Prologue

238 3 0
                                    

People change.

     It's either they want to change from bad to good, or from good to bad. For the better, or for the worst.  May mga dahilan kung bakit sila nagbabago. Minsan ay gusto nilang magbago para maging maayos ang buhay nila. Pero minsan, nagbabago ang tao sa kadahilanang sila'y nasaktan, nagalit, nawalan o kaya'y gustong maghiganti.

     And she . . . belongs to the latter part.

---

     "Asan na daw siya?"

     "Iyon ang hindi ko nalalaman, Miguel Escorte. Alam ko kung saan siya pumunta pero hindi ko alam kung saan ang kinaroroonan nya ngayon. Ano ba ang sadya mo at naparito ka?"  napabuntong-hininga na lamang si Miggs. Mukhang tinakasan na naman siya ng babae matapos niya itong ayain na makipaglaban sa gang niya. Inis na inis na siya rito. Gusto niyang patunayan sa lahat na kaya niyang matalo ang babae na tinagurian ng Gangster Society na 'Gangster Queen'. Kung tutuusin ay hindi niya pa nakita ang itsura ng babae kahit isang beses; ibig sabihin ay hindi niya kilala ng lubusan ang Queen nila. Bihira lang itong magpakita, iyon ang alam niya. Empress Phoenix, iyon ang code name nito. At bukod pa doon, may isa pa siyang nalalaman: sobrang lakas daw nito na nagawa nitong mapatalsik sa Gangster Society ang Gangster King kaya't siya na daw ngayon ang pangalawa sa pinakamataas na namumuno sa Society pagkatapos ng Headmaster, o ang tao na gumawa ng Gangster Society.

     "Pakisabi na lang sa kaniya na mag-hihintay pa rin ako. Hinding-hindi ako susuko hangga't 'di siya pumapayag." sabi niya sa kausap niya na mukhang personal maid ng Gangster Queen. Tumango na lang ito bilang pagsang-ayon kaya't naisipan niya ng umalis sa lugar na iyon. Sa paglabas niya mula sa mala-palasyong bahay na iyon, na sa pagkakaalam niya ay regalo ng Headmaster sa Gangster Queen, ay nakita niya ang kaniyang dalawang kasamahan niya na naghihintay sa labas na mukhang inip na inip na may pagkahalong dismaya ng makitang mag-isa lang siyang lumabas ng bahay na iyon.

    "Wala na naman?" iritadong tanong ng lalake kay Miggs. Tumango si Miggs dito at napabuntong hininga na lamang ito kasama ang isa pang babae na kakambal ng lalakeng nagtanong.

     Sila ang Dark Gang. Rank 1 na Gang na pinakamalakas sa Gangster Society. Si Miguel Escorte na leader, Takanashi Lee Yamoto na first right hand, at si Queenie Mae Yamoto na second right hand. Kahit kaunti lang silang miyembro ay kaya nilang makipaglaban sa 50 gangsters pataas dahil na rin sa mga trainings na pinagdaanan nila mula ng bata pa sila. 

     Ang Gangster Society naman ang isang organization where elite people who knows how to fight gathers. Isa lang naman ang gustong makamtan nito; ang mapabagsak ang Hugo Mafia, isang organization kung saan lahat ng mga masasamang bagay ay nangyayari. Drug lords, sex addicts, illegal gun dealers, name it, and Hugo Mafia has it.

     Sumakay na lang sila na bagot na bagot sa kaniya-kaniya nilang sasakyan. Malapit na sana sila na makaalis ng tuluyan sa first gate nang mapansin nilang hindi ito bumubukas. Sa pagkakaalam nila ay automatic ang pintuan nito kaya napababa silang tatlo ng kotse nila. 

     "Bakit hindi bumubukas?"

     "I don't know."

     "Baka may problema sa system ng bahay ng Queen. Maybe we should report this to the maid you have spoken to a while ago, Miggs."

     Tumango naman si Miggs kay Queenie nang sinabi nito iyon. Babalik na sana muli sila sa may pinaka main entrance ng palasyo nang biglang may isang Maserati GranTurisimo MC Stradale ang humarang sa mga kotse nila. Napakunot na lamang sila ng wala sa oras. Saan nanggaling ang kotseng ito?

     Halos hindi sila makapaniwala ng makita nila ang isang babae na lumabas mula sa sasakyan na iyon. Ang bilis ng andar nito kanina bago ito tumigil sa harap nila  Naka-sunglass ito kaya't hindi pa masyadong makita ni Miggs ang itsura ng babae. Napatingin siya ng wala sa oras sa hubog ng katawan ng babae at agad na napaiwas ng tingin. 'Shit.' isip niya. Magsasalita na sana si Lee upang tanungin ang babae ngunit naunahan siya nito.

     "Are you the one?"

      Sobrang lamig ng boses ng babae na dahilan upang makaramdam silang tatlo ng isang emosyon na hindi nila inaasahan. Takot. Napakaimposible na mangyari dahil sanay na sila. Nasanay na sila sa kung ano-anong bagay na nangyari sa kanilang tatlo simula ng maging gangster sila noong bata pa lamang sila: ang magulang nila mismo ang nagpasok sa kanilang tatlo upang maprotektahan nila ang kanilang mga sarili sa pagdating na panahon na wala ang mga ito. Pero dahil lang sa isang babae, ngayon lang uli nila naramdaman ang emosyon na ito.

     Ang babae sa harap nila ay ang queen.

     "T-the one?" takang tanong ni Queenie.

     Tinanggal ng babae ang suot nitong sunglass na mas lalong nagpalaki sa ng mata ng tatlo. Kilala nila ang babae. Schoolmate nilang weird. At ang numero uno nilang binubully sa school na pinapasukan nila.

     "Am I wrong, Miguel Escorte, Queenie Mae and Takanashi Lee Yamoto?"  

     Nagkatinginan silang tatlo at napalunok. May masamang mangyayari. At nararamdaman nila iyon.


She's A Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon