Stolen

9 2 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

***

Another boring day in school, like seriously everyday is just the same.

"Hindi ba pwedeng umabsent na lang ako ngayon ma?" Tanong ko sa nanay ko habang inaayos ang pagkain sa lamesa

"Araw-araw mo nang tinatanong yan at araw-araw iisa rin naman ang sagot ko, di ka ba nagsasawa?" Nabubugnot nang tanong sakin ni mama kaya bumuntong hininga na lang ako

"Bakit ba tamad na tamad kang mag-aral ha?" Umupo na siya sa tabi ko at nilagyan ng kanin ang plato ko

"Hindi po ako tamad mag-aral" maikling sagot ko

"Oh eh ano lang?" Taas kilay na tanong niya sakin

"Ayoko hong pumasok sa eskwela" bored na sagot ko saka nag-umpisang kumain

"May pinagka-iba ba iyon Sarah?" Nagtataray na tanong niya

"Oho"

"Ano?" Nanghahamon ang tinig ni mama kaya hininto ko muna ang pagkain

"Gusto ko hong mag-aral at makapag tapos hindi po ako tinatamad. Ayoko pong pumasok sa eskwela dahil mahirap pakisamahan ang mga taong mapagpanggap sa loob non" pagkatapos non ay kumain na ulit ako

"Kung ganon ay masanay ka na dahil pagkatapos mo diyan sa pag-aaral ay mas marami ka pang makikilalang tao na mas malala pa sa iniisip mo" hindi ako sumang ayon sa huling mga salitang binitawan ni mama

"May mas lalala pa po ba sa mga taong ginagamit ang pera ng iba para payamanin ang sarili at hindi para ayusin ang suliranin sa isang lugar kung saan nanggagaling ang pera nila?" Tanong ko nang hindi siya tinitignan

"Sarah anak, pinag-usapan na natin ito" parang nawawalan na ng pasensya ang nanay ko sakin.

"Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit walang nagsasalita tungkol sa ganitong pangyayari"

"Dahil hindi madaling kalabanin ang mga taong iniisip mong pabagsakin, masyado ka pang bata para don anak" nag-aalala niyang sambit

"Bakit po kayo? Siguro naman po sapat na ang edad niyo para pigilan sila hindi ba? Bakit po hindi niyo ginagawa? Masaya po bang makita yung ibang tao diyan sa bangketa na naghihirap, walang matirhan at makain? Masaya po bang manakawan?" Kunot noong sabi ko pero pinipilit na wag mawalan ng respeto sa nanay ko.

Hindi talaga yung mahihirap ang dahilan ko pero naging parte na din sila simula ng magka-isip ako.

"Sarah" may pagbabanta sa boses niya

"Hindi ko rin po kasi maintindihan kung bakit parang nabubulag at napipipi ang lahat. At kung bakit hindi porket bata ako, bata kami ay wala kaming karapatan magsalita at ilabas ang mga opinyon namin tho hindi na nga po ako bata eh, 17 na po ako" Tumayo na ako dahil tapos na din naman akong kumain.

"Mauuna na po ako" humalik ako sa pisngi niya at nagtangkang umalis na pero huminto ako saglit para may sabihin "hindi ko lang po sila iniisip pabagsakin, pababagsakin ko po sila" ani ko saka umalis at pumasok sa eskwela.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stolen (One-Shot Story)Where stories live. Discover now