"Woi! Tulala ka na naman. Galaw-galaw naman diyan baka mastroke ka." Pagkarinig ko nun nahulog ako sa inuupuan ko dahil sa gulat. Naman eh.
"Psh. Salamat ah."
"Hahahaha! Peace." sabi niya sabay tulong sa akin sa pagtayo.
"Ano ba kasing tinitingnan mo diyan, ha?" sabi niya tapos sinilip niya yung bintana. "Ahh. Kaya naman pala eh. Si Kevin naman pala." Tiningnan niya lang ako saglit tapos ibinaling ulit ang tingin sa labas. "Bat ba lagi niyang hawak yug camera niyang yun?"
"Hindi ko rin alam. Baka may sentimental value sa kanya."
"Ahhh. Tara, lapitan natin."
"Ha? H-Huwag na. Bakit naman natin siya lalapitan?"
"Naku naman, Linette. Paano ka niya makikilala kung hindi ka magpapakilala."
"D-Dennise naman."
"Sige na. ako na ang bahala."
Bigla niya akong hinila palabas kaya naman muntik na akong matumba. Malayo pa lang ay tanaw ko na si Kevin. Si Kevinmylabs. Nakaupo siya at tinitingnan yung mga nakuha niyang photos. Ang gwapo niya talaga. Malapit na kami nang may naalala ako at huminto. Kaya napahinto rin Dennise.
"Dennise, may nakalimutan akong gawin. Sa susunod na lang ahh. Bye." Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya at dali-daling lumayo kahit wala naman talaga akong gagawin. Kung hindi lang talaga bawal. Matagal ko nang nilapitan si Kevin. Pero, hindi pwede eh. Mas importante siya.
Dahil sa uwian naman na nun at wala naman din akong pupuntahan pa, umuwi na lang ako kahit maaga pa. Sana pala sinulit ko na ang araw na ito kasi pagdating ko ng bahay...
"Diba, sabi ko naman sa'yo, wag na wag kang lalabas!" Salubong ni mama sa akin pagkapasok ko ng bahay.
"Sorry po, ma."
"Tss. Sige na. Basta sa susunod, hindi na ito mauulit. Naiintindihan mo ba?"
"Opo." Umakyat na ako sa kwarto at nagpahinga. Ipipikit ko na lang yung mata ko nung nagsalita si Linette.
"Napagbigyan na kita, Milette. Siguro naman, tama na yun."
"Oo. Salamat."
"Pasensya na, Milette. Hindi ko rin naman ginusto to eh."
Nalilito ka na ba? Ako si Milette. Ang lihim ng pamilya namin. Si Linette at ako ay magkakambal. Magkahawig kami sa lahat ng bagay, maliban na lamang sa hugis puso na balat sa batok niya na wala naman ako. Si Linette lamang ang hinahayaang lumabas. Ako? Anino lang niya ako. Palagi pang nasa bahay. Kahit ang mga kamag-anak namin ay walang ideya na may kakambal si Linette, na may kapatid siya. Nilihim nila ako sa lahat dahil sa manang makukuha ng mama sa ama niya. May kondisyon kasi ang lolo na, saka lang nito ipapamana ang lahat ng para kay mama, kung magkakaroong sila ng isang anak na babae, tanging isa lang.
"Ayos lang, Linette. Naiintindihan ko naman."
*KINABUKASAN*
Wala namang magandang nangyari. Katulad ng nakasanayan, nandito lang ako sa loob ng bahay at hinihintay ang pagdating ni Linette.
"Nandito na ako." si Linette na yun.
"Uy! Kamustang araw sa school?"
"Naku Milette! Hindi ka maniniwala. Si Kevin, kinausap ako at niyayang maglunch kanina. Kung ano mang ginawa mo nung mga nakaraang araw. Maraming salamat. Nang dahil sayo, tingin ko magiging malapit na kami." tuloy-tuloy na kwento ni Linette sabay yakap sa akin. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Dahil may parte sa puso ko na naiinggit, nagseselos. At hindi yun pwede.
"Talaga?! Eh wala naman akong matandaan na ginawa ko ah." tugon ko na lang.
"Basta salamat. Salamat ng marami. Thank you talaga, Milette." Naiinggit ako sa'yo Linette. Pero, masaya ka eh. At hindi ko kayang kunin sa'yo ang kasiyahang yan.
"Sige na. Mag-ayos ka na at kakain na rin tayo maya-maya."
Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at nagpunta ng banyo. Napangiti na lang ako ng pilit.
"Bakit ba kasi kailangang sa iisang lalake pa tayo mahulog Linette?" Nasabi ko bago tuluyang lumabas.
Dumaan ang maraming buwan na parang wala lang. Wala naman kasing magandang nangyayari sa akin. Katulad ng dati, nakakulong pa rin sa bahay. Pero kay Linette, ayun, nagkakamabutihan na sila ni Kevin. Balita ko nga, nililigawan na siya ni Kevin eh. At yung ideya pa lang na nililigawan ni Kevin si Linette, hindi ko na kaya eh, pano pa kaya kung sagutin na ni Linette si Kevin. Haisst. Well, let's drop that topic. Anyway, sabado ngayon at wedding anniversary nila mama at papa. Kaya eto ako, naghahanda ng surprise para sa kanila. Niluluto ko yung favorites nila.
Habang nagluluto, ewan ko ba pero nakaramdam ako ng hilo. Parang umiikot ang paningin ko at nanlalabo yung paningin ko. Hanggang sa biglang nagdilim ang lahat.
Linette:
2 years. 2 years na ang nakakalipas. Ang taong kinaiinggitan ko ay wala na. Namatay siya na hindi nalalaman ang totoo.
R.I.P
Milette Aria Santos
June 4, 2008, wedding anniversary ng parents namin, nawala si Milette. Nasunog yung bahay namin nun. Nagluluto raw si Milette nun nang biglang nahilo at mawalan ng malay kaya hindi na siya nakaligtas. I was there. Pero naduwag ako kaya hindi ko siya nailigtas. Again, ako na naman ang may kasalanan.
"Babe? Siya ba yung best friend mo?"
"Yes, Kevin. She's my best friend." Kahit wala na siya. Hindi pa rin namin pinaalam na kapatid ko siya. Kunwari magkapareho lang kami ng apelyido at kung anu-ano pa.
Siguro napakaselfish ko. Kahit alam kong hindi ako, pinipilit kong ako.
*Flashback*
"Kevin, kelan mo pa nalamang mahal mo ako?"
He gave me his camera.
"Look. Tingnan mo ang mga pictures."
Tiningnan ko naman. Puro ako to ahh.
"Kevin.."
"Linette, palagi kitang kinukunan ng pictures because, that smile" tinuro niya yung ngiti ko. "I was captivated by that smile. I fell in love with you because of that smile. Natatandaan mo ba yung time na tumatakbo kayo ni Dennise sa field noon? Dun kita unang napansin dahil na rin sa simplicity mo. Simula noon, palagi na kita kinunan ng pictures at hindi ka na nawala sa isip ko. Unang kita ko pa lang sa'yo, nahulog na ako."
And then it hit me. Hindi ako yung tinutukoy niya. It's Milette. Si Milette ang mahal niya, hindi ako. Pero hindi ko pinaalam. Hindi ko hinayaang may makaalam. Dahil hindi naman ako manhid para hindi malaman na may gusto si Milette kay Kevin. Ayoko. Hindi pwede. Akin lang si Kevin. Sa akin lang.
*End of Flashback*
Yeah. Maybe, selfish ako. No, I'm selfish. I took my sister's happiness for my happiness.
"Babe, smile."-Kevin
Tumingin ako sa direksyon ni Kevin and then I smiled. Ngiti na parang nagsasabing 'I won'. I already got what I wanted.
"Okay, 1...2....3..."
Except his heart...
na nakuha ni Milette.
Click
===========
XOXO
BINABASA MO ANG
CLICK
Short Story4-letter-word. Anong kaya nitong gawin? Eh pano kapag napasok ka sa sitwasyong involve ang apat na salitang yan tapos may sagabal. Importanteng tao pa sa buhay mo. Anong kaya mong isacrifice? Kaligayahan mo? o Kaligayahan niya?