PROLOGUE

14 0 0
                                    

"Siya si Drake Esmael, isang kilalang drug dealer dito sa Pilipinas. Marami na ang sumubok na dakpin siya ngunit walang nagtagumpay ni isa sa kanila. Hindi rin namin alam kung bakit dahil ang mga pinapadala sa kaniya ay mga malalakas nating tauhan. Maraming tinatago ang lalaking 'yon kaya't mag-iingat ka... Van. Hindi siya isang ordinaryong lalake na karaniwang binibigay namin sa'yo sa bawat misyon mo. Alam ko ang kakayahan mo, may tiwala ako sa'yo. Pero ang isang 'to... hindi pa natin siya kilala. Isang sugal ang pagpayag mo sa misyong ito, Van. Talagang mumultuhin ako ng Papa mo nito! Tsk... Tsk... Tsk."

"Don't worry Uncle... I can handle myself. I-send mo na lang sa e-mail ko ang dapat kong pag-aralan para sa misyon ko bukas. At... hindi ka mumultuhin ni Papa, Uncle. Dadalawin ka lang niya mamaya! Hahahahahaha!"

"Van... nandito na tayo," rinig kong sabi ng isang kasamahan ko sa misyong ito ngayon.

"Tsk... ang matandang 'yon talaga!" Inis akong nagdilat ng mga mata at tumingin sa labas ng sinasakyan naming speedboat. "Hindi ko naman kailangang magsuot ng ganitong damit sa misyon na 'to! Bakit kailangan pang nakaganito ako ngayon! Hindi ako makakagalaw ng maayos nito e! Kainis!" 

Ano na naman kaya ang naisip ng matandang 'yon at pinagsuot ako ng dress na 'to?! Ang malala pa, kulay pula ito! Agaw pansin masyado! Ang gusto ko lang naman ay tahimik na tapusin ang trabahong 'to. Iba talaga ang ikot ng utak ng matandang 'yon.

"H'wag ka nang magreklamo, Van. Bumagay naman din sa'yo kahit papa'no." Medyo naiiritang sabi ng lalakeng nasa harap ko sabay lahad ng braso niya sa'kin. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin pero binalewala niya lang 'yon.

"Pagkatapos ng misyong 'to, ikaw talaga ang isusunod ko Lance!" Naiinis na sabi ko sa kaniya sabay hawak sa braso niyang nakaabang sa'kin.

Isa po 'tong pinoproblema ko! Bakit sinama pa ni tanda ang isang 'to?! Hindi niya ba alam na makakaistorbo lang 'to sa'kin? Wala ba siyang tiwala sa pamangkin niya at isinama niya pa 'to rito?! Tsk! Humanda ka talaga sa'kin tanda 'pag tapos ng misyong 'to!

"Yeah... yeah. Bilisan na natin at may kadate pa ako mamaya." Napairap naman ako sa sinabi niya. Playboy as always, huh. Hindi ko na lang siya sinagot at nagsimula ng maglakad. 

Habang naglalakad, hinawakan ko ang mini wireless earphone sa aking tenga na may kulay nude para hindi masyadong mahalata ng kikitain namin ngayon. May hawak-hawak din akong black bag kung saan nakalagay ang kunyaring  droga na ibibigay namin mamaya kay Drake Esmael

Sa malayo ay kita ko na ang grupo nila Drake. May kasama siyang isang taga-tingin kung totoo ba ang droga na nasa amin at dalawang babaeng... siguro ay taga entertain sa kaniya. 

"Pwede ba Van... maglakad babae ka naman ngayon. Tapos may pa-sunglass ka pang nalalaman e panglalake naman! Nakadress ka nga, panglalake naman ang kilos mo..." napangisi na lang ako sa sinabi ni Lance. Walang basagan ng trip ser.

"Mind your own business, Lance. Pumayag akong magdress para lang sa misyong 'to, pero hindi na ako papayag 'pag hindi n'yo 'ko pinayagang suotin ang sunglass ko. Ang cool kaya tingnan!" sagot ko naman sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ko. 

Medyo malapit na kami sa inuupuan nila Drake Esmael kaya't inilibot ko na ang paningin ko sa buong lugar. Hmm... mukhang maraming dalang bata ang isang 'to ah. Halos lahat sa lugar na ito ay mga tauhan ng Drake na 'yon. Kakaonti lang ang tauhan ng agency namin, mukhang mahaba-habang oras ang gugugulin sa misyong ito ah.  

"Agent Van, Agent Lance... good luck." 

Mas lalo pang lumaki ang pagkakangisi ko ng marinig ang boses na 'yon. It's time to shine, Van.

"Good afternoon Mr. Drake Esmael, this is Vanya Hamilton. Alam mo naman na siguro ang ipinunta namin dito ngayon..." maingat na sabi ni Lance sa may tabi ko. Napatawa naman si Drake sa sinabi ni Lance.

"Ah yes... yes. Vanya the great! Marami akong naririnig na kung ano-ano sa pangalan mo. Hindi ko akalaing magkikita tayo ng ganito kaaga at sa ganitong paraan pa. Its my pleasure to meet you... Vanya." sabi nito sabay yuko at kuha ng kamay ko at saka hinalikan. Ah... isa kang tuso, Drake. Pero hindi mo 'ko madadala sa paganiyan-ganiyan mo. 

Kinuha ko bigla ang kamay ko sa kaniya at yumuko hanggang sa maabot ko ang dulo ng dress ko. Ah... ito talaga ang pinakagusto ko sa lahat. Pinunit ko ang dulo ng dress ko hanggang sa umabot ito sa may hita. Ngayon ay mas makakakilos na talaga ako ng maayos. Pagkatapos ay umayos ako ng tayo at inistretch-stretch ang balikat ko. 

"Ano ba'ng ginagawa mo Vanya?!" rinig kong inis na bulong ni Lance.

"Hahahahaha! Totoo nga ang sinasabi nilang... kakaiba ka Vanya. Pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nasa'n na ang mga diyamante ko?" seryosong sabi ni Drake. Napahinto naman ako sa sinabi niya sabay nagbuntong-hininga. 

"Hindi mo man lang pinatapos ang stretching ko... Mr. Drake." nakanguso kong sabi sa kaniya. "Pero kung ganito ka talaga ka atat... heto," sabi ko sa kaniya sabay tapon ng maliit na bag na kulay itim. Doon ko nilagay ang droga na sinasabi nito. 

"Ah... madali ka naman palang kausap Ms. Vanya." nakangisi nitong sabi sabay hagis ng bag sa tauhan niya. "Tignan mo na'yan. Bilisan mo at may kikitain pa akong iba." 

Napahinto ako saglit sa kinatatayuan ko at mas itinuon ang sarili sa malayo. May hinala akong may ibang tao pa bukod sa'min dito. May kung ano akong naririnig...

Click.

Sabi ko na!

Pagkarinig nu'n ay mabilis akong tumakbo sa pinagtaguan ko ng sniper rifle ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkilos ni Lance patago sa isang lamesa na nandoon. 

Wala sa usapan ang isang 'to! Bakit hindi 'to nasabi sa'min?!

"Anong nangyayari Uncle?!" malakas na sabi ko sa mini earphone na nasa tenga ko sabay nagtago sa mga lamesang nandoon ng magsimulang magpaputok ang sniper na nasa isa sa mga speedboat. 

"Hindi ko alam! Walang nagsabi na may sniper palang nagtatago!" rinig kong sigaw nito sa kabilang linya. 

Tsk! Mukhang malaking tulong ang pagsama ni Lance ngayon ah dahil hindi ko maaasikaso sila Drake. Ang letseng 'to! Muntik ng mabulilyaso ang misyong 'to dahil sa kaniya! Kung ganu'n, first time 'to ngayon sa buong misyon ko kapag hindi ko ito natapos ng matiwasay. Magbabayad ka talaga kung sino ka man! Nasa'n ka ba...

Huli ka! 

Napangisi ako ng wala sa sarili ng matamaan ang sniper na 'yon sa balikat. Diyan ka lang pala nagtatago, ha. Mabilis akong tumakbo papunta sa daungan ng mga speedboat para puntahan ang kung sinumang may balak sumira sa misyon ko. 

"Lintek lang talaga 'pag nasira ang misyon na 'to." bulong ko sabay nagpaputok ulit sa parte kung nasaan ang sniper. Mukhang lubha ang pagkakatama ko sa kaniya dahil nagtatago na lang ito ngayon. 

Nagulat na lang ako ng may itim na bagay ang gumulong papunta sa direksyon ko. Granada! No choice ako kundi tumalon sa dagat. Ayokong masabugan no! Medyo hilo pa kong umahon sa dagat matapos ang pagsabog. Basa na tuloy ako ngayon! Ang hassle naman ng misyong 'to! 

Ilang minuto pa akong nagpahinga ng makarinig ako ng tunog ng motor. Ang sniper! Hindi ka makakawala sa'kin letse ka! Hinubad ko na agad ang sandals na suot-suot ko at mabilis na sinundan ng takbo ang speedboat na umaandar papalayo. Ngunit malas ata ako ngayon dahil hindi ko na ito naabutan pa. Napaupo na lang ako sa may daungan at napabuntong-hiningaLintek!

"Agent Van, Agent Lance, mission accomplished. Congratulations!"

Protecting My ProfessorWhere stories live. Discover now