Her Greatest Treasure

141 11 12
                                    

Alaminos, Quezon

JULIA'S POV

Kasalukuyan akong abala sa kusina sa pagbi bake ng mga cookies at cakes na order sa akin ng makarinig ng sunod na sunod na sigaw mula sa sala.

"Mama, Mama!!".

"Nandito si Mama sa kitchen, Nak", sagot ko ng pasigaw din. That's my 10 year old daughter, Allia Elisse. She just got home from school.

"Mama, look po oh. Perfect ko ang long exam namin sa Math and Science", masayang pagkkwento niya sabay yakap ng mahigpit.

"Wow! Ang galing naman ng anak ko. Good job, love. At dahil diyan, ipagluluto kita ng paborito mong ulam mamaya".

"Chicken pastel?", masayang tanong niya.

"Opo. At hindi lang yan. Nag bake din si Mama ng paborito mong Oreo cheesecake. Magbihis ka na at ihahanda ko na ang meryenda mo".

"Wow!! The best talaga ang Mama ko. Okay po. Magbibihis na po ako", sagot niya at patakbong nagtungo sa kuwarto niya para magbihis. Matapos ang ilang minuto, bumalik siya sa kusina at masayang nag meryenda.

"Mama, may sasabihin po ako. Pero promise mo muna di ka magagalit?", bigla niyang nasambit habang kumakain ng paborito niyang cheesecake.

"Ano yun?", tanong ko.

"Mama, promise mo po muna di ka magagalit. Please", pangungulit ng anak ko at mas pinalambing pa ang boses. Ng may bigla akong maalala. Isang tao na naging parte ng nakaraan ko. Kagaya ni Allia, ganitong ganito din ang taong yun. Makulit at malambing.

"Mama!", putol ni Allia sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.

"Dinadaan mo na naman ako sa lambing at pagpapa cute ha. Ano nga kasi yun? Sabihin mo na!", sagot ko habang nilalagyan ng juice ang baso niya.

"Nakipag away po ako sa school, Mama!"

"What!!?? Allia Elisse, di ba kabilin bilinan ko wag ka nakikipag away sa school. Ang tigas ng ulo mo. Pag ako pinatawag na naman sa Principal's office, paparusahan na talaga kita. Kukunin ko lahat ng gadgets mo. And no TV and no internet".

Isang malalim na buntong hininga ang naging tugon niya sa mga sinabi ko "Mama naman po eh. Dami na agad sinabi. Di mo pa nga po alam bakit ako nakipag away".

"Bakit ka nga nakipag away na naman?", naiinis na tanong ko sa kanya.

"Inasar na naman po ako kasi ni Drei. Tinukso niya ako na putok sa buho kasi wala akong Daddy. Ako lang daw po ang walang Daddy sa class namin. Kaya nagalit po ako at tinulak siya. Muntik na nga po kami magsabunutan pero umawat si Elaiza". Parang nadurog na naman ang puso ko habang naiiyak na nagkkwento ang anak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at pinunasan ang mga luha na namumuo sa mga mata niya.

"Anak, di ba kaibigan mo si Drei? Sana di mo na lang pinatulan. Alam mo naman diba na ayaw na ayaw ni Mama na nakikipagaway ka at nasasaktan sa school".

"Eh kasi po sobra na siya, Mama. Ayaw niya maniwala na nasa heaven na ang Daddy ko. Di ba po totoo naman na nasa heaven na si Daddy? Namatay po di ba si Daddy sa giyera sa Mindanao habang nasa tummy mo pa lang po ako?", sunod sunod na tanong niya.

"Oo anak. Diba sabi ko naman sayo na sundalo ang Tatay mo. Pero hindi ka na niya nakilala kasi kasama siya sa mga napatay ng Abu Sayaff sa giyera sa Mindanao noon",matipid na sagot ko. Eto ang pinaka ayaw ko sa lahat. Tuwing nagtatanong si Allia ng tungkol sa ama niya.

"Sabi ko nga po kay Drei na hero ang Daddy ko. Kasi namatay siya na lumalaban para sa bayan. Pero pinagtawanan niya lang ako. Nagiimbento lang daw po ako. Mama may picture ka ba ni Daddy? Ipapakita ko lang kay Drei para magtigil na siya", tanong niya.

"Anak, wala akong naitabing picture ng Papa mo. Nasunog kasi ang bahay na tinirhan namin noon sa Manila. So kahit isang picture niya wala akong naitabi", pagdadahilan ko.

"Pero bakit hindi po natin dinadalaw ang libingan ni Daddy?",muling tanong niya.

"Anak, napakalayo kasi ng pinaglibingan sa Daddy mo. Sa Mindanao pa. Mahirap puntahan", tipid na sagot ko na lalong nagpalungkot sa mukha niya. "Anak, wag ka na malungkot. Nandito naman si Mama eh. Di ba kahit naman tayong dalawa lang enough na yun? Masaya naman tayo?".

Isang tango at mahigpit na yakap ang itinugon niya sa akin. "Mahal na mahal ka ni Mama, baby. Lagi mong tatandaan yan".

Allia Elisse, my dearest daughter is my everything. She's my life. My greatest treasure. Life has never been easy for me for the past 10 years. To say that I suffered enough is an understatement. Pero si Allia ang patunay na maganda pa din ang mundo sa kabila ng lahat ng luha, hirap at pasakit na dinanas ko sa nagdaang sampung taon. Nabuhay ako at patuloy na nabubuhay dahil sa kanya. Inahon niya ako mula sa pagkakalugmok na idinulot ng isang tao na minsang pinagalayan ko ng lahat lahat ng meron ako. Isang tao na naging parte ng nakaraan ko na matagal ko ng ibinaon sa limot.

"Ate Julia! Nandiyan po si Sir Robert sa labas", tawag sa akin ng kasambahay ko na si Greta. Ang Robert na tinutukoy niya ay ang boss ko. Mahigit limang taon na akong nagtatrabaho bilang Secretary niya sa pagaari niyang Construction company dito sa Quezon. Isa si Sir Robert sa pinakamayaman dito sa Quezon. Pero sa kabila ng yaman niya isa siya sa pinaka humble na taong nakilala ko. Naghanda muna ako ng meryenda bago pumunta sa sala kasama si Allia.

"Sir Robert, mag meryenda po muna kayo. Dumating na pala kayo. Akala ko bukas pa ang dating niyo from Singapore", bati ko sa kanya.

"Actually kararating ko lang, Julia. Dinaan ko lang tong pasalubong ko sa inyo ni Allia", sagot niya sabay inabot sa akin ang isang malaking paper bag.

"Naku, Sir nagabala pa kayo. Nakakahiya naman!".

"Sus. Maliit na bagay lang yan. Hello, Lia. How's school?", bati niya sa anak ko.

"Hello po Tita Robert. Okay naman sa school. Thank you po sa pasalubong niyo".

"You're welcome Lia. Sana magustuhan mo yang binili ko para sayo. Ah by the way Julia, kaya din ako dumaan dito to tell you na i-cancel mo lahat ng appointments ko for tomorrow. Darating kasi bukas ang matalik kong kaibigan dito at may titingnan na property dito sa Alaminos. Sasamahan ko at ipapasyal na din. Almost 10 years kaming hindi nagkita ni Albert kaya natuwa ako nung sinabi niya na dadalaw siya dito bukas. Kararating lang kasi nun from NewYork", pagkkwento niya.

"All.. Albert?", wala sa loob na nasambit ko.

"Yes. Atty. Albert Martinez. Top notcher yun sa bar exam and a most sought after lawyer in New York. Im glad he finally decided to be back here in the country for good".

Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa pangalang sinambit ng boss ko!

======

Young Eliza Pineda as Allia Elisse (yes,that's how I love MFDL teleserye 😭)

Tonton Gutierrez as Sir Robert (Julia's boss)

(A/N: sorry for the super slow update. i almost forgot this na. hahaha)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon