P R O L O G O

18 2 2
                                    

A/N : I wrote this story before 2018 but unpublished it.

K H R Y S S G A L E

"Khryssgale,shot!"sigaw saakin ni Lalaine habang pagewang-gewang siyang maglakad papalapit saakin.Is it obvious na she's drunk? but still drinking.

Wala akong choice kung hindi uminom rin ng tequila,medyo nahihilo na rin ako dahil madami na akong nainom simula kanina.

Nasa barko kami ngayon at papunta kami sa Dumaguete's Apo Island which is 662 kilometers away from Manila.Kasama ko ang family and relatives dahil doon kami magbabaksyon for a couple of months because we need a break.

Nakasanayan na namin itong gawing magpipinsan tuwing magbabaksyon,ang uminom sa kahit anong transportation pero private, kaya't minsan hindi namin namamalayan na nakarating na kami sa lugar na 'yon dahil sa kama agad ang bagsak namin.

Tutungga pa sana si Lalaine nang biglang may narinig kaming malakas na tunog na parang may nagcollide,napatingin kami lahat sa isa't isa at bakas sa kanilang mukha ang pagtataka kaya't isa isa kaming pumunta sa railings ngunit napatigil agad kaming lahat nang may biglang nagsalita sa speaker.

"Ikinalulungkot ko na sabihin sainyo na tayo'y bumangga sa isang malaking bato at unti unti nang nahahati ang barko kaya't suotin niyo ang mga life vest na nakasabit d'yan at tumalon kayo agad sa barko.Inaantay namin kayo,We have only 20 minutes left."bakas sa tono ang pagkadismaya at pag-aalala nito.

Pagkatapos inanunsyo ng kapitan ay isa isang kinuha ng aking mga kasama ang mga nakasabit na life vest dahil nga paika-ika ako maglakad hindi ako kaagad nakakuha ng life vest pero nireserve naman ako ni Lalaine at pinasuot agad saakin iyon. Tinignan ng aking ama ang mga kasama namin kung naka life vest na kaming lahat at binilang niya muna kami, We're 14 here.

Pagkatapos non ay pumunta na agad kaming lahat sa railings at nakita namin ang kapitan at ang mga kasama nito na nag aantay sa baba.Kumaway-kaway siya amin at sumenyas naman si Ama nag thumb sign.Pinauna muna ang mga bata kong pinsan na sina Luna at Cyden kasama ang kanilang mga magulang.

"Luna,Cyden kapit kay mommy at daddy nang mahigpit ah?tatalon tayo."huminga muna silang malalim at mahigpit na hinawakan ang mga kamay nila sa isa't isa at lumabas sa railings."1...2...3...jump!"

Agad namang tinulungan ng mga kasama ni kapitan at kaagad silang naisakay sa bangka,agad na pumito si Kapitan at sinabing 12 minutes nalang ang natitira.

4 down.

Sumunod naman ang mga apat na  bakla kong pinsan na si Hunter,Ian,Paul,Oliver at kasama nila si Lalaine.

"Ready na mga Bakla?Hana..Dul,Set!"magkahawak ang kamay at sabay sabay nilang sabi at patiling tumalon sa tubig.

5 down.

Sumunod na sila Lolo Avelino at Lola Alicia kasama ang kapatid kong si Khryssgail na kasing edad ko rin.Siya ang bunso sa pamilya kaya spoiled pero hindi ko siya close,naiingit ako sakanya kasi close na close niya si Lola't Lolo at mas lalo na si Ama.Ni ituring niya nga ako sa bahay ay parang hindi ako nag eexist as her sibling.Uh, enough drama na nga nasa panganib tayo ngayon.

Napansin kong kaming dalawa nalang ni Ama ang natira sa barko at nagkatinginan kami sa isa't isa.Walang pasabing umakyat sa railings at tumalon agad,oh diba?Maski tatay ko walang pakealam saakin kung mamamatay ako o hindi ngayon.Ano ba namang buhay 'to but still mahal ko silang dalawa.Kung hindi ka lang talaga namatay Ina.

Napansin kong ako nalang ang nasa barko ngayon at bigla namang tumabingi yung sahig at unti-unting nahuhulog isa isa ang mga lamesa at upuan sa tubig. Nakaramdam ako ng kaba at panginginig,naririnig ko nang sumigaw ang mga pinsan ko at sila Tito.Ni hindi ko na sila magawang tignan.

"Khryssgale anak,tumalon ka na!"Tita Abby.

"Tumalon ka na!,Buang ka talaga Gale!"Lalaine.

"Bakla,wag ngayon!hindi pa oras."Ian.

Sa sobrang panginginig ng kamay ko hindi ko namamalayan na bumibitaw na ako sa railings at unti unting dumausdos pababa.Tumama pa ang likod ko sa kahoy na lamesa at nawalan nang hangin ang life vest na suot ko.Kamalasan talaga oh.Sa totoo lang,hindi ako marunong lumangoy.

Napansin ko nalang na nasa tubig na ako at pinipilit umahon pero wala talaga,mauubusan na ako ng hangin.Hinayaan ko nalang na lamunin ako ng karagatan.Oras ko na talaga,Paalam.

Naalimpungatan ako sa tubig na tumama sa aking mukha.Bigla akong napabangon at tinignan ang paligid.Tubig,Buhangin,mga Puno at mga Halaman.

Nasaan ako?

At Anong ginagawa ko rito?

Paano ako napadpad dito?

Napansin ko ang wallet ko sa buhangin at agad ko namang kinuha ang cellphone roon at buti nalang ay hindi pa 'to sira,waterproof kasi ang wallet ko.Agad kong tinipa ang no. ni Lalaine at tinawagan ngunit wala pang signal dito.Napa-irap na lamang ako at inis na ibinato sa buhangin ang cellphone ngunit agad ko itong kinuha muli.

Tumayo na muna ako at ipinagpag ang sarili,napagtanto kong nasa isla ako ng mag isa.At bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya't naghanap hanap ako ng puno ng saging or buko ngunit wala.

May napansin ako sa di kalayuan na isang karatula na natatakpan na ng halaman at mukhang kinakalawang na.Kumuha muna ako ng kahoy upang gawing sandata.

Pagkatapos, ay pinuntahan ko na kaagad ang karatulang aking nakita.Hinawi ko ang mga dahong nakapalibot dito at dahil sa sobrang dami niya,pinagpawisan ako ng todo.

Nakapalibot sa karatula ang kalawang at mga bahid na dugo na parang sariwa pa,binasa ko ang nakalagay dito...

"Welcome to the Land Of The Dead"

Land Of The Dead Where stories live. Discover now