Chapter 1

3 0 0
                                    

Vanya's POV

"Congrats sa misyon n'yo kahapon, Van. Pero alam mo namang kailangan mo munang isurrender ang lahat ng 'yan." Napairap na lang ako sa sinabi ni Uncle at nilabas ang baril na ibinigay niya sa'kin nu'ng pagpasok ko sa ahensya.

"Uncle naman... ayokong umalis. Please ibalik n'yo na lang ako..." nagmamakaawang sabi ko sa kaniya sabay pout. Ayokong magbakasyon! Gusto kong kumuha ng maraming misyon!

"Hep! Hep! Hep! Napag-usapan na natin 'to bago ko ibinigay sa'yo ang misyon mo kay Drake Esmael. Ngayon... akin na ang ID mo at lumayas ka na rito!" masungit nitong sagot sa'kin. Lumapit pa ako sa kaniya lalo.

"Uncle... ayokong magbakasyon! Please... bigyan n'yo na lang ulit ako ng misyon." Naiiyak na na sabi ko sa kaniya. Nakakaburyo kaya ang magbakasyon! Ano bang naisip ni Uncle at pinagbabakasyon ako? Hindi ko naman kailangan 'yon!

"Buo na ang desisyon ko, Van. H'wag ka ng makulit. At saka, kailangan mo ang bakasyon na 'to para makahanap ka na rin ng boyfriend mo! Ang tanda-tanda mo na! Mawawala na sa kalendaryo ang edad mo!" Ayan na naman siya sa edad ko at pagkakaroon ng boyfriend. No boyfriend since birth kasi ako. Eh sa ayokong may haharang sa mga misyon ko! Baka pagbawalan pa ako nu'n sa mga gagawin ko, h'wag na lang!

"Uncle naman! Alam mo naman ang dahilan ko du'n 'di ba? Uncle... sige na please? Ibalik mo na ang baril at ID ko..." pagpupumilit ko sa kaniya. Alam ko, konti na lang at bibigay rin 'tong si Uncle. Marupok 'yan pagdating sa'kin e!

Nakita ko namang napapikit ito ng mata at napahawak sa kaniyang sintido. Mukhang bibigay na si Uncle ah. Yes!

"Vanya... alam mo namang kapahamakan mo lang ang inaalala ko. Tayo na lang dalawa ang magkasama at nangako ako sa tatay mong aalagaan kita ng mabuti, bibigyan ng normal na buhay, pero... hindi ito ang normal na buhay ng isang babae. Mahal kita Vanya at gusto ko lang na makahanap ka ng lalakeng magmamahal sa'yo ng buo. H'wag kang tumulad sa'kin na walang asawa at anak dahil tinuon ko na ang sarili ko sa trabahong ito." Seryoso at may sinseridad na sabi ni Uncle sa'kin. Hindi naman agad ako nakaimik sa sinabi niya. Kumirot ng kaonti ang puso ko sa nakikitang ekspresyon sa mukha niya.

Totoong kaming dalawa na lang ni Uncle ang magkasama at magkasangga sa buhay. Kaya nung pagkagraduate ko ng college ay tinuon ko na ang buong atensyon ko sa ahensya... sa mga misyon. Kahit nakatapos ako ng engineering, mas pinili ko ang pagiging isang agent.

Hindi dahil sa isang agent ang Uncle ko kundi dahil gusto kong tumulong sa mga tao. Gusto kong tulungan ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan... ng hustisya at pag-asa. Ang agency ng Uncle ko ay alam ng mga pulisya rito sa Pilipinas... isa itong legal. Pero ang agency na 'to ay patago lamang ang pagkakakilanlan dahil delikado para sa mga taong nagtatrabaho rito.

Simula nu'ng pumasok ako rito, mas namulat ang mga mata ko sa nangyayari. Kaya mas lalo lang nadagdagan ang kagustuhan kong ipagpatuloy ang trabaho ko rito sa agency kahit na ayaw ni Uncle. Walang makakapigil sa desisyon ko dahil desisyon ko iyon. Hindi na ako bata para pagbawalan sa mga bagay na alam kong kaya ko namang gawin. Alam kong nag-aalala lang siya sa'kin dahil sa nangyari noon, pero wala na 'yon sa'kin ngayon.

Okay na ako...

"Uncle... alam kong nag-aalala ka sa'kin pero, gusto ko talaga ang ginagawa ko. Kapag hindi ako nakakakuha ng misyon, feeling ko... may kulang sa katauhan ko. Alam kong gusto mo akong magkapamilya pero... marami pa namang panahon para doon. Hindi ko naman pinagbabawalan ang sarili kong mahulog sa isang lalake pero hindi lang talaga ako makahanap ng lalakeng pasok sa standard ko. H'wag kang mag-alala Uncle, kapag may nahanap na ako, ikaw agad ang sasabihan ko! Dadating din tayo dun Uncle, kaya stay put ka lang diyan!" masayang sabi ko sa kaniya. Ngumiti pa ako ng malaki para ipaalam sa kaniya na seryoso ako sa sinasabi. "So... pwede na ba akong bumalik ulit? Please? Uncle?" napabuntong hininga na lang ulit siya sa sinabi ko at naupo sa upuan niya. Nasa office niya pala kami ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Protecting My ProfessorWhere stories live. Discover now