Isa na siguro ako sa mga babaeng pinaka malas sa buong mundo. Lahat nalang ng nagugustuhan ko, walang gusto sakin. Saklap diba?
Ganyan naman talaga lahat ng mga storya. May gusto ka sa isang tao pero wala naman silang gusto sa'yo.
Ako nga pala si Carson Perez, aakalain niyong lalaki ako pero wag kayo! Babae po ako hahaha
Nag-aaral ako sa isang malaking unibersidad. Isa akong Architecture student. Sosyal ng kurso ko no?
Masasabing isa akong tipikal na babae. Maputi, matangkad, mahaba ang buhok at may kagandahan. Weh?
Highschool ako noon nang nagsimula akong magkagusto sa lalaki, marami nga akong mga tipo nun eh pero lahat nauwi sa wala.
Sinumpa na yata ako na wala talagang magkakagusto sakin. Hanggang sa tumuntong na ako ng kolehiyo. Dito magsisimula ang akin kuwento…
BINABASA MO ANG
Patungo Sa'yo
Teen FictionCarson is a simple girl. Just like the others, he also likes someone. But her love story always ends up being broken. Will she really find her true love?