Chapter Seven

264 18 7
                                    

Joy's POV

"Class, may upcoming tayong maraming groupworks at gusto ko na kung makakapili na kayo ng kagrupo, sila na ang magiging kagrupo niyo sa buong school year."

Aish. Tagal naman matapos ni ma'am eh. Hate ko pa naman tong grupo-grupo na to!

"I prepared all of your names rolled in a piece of paper. Pipili ako ng  6 na mga tao na pipili ng mga ka miyembro nila. Ang anim na tao ay sina Junhwo, Dae Rin, Hyojin, Lei, Jungkook and Donghyun." Ang ingay nilang lahat. Nakikiusap naman kasi sila sa mga taong napili para kumuha ng kagrupo nila.

"Oppa, piliin mo kami nila Mijoo at Kei ha?" Sabi ni Yein kay Jungkook habang nagpapacute. Nakakadiri naman tong babaeng to mag aegyo.

"Nek-nek mo Ye" sabi ni Jungkook kay Yein. Tingnan mo nga naman oh. Kala ko ambait nitong si Jungkook. May tinatagong pagka ganon pala.

Deserve naman nung Yein eh. XD Sorry talaga ah? Di ko alam kung bakit ako nagagalit sa Yein na yan. May aura kasi siyang parang di ko gusto eh.

"Sige naaa. Isusumbong talaga kita kay Tita Gianna. Sabi pa naman niya na ipapa uwi ka niya sa Hungary kapag di mo ko aalagaan ng maayos dito sa school."

"O sige na, sige na. Tss." Kawawa pala to. Sumbongera kasi yung kapatid.

Tumingin ako sa paligid at nahuling nakaktitig si V sa akin.

"Ano?!" Sabi ko sabay taas kilay. XD

"Chismosa ka pala no?" Nakakaloko niyang sabi.

"Kung ako, chismosa, ikaw pakialamero!" Inirapan ko naman.

"Sige, representatives please come in front"

Pumunta silang anim sa harap habang ako naman ay nag dadaydream habang nakatingin sa bintana.

"Huy! Uy chismosa! Joy!" Naputol naman yung pagdadaydream ko nang tinawag ako ni  V.

"Ano ba? Kanina ka pa ha? Nakakairita ka na."  Bwisit talaga to. At malas ko pa, magkatabi kami.

"Kasali ka sa team namin ni Jungkook. Pasalamat ka, pinili ka niya kundi mapupunta ka talaga sa grupo nang weirdong si Dae Rin" waw. Kung makapagsabing weirdo, kala kung sinong di weirdo.

"Edi wow, nakakapagod pumatol sa mga pangit tulad mo." Sabi ko at inirapan niya naman ako. Bakla pala to eh.

"Pumunta na kayo sa mga kagrupo niyo at mag usap na kayo tungkol sa first project niyo. Binigay ko na sa mga leader ang instructions." Grabe naman to si ma'am. First day na first day, project agad!

Nakita ko naman sila Jungkook sa isang sulok ng classroom na umuupo. Lumapit naman ako at nakita kong nakatingin silang lahat sakin.

"Di ka ba sasali sa pagpaplano namin?" Tanong ni Kei in a mataray tone. Kahit kelan talaga, ang taray nitong Kei na to.

"Uupo na nga diba?" Sabi ko sabay upo.

"So ano pala yung task?" Tanong ni Mijoo habang smile nang smile kay V.

"Gagawa tayo ng isang film. Tayo na raw ang bahala kung anong genre." Sabi ni Jungkook.

"Madali lang pala. Ako ang bida ha? At dapat Romantic Drama ang genre para maipamalas ko sa lahat ang professional acting skills" sabi ng mayabang na Yein na yan.

"I know right, sissy! Dapat malaki rin ang role namin dun." Dagdag ni Mijoo.

Hay nako. Bahala na nga sila jan. Ako nalang ang mag eedit. Tss.

Bigla namang bumukas ang pintuan at may isang babaeng nakatayo na parang galing tumakbo.

"Sorry I'm Late."

----------

a/n

Dundundundun. Sino kaya yan? XD

Vomment.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Clash[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon