YSA POV
Nakaalis na nga si josh at alex
Hala. May nasabi ata kaming masama kay hannah. Mag kakilala kaya sila? Sa palagay ko oo kasi inis na inis sya nung may masamang nasabi ni bessie tungkol sa pinsan nya e. 😓
"Pagpasensyahan nyo na si josh ha? Malakas lang talaga topak non." Paumanhin bigla ni bryan pero di pa din ako naimik.
Imposibleng tinopak lang yun. Bakit naman? 😔
Mayamaya pa ay napansin na ko ni james na tahimik.
"Ayos ka lang ba?" Tanong neto.
"Ha? Oo. Pero kasi may nasabi ata kaming masama kay nag kaganon si josh." Sagot ko. Nakokonsensya lang talaga ako. 😔
"Naku. Wala yon. Ganon lang talaga yon. Tara kain na tayo." Aya neto at kumain na kami ng tahimik.
After lunch time e sabay sabay na kaming umalis sa canteen para bumalik sa sarisarili naming building.
"Hey! Thanks sa time nyo! Ingat!" Paalam ni bryan samin. Nauna kasing nadaanan yung building namin galing canteen.
"Walang anuman! Salamat. Ingat!" Sagot naman ni joan kay bryan.
Mukhang nag kakaintindihan sila ah. Kanina napansin kong hiningi ni bryan ang number ni bessie. Hm? 🤔
"Hoy! Bessie! Ang gwapo ni bryan no?" Sabi naman neto sakin.
Haaaaaay. Loka loka talaga to parang walang naoffend kanina e. 🙄
"Bessie! Hindi mo ba kilala sila josh?" Tanong ko dito. Kasi baka mamaya kakilala nya to o nakita ng kasama ni hannah dati.
"Ha? Hindi. Ngayon ko nga lang sila nakita e. Pano mo pala nakilala yung mga yon?" Balik tanong naman nya sakin.
"Ha? Ano? Si james kahapon sinabay ako pauwi kasi parehas kaming late na nakalabas ng school." Palusot ko.
Alam ko kasing mag aalala si joan pag nalaman nya yung nangyari kagabi. Though may tiwala naman to sakin na kaya ko ang sarili ko. Pero ayaw nya pa din umabot naasaktan ako.
"Ahhhh. Okay. Mabait nga si james. Pero bakit mo natanong kung kilala ko sila?" Sunod na tanong nya.
"Ahhh. Ano? Nagalit kasi si josh nung may nasabi tayong masama tungkol kat hannah. Baka magjowa sila." Sagot ko.
"Jowa? Ni hannah? E takot lang nun sa parents nya na magsyota sya. Tska meron yung bff na kinababaliwan nya. Si cedrick. Pero di ko din sure ah. Alam mo naman yon nasa loob ang kulo." Mahabang salaysay ni joan.
Hindi naman halatang gigil sya sa pinsan nya di ba? Hehehe lahat kasi ng nambubully sakin e inaaway talaga ni joan kaya kahit mismong pinsan nya e kinakalaban nya.
Kaya nga siguro galit sakin si hannah kasi di naman ako kamag anak nila joan pero todo nya akong protektahan. Samantalang sya e kadugo ni joan e di naman sila magkasundo.
"Ahhh. Ganon ba? Ano? Sige. Tara na magkaklase tayo sa isang subject ngayon dba?" Pag iiba ko na ng usapan.
"Ahh. Oo. Tara na. Wait!" Bigla namang tumigil si joan saglit at kinuha ang tumunog na cellphone sa bag nya.
*1 new message*
From: 09266402***
'Hi joan! Bryan nga pala to. Pwede ka ba bukas?'
Ayon ang message ni bryan na nabasa ko. Tsismosa ko no? Hahahahaha okay lang naman yun kasi wala naman kaming tinatagong sikreto ni joan sa isa't isa.
"Bessie! Mukhang aayain ako lumabas ni bryan bukas!" Sabi naman nya sakin.
Bukas? Friday na. Pero kada first friday kasi ng month e may dinner na pinupuntahan si joan kasama ang family ni hannah. Sakanila kasi hinabilin si joan ng parents nya.