"Ellaine, san ka pupunta anak?" tanong ni mama sakin. "ah sa kanto lang po, bibili ako ng tinapay." sagot ko dito. "Osige, mag ingat ka."
tinanguan ko lang si mama. kinuha ko yung pitaka ko't pumunta sa bakery.
"Aling Fe! Pabili!" Sambit ko nung naka rating na ako sa bakery-ng bibilhan ko. "Oh Ellaine! Pandesal parin ba?" Tanong ni aling Fe.
Tinanguan ko lang siya at ngumiti. Alam na alam ni aling fe ang paborito kong bilhin kse suki nila ako.
Parang halos araw araw ako bumili dito.
"Oh eto." Sabi ni aling fe at binigay ang isang cellophane sakin na may mga pandesal. "Wow! Salamat aling fe! Eto po oh." Sabay lahad ko sa bayad sakanya.
"Sige, salamat. Balik ka ah." Sabi niya. Tinanguan ko lang siya't umuwi na sa bahay.
Pero nung malapit na ako sa bahay, ay may napansin akong may nag-hahabulan.
"You jerk! Give me back my bag! Huhu." Narinig ko sabi nung babae. Agad ko naman siyang nilapitan.
"Ma'am ano pong nangyari?" Tanong ko dito. "That guy, he stole my bag!" Sabi niya sabay turo sa lalakeng tumatakbo pero di pa masyadong nakaka layo.
Agad ko namang nabitawan ang pandesal na binili ko't hinabol ko yung magnanakaw..
Nung naka lapit na ako ng kaunti sakanya ay sumigaw ako. "Hoy! Ibalik mo yang bag! Sayo bayan?!" Sigaw ko. Potek na magnanakaw to, ang bilis tumakbo!
Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang nahawakan ko na ang dulo ng damit ng lalake.
Agad ko itong hinila, na naging dahilan sa pag tumba niya. Hanga ako sa damit niya ah? Ang tibay!
Nung natumba siya ay tinapakan ko ang dibdib niya. "Ibalik mo yan sakin." Utos ko dito. Umiling siya kaya'y mas diniinan ko pa ang pagtapak sa dibdib nito.
Naubo naman siya at binigay na sakin ang bag.
"Eto! *cough* pakawalan mo na ako!" Sabi nito. Kinuha ko naman ang bag at sinipa ang mukha niya. Nakaw pamore! Hmp.
Pagkatapos nun ay bumalik na ako kung nasan yung babaeng englishera na ninakawan kanina.
"Eto po mam." Sabi ko sa babae at binigay yung bag niya. Baka importante talaga yung nasa loob non dahil kung pano siya sumigaw kanina.
"omg, nakuha mo! Thank you! Thank you! Thank you!" Sabi niya. Ang rami namang thank you yon.
"Ang dami ng thank you mam ah." Sabi ko at napa-kalot sa batok ko. "You're funny haha. Gosh thank you so soo much! I can't live without my Gucci bag." Sabi pa niya.
Pag mayaman nga naman oh.
"Sige mam, uwi na po ako at baka hinahanap na ako ni mama." Sambit ko sa babae, nag bow at umalis.
"Hey wait!"
Lumingon naman ako. "Can I come with you?" Ha? Come with me? Sa bahay namin? Jusko.
"Ah—ehh.."
"Please! I wan't to thank your mom too! Haha" eh? Bakit pati si mama? Si mama ba yung nagligtas sa gucci niyang bag? Dejok. XD
BINABASA MO ANG
Highest Dream
Teen Fiction"You, you are my highest dream I never thought I would get.." -Xander Keith Buenavista