!" hagulgol kong sabi.

Dahan dahan niya namang binuksan ang mata ko gamit ng daliri niya, pilit niyang hinihipan iyon ng marahan.

"Sige iiyak mo lang yan hanggang sa matanggal na yung puwing." sabi niya sa akin.

Niyakap niya ako habang umiiyak.

Sana nga ganun lang kadali, yung tipong pag nasaktan ka, iiyak mo lang at mawawala na.

Just Say It Where stories live. Discover now