"Bakit libro ang ireregalo mo sa kakambal mo?" tanong ng batang si Anna habang hawak hawak ang isang libro at sinisiyasat ang pabalat nito."Kasi mahilig sya magbasa at alam kong magugustuhan nya 'yan." Nakangiting sagot ng matalik na kaibigan nitong si Meca.
"Sana hindi na lang mag b-birthday 'yong kakambal mo," Pabulong na sabi ni Anna ngunit sapat pa rin ang lakas nito upang marinig ni Meca at ng iba pa nilang mga kaibigan.
Napag-usapan kasi na sa kaarawan ng kanyang kakambal ay lilipat na si Meca sa puder ng kanyang tiyahin na nangangalaga rin sa kanyang kapatid dahil wala na ang kanilang mga magulang na dating nagsusustento sa kanya.
"S-sorry. Hindi 'yon katulad ng iniisip nyo" pagpapaliwanag ni Anna nang mapansing nakatingin ng masama sakanya ang dalawa pa nilang mga kaibigan habang si Meca naman ay malungkot na nakayuko.
"Alam ko, pero pasensya na. Ang isa't isa na lang ang mayroon kami ng kakambal ko sa ngayon." Malungkot na sabi ni Meca. 'Gaya nya, malungkot din ang kanyang mga kaibigan at kitang kita nya 'yon sa mga mata nito.
"Uy wazzup! Sorry late ako," ani Denzel na kakarating lang. Kasunod nito ang dalawang body guards na kinuha ng kanyang amang mayor sa lugar upang maprotektahan at mabantayan sya sa lahat ng kanyang gagawin. Sinenyasan nya ang mga ito na sa labas na lang magbantay at h'wag na syang sundan.
"Oh bakit ganyan mga mukha nyo?" Kunot-noong tanong ni Denzel sa mga kaibigan. Nang walang nakuhang sagot, umupo na lang sya sa tabi ni Meca at bumaling dito.
"Kailan ka aalis?," seryosong tanong nito, tila nawala ang enerhiyang taglay no'ng dumating sya.
"Mamaya."
"Mamaya na 'agad?!" Gulat na tanong ni Jevette na kanina'y nakikinig lang sa kanilang usapan.
Tumango lang si Meca at agad na nag-iwas ng tingin.
"Babalik ka naman diba?" Malungkot na tanong ni Calvin. Napatingin si Meca sa kaibigan at nakita nyang punong puno ng emosyon ang mga mata nito, na para bang malapit nang sumabog at nais nang magpakawala ng napakaraming luha.
Hindi alam ni Meca ang isasagot.
Ngayong wala na silang mga magulang ng kakambal nya, hindi nya alam kung ano ang mangyayari sakanila. Pitong taong gulang pa lang sila at paniguradong hindi nila alam kung paano patatakbuhing muli ang kanilang buhay. Paano nga ba nya sasagutin kung babalik pa ba sya ngayong hindi nya masagot ang tanong na kung saan at paano sila magsisimula?
"Hihintayin ka namin, at pagbalik mo, paniguradong isa na akong sikat na chef." Nakangiting sabi ni Calvin. Hindi naman sya nabigo sa pagbago sa atmospera ng paligid dahil nakita nyang nakangiti na ang iba nyang mga kaibigan, maging si Meca.
Tumayo si Meca at walang sabi-sabing niyakap si Calvin. Napangiti naman ang batang lalaki at niyakap pabalik ang babaeng kanyang gusto at hinahangaan simula no'ng una pa lamang.
"Ayiee" Pang-aasar ni Anna sa dalawa. Tinignan lang sya ng masama ni Meca ngunit tinawanan nya lang ito.
"Ako wala?" Nakabusangot na sabi ni Jevette habang inilalahad ang kanyang mga braso kay Meca na nagpapahiwatig na nais din nya ng yakap mula rito.
"Syempre, pwede bang mawalan ng yakap ang future business woman ko?" Nakangiting sabi ni Meca. Agad itong kumawala sa pagkakayakap kay Calvin at nagtungo kay Jevette para yakapin ito.
Mahinang tawa ang pinakawalan ni Jevette at bumulong kay Meca.
"Magiging business woman ako kahit 76 lang ang grade ko ngayon sa Math" Tumatawa ang dalawa habang bumibitaw sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Ehem." Sadyang pag-ubo ni Denzel na nagsasabing magpapayakap din sya, ngunit tinignan lang sya ni Meca at agad na humarap kay Anna.
"Bff." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Anna. Hindi pa man nakakasagot si Meca ay yumakap na sya rito ng mahigpit. Hinimas nya ang balat sa kanang parte ng leeg ng kaibigan 'gaya ng 'lagi nyang ginagawa.
"Mag promise ka sa'kin na babalikan mo ako kahit anong mangyari." Dahan-dahang tumango si Meca sa sinabing 'yon ni Anna.
"Mag promise ka rin na ako pa rin ang bff mo kahit na anong mangyari." Kumawala sa pagkakayakap si Anna at tumingin sa matalik na kaibigan.
"Promise," sagot nito at itinaas ang kanyang kamay na nakataas ang hinlilit. Ginaya rin ito ni Meca upang makipag pinky-swear sakanya.
"Ang d-drama nyo naman, 'kala nyo naman mamamatay na 'yang si Meca. Syempre, babalikan ako nyan."
Napabaling ang atensyon ng magkaibigan nang magsalita si Denzel. Nakatingin ng masama sakanya si Anna habang sina Jevette at Calvin ay deretso at walang emosyon lang na nakatingin sakanya.
"Tayo pala, hehe" Pagbawi nito sa kanyang huling sinabi. Inialis naman ng magkakaibigan ang tingin nila rito maliban na lang kay Meca.
"Oo, babalikan kita para patayin." Pabirong sabi ni Meca na ikinasimangot ni Denzel at ikinatawa ng iba pa nilang mga kaibigan.
"Denden"
Napalingon ang lima nang mapansing pumasok ang isa sa mga bantay ni Denzel at tinawag sya nito.
"Uy Denden, tawag ka" pang-aasar ni Jevette sa kaibigan, dahil alam nyang ayaw ni Denzel na tinatawag sya sa palayaw nyang Denden.
Nagsitawanan ang magkakaibigan habang si Denzel ay padabog na tumayo at humarap sa lalaking naka uniporme.
"Bakit?!"
Natigil sa pagtawa ang apat at tila napako si Denzel sa kinatatayuan dahil sa sagot ng kanyang gwardiya.
"May emergency daw sainyo, nilooban ang bahay nyo at kinidnap ang mayor at ang mommy mo."
xxxxx
YOU ARE READING
CS#1: Atro City's Last Meal
Mystery / Thriller"Hindi lahat ng bumabalik ay gustong tanggaping muli ng binabalikan at hindi lahat ng binabalikan ay katulad pa rin ng nakaraan." Iyon ang mga katagang patuloy na bumabagabag kina Meca at Maria- ang magkakambal na napadpad sa isang misteryosong siyu...