1

6 0 0
                                    

Computer

Pre tara cutting, Malapit na daw yung laban mga 10:00 usapan naten di ba?" Bulong ni Nicollo habang nag tuturo si Ma'am Ivy

Eto nanaman si Nicollo, Nandedemonyo nanaman saken palibhasa ayaw tanggapin pagkatalo kahapon

"Anong cutting? mamaya? sino kalaban?" sabat ni Craig

"Yun pa rin daw mga Sucter Group daw." ang sabi ko

"Marcus pautang muna, ubos kasi yung one week baon ko e." bulong ni Craig

"Magkan—"

"Pstt! Tatlong Sungay! Ano pinag uusapan nyo?" Ayan nanaman si Ivy lagi na lang kami pinag didiinan

"Ma'am Ivyngot!" sagot ni nicollo yun ang dahilan para matawa ang mga kaklase namin

"Ano?!"

"Ah wala po, yung—"

"Pasalamat kayo mga punyetang tambay sa computer shop, malaki naiambag ng mga magulang niyo dit—

"Dito sa school at kung wala naiambag ang mga magulang nyo sa eskwelahan na 'to baka napalayas na kayo dito matagal." tinuloy ni nicollo ang sabi ng teacher namin sa math

"Nicollooo" Sabay ngiti ni Ma'am Ivy na kanina pa naiinis kay nicollo

"Ma'am?" with beautiful eyes pa si gago

"Alam mo yung outstanding award?"

"Hindi po Ma'am ano po ba yun?" sagot ni nicollo

"Get out nicollo" utos ni Ma'am kay nicollo

PATAY KA PRE! HAHAHA

Lumabas na si nicollo at nakatayo lang sa labas

"Ayan ang outstanding nicollo ha? Oh kayong dalawa dyan kung ayaw nyo lumabas sagutan nyo to nasa pisara."

Walanya 'tong si Ivyngot first day namin ginaganto kami mula nung grade 7  teacher na namin sya sa Math hanggang ngayon grade 10 na kami lagi nya kami ginaganto, patay ka sakin Ivyngot

"Sino maauna sainyo? Ikaw Marcus sagutan mo eto sa blackbo—"

"It's greenboard kelan pa naging black yan Ma'am?"

"Isa ka ren pelosopo, sagutan mo na  lang yan" turo niya sa pisara

Kakainis kasi si Nicollo masyadong kami dinedemonyo

"Ano? nakatingin ka lang dyan?" Ang sabi ni Ivyngot

"Hindi ko alam e,nakikinig naman ak—"

"Kung nakikinig ka, alam mo sagot dyan, eh tinititigan mo lang yan" bumaling sya sa babae nakaupo sa 3rd Row

"Star!! tulungan mo 'tong si Marcus babalik lang ako kelangan may sagot na yan at nakoooooo." gigil utos niya

Biglang tumayo ang babae pinatawag ni ma'am para tulungan ako. Payat, Maputi, Singkit ang mata, manipis ang labi, kulot, hindi masyadong maganda pero bakit parang nag slow motion ang pag lalakad nya papunta saakin at biglang tumibok ang puso ko? ano ba 'tong nararamdaman ko?

WAHHHH!

"Anong hindi mo maintindihan Mr. Borromeo?" ang sabi ni star sakin

Bigla tumindig mga balahibo ko nang banggitin ang apelyido ko at medyo kinikilig ako, ANO BA TO? hindi ko maintindihan ba't ako nag kakaganto

"Hoy? anong problema mo saken may atraso ba ako sayo? masyadong titig eh" sabay irap saakin

"W-wag mo na sagutan 'to bumalik ka na don tanda!" ang sagot ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before The SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon