Second Entry 💚
Nasa sasakyan ako ng makita ko ang isang simbahan. Hindi ko alam kung anong meron dito at para akong baliw na gustong tumuntong dito at tumambay kahit ilang minuto lang.
"Manong dito muna"
Ani ko sa driver koNang makababa ako ay naglakad lakad ako sa paligid ng simbahan medyo marami rami din ang tao dito.
Nagtungo ako sa malapit sa unahan ng sa gayon ay makapag dasal.
Ewan ko ba pero parang napakahalaga ng simbahan na ito para sa akin.
Wala naman akong maalala na napunta ako dito noon.
Tinadhana pa ata ng Diyos na manatili ako ng ilang minuto dahil sa biglang buhos ng malakas na ulan.
"Manong maya maya tayo umalis hanggang sa tumila ang ulan"
"Sige po Sir"
Naiwan ako sa labas ng pinto ng simbahan at doon nasipat ko ang babaeng nakatayo malapit sa tindahan ng mga kandila at sampaguita
"Miss,magkano ang sampaguita?"
Ani ko at kumuha ng pera sa bulsa ko"bente po"
"Kunin ko na lahat,ito bayad sayo na sukli"
Naengganyo ako sa amoy at ganda ng mga ito.
Yung pagkaputi na nakakatuwa sa mata.
"Ericson"
Pagtawag pa ng isang mestisang babaeHindi ko siya kilala pero parang nakita ko na siya.
"Miss,magkakilala ba tayo?"
Tanong ko pa sa kaniya"Eric,ikaw ba yan?"
Pag singit pa ng isang babae na kasama ata nitong isaMukha naman silang mag nanay.
"Hello po"
Tipid kong saad"Ma,hindi pa ata siya okay?"
Bulong pa nito na narinig ko"Oo nga"
"Excuse me po,mauna na ako"
Pagpapaalam ko pa sa dalawaRamdam ko naman ang pagsunod nila ng tingin sa akin.
Ang gulo lang,kilala nila ako pero hindi ko sila maalala.
Ex ko ba ang babaeng yun?
O kaibigan?
Bakit ba parang wala akong maalala na kahit ano.
Bahagyang sumakit ang ulo ko kaya inaya ko na si Manong na iuwi ako.
"Sir okay lang po ba kayo?"
Aniya"Oo,umuwi na muna tayo"
"Pero Sir,hinihintay po kayo ng magulang niyo. Meron po kayong dinner mamaya kasama ang family ni Ms.Angelina"
Pagpapaliwanag pa niyaAngelina?
Sino naman ang babaeng yun at bakit kelangan ko makipag dinner kasama ang family niya
"Angelina?"
patanong ko pang sabi dito"Si-r"
Natigil naman ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone ko."Ijo asan kana? Umuwi ka muna para makapag handa ka para mamaya"
Nag aalala pang sabi ni Mommy"Opo,pauwi na din po kami may dinaanan lang."
"Sige mag ingat kayo ha"
"Mommy teka"
Pagsingit ko bago niya patayin ang tawag"Yes anak"
YOU ARE READING
YOUR TITLE,MY ISTORI
FanfictionQuarantine make us all bored thou too many work from home but still not enough to eat our time. THIS IS JUST FOR FUN!!! JOIN ME AS I CREATE A NEW STORY BASE ON THE TITLE THAT YOU'VE GIVEN TO ME. LET'S ALL TOGETHER CREATE A STORY!