Chennie's Point Of View
In the midst of dawn I already wake myself at exactly 5:40 A.M. Nadala narin siguro ako ng konsensya dahilan na lagi nalang siyang gumigising ng maaga para lang hintayin niya ko. Hindi ko rin naman maisip na mainis dahil alam kong nag eeffort talaga siya para dun. Pero para sakin hindi naman malaking rason yon para gumising siya ng ganun kaaga eh diba pagiging temang lang talaga ang pinapairal niya
I don't know why am I doing this, but all I just knew is matagal niya natong ginagawa since junior pa kami. At kong bakit ngayon lang ako umakto sa kanya ay dahil dati hindi niya naman talaga gawain ang gumising ng maaga eh tas malalaman kong tatambay siya dito sa bahay namin ?? ano yun ??
Way back before kasi ay tinatiming niya talaga yong gawain ko, kapag sinabi kong tapos nakong kumain timing na sa paglabas ko nandiyan narin siya sa gate namin ewan ko ba dun sa kanya. So in the end Im trying to be independent and at the same time gumising nako ng maaga but then I just realize waking up on this early morning is not easy. Talagang masasabi ko ang paggising nga talaga ang pinakamahirap na gawain bilang studyante pero naniniwala naman ako na magagawa ko rin toh kakayanin lang para sa ekonomiya haha ...
Pagkagising na pagkagising ko ay notipikasyon naman kaagad ang bumungad sakin
--------- #Disguised ---------
" Because we deserve to smile for everybody "
- Anonymous
Pagkatapos kong mabasa ang post nayon ay inilapag ko na agad ang phone ko sa may side table. Tinupi ko narin ng maayos ang mga kumot, unan na nagkalat sa ere, nag stretching pa muna ako sandali bago ako nagpatuloy sa pagpasok ng banyo para maligo. Ramdam ko rin ang lamig ng tubig kaya hindi nako nagdalawang isip na gamitin yong heater. Nakapagbihis narin ako at nag ayos sa sarili pagkatapos ay bumaba nako ng hagdan. Labis naman ang pagkagulat at pagkamangha ni nanay Gareth sakin sa nakikita nito, hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa kanya kong bakit ganoon nalamang siya kong magreact sakin sa harapan ko
" Oh hija, masyado yatang himala para masaksihan ko ang pag gising mo ngayon. Anong naisipan mo at napagising ka ng ganito kaaga ?? " pagtataka ni nanay na labis parin ang ngiti nito sakin
" Uhm, wala naman po nay maaga po kasi ako nakatulog kagabi eh--- kaya maaga rin po ako nagising ngayon " matapat na paliwanag ko kay nanay
" Ganun ba, aba' eh pagpasensyahan mo nako hija hindi ko aakalain na gigising ka pala ng ganito kaaga, kong kaya't mamaya pa siguro matatapos ang niluluto ko. Okay lang ba sayo ang maghintay ?? maaari ring mag oatmeal ka nalamang kong nagmamadali ka " gayon pa man ay ngiti lang din ang ibinungad ko kay nanay
" Ayy, hindi po nay okay lang po yun. Maghihintay po ko hindi rin naman po ako nagmamadali eh tsaka maaga pa naman nay " dahilan ko kay nanay kasabay naman ang pagtango nito sakin
Nag usap lang kami ni nanay sandali at pagkatapos nun ay iniwan niya narin ako dito sa salas dahil tutuloy na daw siya sa kusina para tapusin daw ang kanyang niluluto. Mag isa akong nakaupo rito sa couch, pansin ko ring hindi pa pala gumigising si mama. Minsan kasi kapag napaaga ng gising si mama siya ang nagluluto para sakin at kapag nahuli naman si mama ng gising ay si nanay naman ang kusang magluluto para sakin
Mga ilang minutong paghihintay ko rito sa salas ay nadinig ko na ang bungad sakin ni nanay na handa na raw ang pagkain. Tumango lang ako kay nanay bilang tugon ko sa kanya ng sa ngayon palang nasalampak ng utak ko kong bakit hindi napunta si bakla ngayon dito. Tinanaw ko pa muna yong phone ko kong anong oras na at saktong 6:18 A.M. na pero wala parin akong napapansing bakla na pumarito
YOU ARE READING
Unforeseen's Fell for Her
General FictionMasarap sa pakiramdam kapag lagi mong nakakasama ang iyong mga kaibigan. At ganun rin ang pagsasama nila Chennie at Marco na parang magkakapatid narin ang turing nila sa isa't isa. Lahat ng mga bagay ay alam nila, ngunit sa puntong iyon ay marami si...