CHAPTER 1

71 2 0
                                    

CHAPTER 1 

Rhea POV

" new life, new friends, new environment. this is the new chapter of my life. "

- RHEA

Sabi nila pag kinalimutan mo ang mga bagay na nagpapa lungkot sayo, sasaya ka. Bakit hanggang dito sa manila naiisip ko parin. Masakit man mawalan ng ina, kailangan kong tanggapin. 

2 years na Ma, gabayan mo kami ni papa palagi.

hi my name is Rhea Ann Tolentino, 15 years old, Grade 10 student already. let me start my story here.

1st day- Disaster

" Anak, baka ma-late ka sa unang araw mo sa eskwela " katok ng aking ama sa ding-ding ng aking kwarto habang nagluluto. naamoy ko yung mabangong sinangag at tocino kaya naman napa dilat ako galing sa mahimbing kong tulog.

" Anong oras na po ba pa? " inaantok ko pang sabi habang nakatalukbong pa ang mga kumot sa muka ko.

" Oras na para mag ayos ka na at baka ma.late ka, 5 na po prinsesa ko. " patuloy na sigaw ng aking ama mula sa kusina.

"PO?!” pabalikwas kong sigaw. Yung taas ng boses ko abot yata hanggang baranggay.

“alas- singko na?! hala!, bakit di nyo po ako ginising?  hahanapin ko pa yung room ko! " mag kanda hulog na sabi ko dahil sa pag mamadali. Napasarap yata ang ang tulog ko dahil sa excitement .

"kaya nga mag ayos kana po " sabi pa ng tatay ko . 

Maliit lang ang aming bahay . Manipis na plywood lang ang division ng kwarto at kusina namin kaya rinig na rinig namin ang isat isa. Napakabait ng tatay ko at suportado nya ako kahit maaga kaming iniwan ng aking ina.

" opo eto na nga po eh..." madalian ang pag kilos ko, mula sa pag ligo hanggang sa pagkain. Halos hindi ko na malunok yung kinain ko at dali-daling kinuha ang  bag sabay alis.

" pa alis na po ako" sigaw ko nung nasa pintuan na ako .

"ok nak' ingat! good luck sa 1st day mo ha?" maligayang sabi pa nya

" yes, my father! Ba-bye " 

Good thing dahil walking distance lang yung bago kong school na papasukan dito sa bahay namin. 15 minutes kung lalakarin at 8 minutes kung tatakbuhin . kaya naman tinakbo ko mula sa bahay hanggang sa eskwelahan.

8mins saktong sakto lang. hinihingal nga lang ako at hindi pa man nag uumpisa ang klase eh parang uwian na sa itsura ko...

5:30 na sabi sa relo ko, papaliwanag na kaya naman kailangan ko na hanapin yung room ko dahil 6:00 ang start ng klase base sa schedule na hawak ko.

Masaya at nakahinga n ako ng maluwag nang papasok na sa gate nang biglang---

**Plakkk!! Aray ang sakit ng tuhod ko !Sht naman talaga!

"ARAY! " sabay naming sabi nung lalaking nka.tulak sakin kaya ako napa.dapa ngayon. Palda pa naman kami kaya malamang pasa at sugat ang aabutin ng tuhod ko nito. First day na First day naman!.

"SORRY" sabi ng lalaking nakita kong nska rubber shoes, pwede pala mag conyo dito sa school? Nakita kong inabot ng lalaki yung kamay nya sakin. 

"Salamat” inabot ko yung kamay nya. Nang liit naman yung kamay ko sa kamay nyang  napaka lambot. Babae yata ito. 

Hindi ko namalayang di na ako kumukurap nung tingnan ko sya. Maputi, clean cut, malinis din tingnan sa kanyang polo and slacks minus the rubbershoes. May stud earrings sya na krus at may maliit na tattoo sa ilalim ng kanang tenga. Hindi mo mapapansin kung hindi ka lalapit.

Agad nyang  binitawan yung kamay ko pagka tayo ko na parang may nakakahawang sakit. Grabe, ako na nga yung nabugbog dito!

"pasensya na miss ha? nagmamadali kasi ako eh.. sige ha? sorry ulit. " sabi niya sabay alis at punta sa tingin ko’y classroom nila.

napatitig nalng ako sa likod niyang papalayo sa akin. Na star struck na yata ako at nakalimutan kong 6 am ang start ng klase. cute pa naman nya lalo yung mata nyang may makapal na pilikmata.  hindi ko manlang natanong ang pangalan. di bale na nga, mag kikita naman siguro kami. Hindi naman gaanong Malaki itong paaralan. Isip isip ko nang patingin sa aking relos. 

Sht!  5 : 50 na!  nako naman hindi ko pa alam yung room ko, at ang sakit pa ng tuhod ko!  So much for a first day Rae! (Palayaw ko)

kaya nag mamadali na kong pumasok at umakyat sa unang building na nakita ko. Dumadami na yung mga tao kaya naman mas mahirap na mag hanap. Parang nakakahiya pa mag tanong at lahat sila ay may kasamang mga kaibigan. Ako lang yata ang loner dito.

San ka na ba. Palingon lingon kong sabi sa sarili. 10 mins nalang before 6 am ay nandito pa ako sa 3rd floor ng gusali. 

No choice, need ko na mag tanong.

“ excuse me miss? pwede mag tanong?" sabi ko dun sa babaeng nakasalubong ko na nagmamadali din yata papunta sa kanyang klase. Sinabayan ko sya sa mabilis nyang lakad.

"o baket? ano yun?" ang taray naman ni ate, ang sakit na ng tuhod ko pero hindi ko pwedeng unahin yan, kailangan ko na makarating sa classroom ko.

"dito po ba yung grade 10 building?” sht ang sakit na talaga nya. Bagalan mo naman ate.

“ yes, sa kabilang building yung Grade 1-6, dito yung 7-12. Grade 10 ka dun sa dulo 3 sections lang yun magkakatabi yung last 3 rooms sa dulo nito check mo. Sorry ha nag mamadali na din ako kaya hindi na kita maihahatid” tumakbo na si ate at alam kong late na din sya.

“ Salamat po!” sigaw kong tugon sa kanya sa hall way. Binilisan ko ang lakad patungo sa sinabi nyang direksyon kaya naman feeling ko bugbog na bugbog na ako ngayong araw na ito

Hay Salamat at nakita ko na ang kwarto! Thank you Lord. 

Nang pumasok ako, napatingin silang lahat sakin. Typical 1st day sa school magulo pa at nag kakamustahan kaya naman nang pumasok ako’y tsaka lamang sila natahimik- ng konti.

"yes? may kaylangan ka miss??" sabi nung teacher sakin at lumapit. Sya na siguro ang adviser namin.

"miss eto po ba yung room ng Grade 10-C ?” hindi ko na alam kung ano itsura ko pero sure ako ang sakit n ng tuhod ko at yung pawis ko sobra sobra na, no use ang pag suklay ng buhok kanina.

"yes bakit? may hinahanap kaba?"

"ay naku  wala po.. transferee po ako. dito po kasi ako inassign ng principal eh eto po oh.."

inabot ko yung papel na binigay ng principal, sabi nya kasi kung sino maabutan kong teacher ibigay ko lang daw yun.

"ah, so miss tolentino, come in. come in.. class meet your new classmate..."

nag smile naman ako sa kanila.. ewan ko ba bakit hindi sila nag rerespond... mga TULALA! 

pa upo na sana ako kaso biglang may idinugtong yung teacher..

"miss tolentino, kindly introduce your self naman para hindi na sila masyadong mag tanong sayo, mgakaka.kilala na silang lahat kaya please stand and introduce yourself.

Napa buntong-hininga nalang ako dahil I swear, super sakit na ng tuhod ko. Pabalik na ako sa harap nang makita ko yung lalaking dahilan bakit nagkanda.leche leche yung araw ko ngayon! 

Bad news, classmate’s pa kami!----

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

bitter sweet memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon