Ace's Pov
'Arghhh!' Nagising ako at tinakpan ang aking tenga ng marinig ang mataas at matinis na tunog.
'Ugh stop!! AAAAAA.' Sumigaw ako ng sumigaw pero hindi padin tumitigil ang tunog. Tila umiikot ang buong paligid at parang matutumba ako. Napapikit ako dahil parang nababasag ang eardrums ko sa sobrang lakas. Ganito ba yung feeling pag naghahallucinate?
Makalipas ng ilang segundo tumigil ang tunog. Binuksan ko ang aking mga mata at tumingala ng kaunti. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakahiga sa sahig at mahimbing na natutulog. Nilapitan ko si Jia at tinapik ko ang balikat nya pero di sya kumibo o nagising.
Huh? Di nila narinig yung tunog? O yung mga sigaw ko? Sayang naman ang maganda kong boses. Hay, Ano ba nangyari kahapon?
Sinusubukan kong alalahanin mga nangyari kahapon pero kahit kaunti ay wala akong maalala. Naglasing ba kami? Pano kami napunta dito?
Inalalayan ko ang sarili ko na tumayo pero na out of balance ako ng biglang gumalaw ang paligid. Lumilindol ba? Tumayo muli ako ng dahan dahan at hinawi ang kurtina.
'WHAT THE FUCK!' Napatakip ako sa bibig ko habang pinagmamasdan ang nakita ko. Paano kami nakarating dito?!?!
Napalingon naman ako ng may narinig akong sumuka.
'Ugh, tanginang hangover 'to.' sambit ni Cody habang hawak ang kanyang ulo. 'Uy! Nandyan ka pala, bro.' sabi nya pero nakatulala lang ako sa kanya dahil lipad na naman ang isip ko.
'Huy, ano nababakla ka na ba saken?' Bumalik ako sa katotohanan sa sinabi ni Cody. Ako? Sa gwapo kong 'to tatawagin lang akong bakla.
'Gago, tumingin ka sa labas.' Malayo palang sya sa bintana ay nakita na nya agad kung nasaan kaming lugar..... mali, hindi 'to lugar.
Magmumura na sana si Cody pero pinigilan ko sya. 'Oops teka bago mo ituloy sasabihin mo, natatandaan mo ba kung nasaan tayo kagabi? O kung anong nangyari?'
Napatikom ang bibig nya at napaisip sya sa mga tinanong ko. Tumahimik sya ng ilang minuto bago nagsalita muli.
'Wala. Wala akong matandaan.' Sumama ang tingin ko sa kanya.
'Aish. E bakit ka nagsuka kanina?' tanong ko.
'Syempre nalasing pero di ko talaga alam ang nangyari kahapon.' sambit nya at tumingin tingin sa mga kaibigan naming mahimbing pa ang tulog.
'Hay. Gisingin na natin sila baka may nakakatanda ng nangyari kahapon.' Lumapit ulit ako kay Jia. Tinatapik ko na sya sa pisngi pero di padin sya nagigising.
Sinubukan kong gisingin si Tyson pero humaharok pa ang gago. Lumapit naman ako kay Zach at kiniliti ang utong nya. Oo, alam ko kung paano sila gisingin. Matapos ang ilang segundo ay gumalaw na si Zach at nagising din. 'Bangon na, alam kong madami kang tanong pero wala din akong matandaan. Gisingin mo nalang sila.'
Tumayo sya at napahawak sa ulo nya.Lasing din ba sya?
'Ace...' Napalingon ako kay Jia ng makitang nagising na rin sya. Lumapit ako sa tabi nya.
'Jia...salamat at gising kana.' Hinawakan ko sya sa pisngi. 'O-okay ka lang ba? May masakit ba sayo?'
'Masakit ulo ko, Ace. Tsaka parang gusto ko din sumuka.' Habang sinasabi nya yon ay naamoy ko ang hininga nya. Amoy alak.
'Nalasing ka din?' Inamoy din nya ang hininga nya at muntik na sya mapasuka. 'H-ha? Wala naman akong matandaan na nag inom ako?' Wala din syang matandaan? Hays patay na. 'Ano ba nangyayari? Nasaan ba tayo?'
'Hindi ko alam. Wala din akong maalala. Si Cody at Zach din....pero isang bagay lang ang alam ko.'
Hinawakan ko ang kamay nya at dinala sya sa may bintana. Napatingin sya sa labas at nagtatakang tumayo doon. Mukhang naguguluhan din sya.
'S-si baby Sam. Wala syang kasama sa bahay. Kailangan na nating umuwi, Ace.' sabi ni Jia.
I pulled her into my arms and hugged her tight.
'Kumalma ka muna. Gagawan natin ng paraan na makaalis agad tayo dito. We just need to wake them up, baka may alam sila.' Kumalas kami sa yakap at sinimulang gisingin ang iba.'Hmm.. ugh fuck me hard babe.' Lahat kaming mga gising na ay napatingin kay Red na mukhang may wet dream ata. Sex addict padin hanggang sa panaginip ampota. Sinipa sipa sya ni Cody at nagising naman sya.
;
Good news, makalipas ng ilang minuto lahat kami ay gising na.
Bad news, pare pareho kaming wala maalala.
Pinagmasdan ko sila isa isa. Si Jia na nasa tabi ko ay hawak hawak ang tiyan at gusto nang sumuka. Si Cody panay ang tingin kay Janell. Si Janell naman panay ang tingin kay Tyson. Si Tyson, masama ang tingin kay Alice at Zach. Si Zach naman pinapatahan ang kasintahan nyang si Alice na kanina pang umiiyak. Si Nate mukhang malalim ang iniisip. Si Red at Clary naglalandian sa tabi. Hanga talaga ako sa dalwang 'to, nakuha pang maglandian sa sitwasyon ngayon. Si Kyle hindi ko mabasa ang itsura, nakatulala lang sa sahig.
Akalain mo nga naman nagkasama sama ulit kami pero bad timing.
Lahat kami ay lipad ang utak ng biglang binasag ni Nate ang katahimikan.
'Guys.... we're doomed.'
🌻
A/N: Next chapter will be a bit long so get your popcorn and be ready luvs 😚

BINABASA MO ANG
Would You Rather;
Misteri / ThrillerEleven high school ex-friends were bought back together in a weird and strange reunion. Trust, feelings and friendship will be twisted in a game called 'Would You Rather'. Are you ready? (Blackpink and BTS Fanfic)