01 | Quest

932 98 13
                                    


› 01 ‹
Quest

Ang mundo ng mahika ay isang malawak at malaking mundo na pinamumugaran ng iba't-ibang uri ng hiwaga at misteryo. Dito nabubuhay ang mga taong nakadepende sa salamangka o mahika.

Ang mga nilalang ay may tinataglay na mana, ang mana ang nagsisilbing ispiritwal na puwersa ng buhay (spiritual life force) ng isang tao. Dito nanggagaling ang enerhiya ng isang tao upang makapagdulot at makapaglabas ng mahika mula sa katawan nito.

Ang bawat tao naman ay may iba't-ibang uri ng pamamaraan ng paggamit ng mahika, naaayon ito sa kanilang klasipikasyon bilang mga salamangkero;
Caster, Shifter at Bender.

Ang mga Caster ay namamanipula ang ang mga elementong kanilang tinataglay sa pamamagitan ng mga magic spells at enchantment prayers. Ang Shifter naman ay kayang manipulahin ang iba't-ibang elemento, hindi lamang isa, kaya nitong kontrolin ang iba pa. Habang ang mga Bender naman ay kayang manipulahin at kontrolin ang isang elemento na hindi gumagamit ng mga enchantment o magic spell. Malaya nilang nahuhulma ang sariling kapangyarihan.

Bukod sa mga magic user, mayroon ding uri ng mga tao na ginagamit sa ibang paraan ang tinataglay na mana, gaya na lamang ng mga Alchemist. Ang kanilang mga mana ay nagagamit sa pag-cultivate ng iba't-ibang mineral o iba't-ibang kasangkapan upang makabuo ng isang bagay na nakakapag-unlad sa spiritual life force (kagaya ng elixir) ng isang nilalang, mga sandata at armas. Ang mga Alchemist din ang gumagawa ng iba't-ibang uri ng healing potions na nakakapagpagaling ng mga may sakit.

Subalit hindi lahat ng Alchemist ay may mabubuting hangarin, ang iba ay ginagamit sa masamang paraan ang kanilang kakayahan, gaya na lamang ng mga Sorcerer.

Ang mga Sorcerer ay mga alchemist na humihiram ng itim na enerhiya at sumasagawa ng ipinagbabawal na mahika, ang Sorcery.

Marami nang naidulot na kasakiman at kasamaan ang mga Sorcerer, ngunit sa kabila noon, patuloy pa rin ang pagkubli nila ng kanilang mga katauhan. Tahimik lamang silang nakamasid sa dilim.

Ngunit hindi lahat ng nilalang ay masuwerteng nabiyayaan ng mana, upang makapagdulot ng mahika. Kagaya na lamang ng mga Null. Mayroon silang spiritual life force ngunit hindi mana ang nakakapagpabuhay sa kanila, kundi ang life force mismo at ang sarili nilang null energy.

Ngunit sa maalipustang mundong ito, walang lugar ang mga null upang manirahan kasama ang mga magic users.

Pagdaan ng mga taon ay nabuhay ang mga Nullifier. Mga uri ng mga nilalang na nakakapagpawalang bisa ng mahika ng isang tao, gamit ang kani-kanilang sandata sa pakikipaglaban. Isang halimbawa ang mga Vikings. Sila ang mga Nullifier na nagawang sakupin ang iba't-ibang kaharian na nakadepende sa mahika. Mayroon silang Alas na nakaipon sa kanilang katawan, isang uri ng kapangyarihan na naipon nila mula sa pakikipagtunggali sa mga nilalang na may tinataglay na mahika.

Ngunit dahil iba't-ibang lahi at uri ng tao ang pinanggalingan ng mga Vikings, may iba pang mga Nullifier na nagagawa ang mga kayang gawin ng mga Vikings. Ang kaibahan lang ay hindi sa katawan nila naiipon ang kapanyarihan, kundi sa mga sandata at mga bagay na mayroon sila. Hindi rin sa natural na paraan ang pagkakaroon nila ng kapangyarihan dahil sa naipon nilang mga mahika, nakakagawa sila ng mga bagay na kakila-kilabot.

Sila ang mga Nullifier na mahigpit na ipinagbabawal sa mundo ng mahika, dahil nakakaya nilang higupin ang buong mahika–maging ang mana ng isang tao patungo sa bagay o sandata na kanilang pagmamay-ari.

Sila ang mga kinakatakutang Nullifier, at dahil sa dala at hatid nilang peligro, ang mga kagaya nila ay binura sa mundo ng mahika. Sila ang banta sa mga magic users, kaya pinaniniwalaan ng lahat na nararapat lamang na sila'y mawala.

[ON HOLD] Mythical Hero 2: Unraveled Quest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon