CHAPTER VII- HUMAN ANATOMY

14 3 0
                                    

VII- HUMAN ANATOMY

"Sa'n nga kayo galing?" pag-uulit ni Kian sa tanong nya nang mapansing hindi kami umiimik ni Meca.

"S-sa.. labas lang," sagot ni Meca.

Napatayo si Kian at galit kaming tinignan.

"Ano'ng sinabi ko sainyo? Mapapahamak kayo sa labas!" Nalaglag ang aking panga nang lumakas at tumaas ang tono ng kanyang boses. Para syang isang tatay na pinapagalitan ang kanyang suwail na anak.

Napayuko na lang kami ni Meca sa kahihiyan. Gusto kong sumagot at ipagtanggol ang aming sarili ngunit batid kong walang saysay iyon. Batid kong pinoprotektahan lang kami ni Kian at walang masama ro'n.

"Anong nangyari.. sa paa mo?" nanghina ang kanyang boses at tila lumambing ito. Napaangat ako ng tingin at nakita kong nakatingin na sya sa paa ni Meca.

"W-wala.. ahm, na-nadapa lang ako," utal na sagot ni Meca. Napailing na lang ako dahil halatang nagsisinungaling sya, ngunit mabuti na lang at mukhang nakumbinsi nya si Kian dahil hindi na ito nagtanong pa.

Lumapit sya sa'min at nakita kong umupo sya upang mapantayan ang binti ni Meca. Sinuri nya ito at muli syang tumayo.

"Sa'n kayo kumuha ng benda?" seryoso nyang tanong. Nagkatinginan kami ni Meca at napayuko bilang pagsuko na wala na kaming pwedeng idahilan pa.

"Galing sa isang kaibigan," sabi ko.

"Kaibigan?!" nagtataka nyang tanong. "Paano kayo magkakaroon ng kaibigan dito?"

Nagsimulang magsalita si Meca at hindi ko na sya napigilan pang magkwento sa mga nangyari kanina. Kita ko kung pa'nong nadagdagan ng awa ang galit sa mukha ni Kian.

"A-ano? Ayos ka lang ba? May nararamdaman ka pa bang masakit?" nag-aalala nyang tanong kay Meca habang hawak ang dalawang balikat nito. Kung kanina'y para syang galit na tatay, ngayon ay para naman syang boyfriend na inaalo ang kanyang kasintahan.

Nakayukong tumango si Meca. Napairap naman ako sa kawalan at naglakad patungo sa kusina para kumuha ng tubig.

Pagkabukas ko sa ref ni Kian ay nakita kong hindi nakabukas ang ilaw nito, pahiwatig lamang na hindi malamig ang tubig do'n sa ref. Bigla akong nawalan ng gana uminom kaya muli na lamang akong napairap sa kawalan at nagtaka sa aking sariling kinikilos.

Bakit ba ako naiinis?

Pagkasara ko ng ref ay may nalaglag mula sa aking bulsa. Yumuko ako at nakita ko ang harmonica na dumulas ng kaunti papalayo sa'kin. Napatingin ako kina Meca at Kian at nakita kong nakatingin na rin sila sa harmonica.

Nagtaka na lamang ako nang makita ang gulat na reaksyon ni Kian.

"Bakit ka mayro'n nyan?!" pabalik-balik ang tingin nya sa harmonica na nalaglag at sa'kin.

"Binigay sa'min ni Ate Sheila. Bakit?!" pagtataray ko.

"Mapanganib 'yan," sagot nya. Muli nanamang nadagdagan ang inis sa aking sistema.

"Puro ka 'mapanganib' , 'mapanganib' pero hindi mo naman sinasabi sa'min kung bakit! Sige nga, pa'no namin maiintindihan?!" biglang sumakit ang aking ulo pagkasabi ko no'n. Ni hindi ko nga maiproseso ang mga impormasyong inilagay nya sa'ming isipan at ngayon ay nanghihingi pa ako ng paliwanag sa mga bagong naganap.

Lahat ba talaga ng nangyayari rito ay may katumbas na malalim na eksplanasyon? Hay! Sumasakit ng lalo ang ulo ko!

Nakita kong umupo si Kian at Meca sa sofa. Napairap akong muli nang nakitang magkatabi sila at puno ng awa ang mga mata ni Kian na nakatingin sa aking kapatid.

CS#1: Atro City's Last MealWhere stories live. Discover now