Chapter 28

2.8K 86 6
                                    


Chapter 28

Cold

Naguguluhan parin ako sa nangyari kanina.Hindi ko alam kung bakit ganon silang dalawa.


After what happened earlier ay pinabalik na ako ni Pierce sa class ko then he left.Parang na bad trip siya bigla?


Sumabay si Cresia samin papuntang Forbes Hill.Gusto niya raw ito makita at saka nag plano rin siyang mag trabaho sa Forbes Hill.Gusto niya raw tulungan ang ate niya sa pagkayod sa pamilya nila.




Well that's good.


"Ang ganda pala maglakad kasama kayo!"masayang sabi ni Cresia samin ni Kesha.Napangiti ako sa sinabi niya.


Masaya talaga kapag may kasama kang maglakad.Kumakain habang nagkekwentuhan sa daan.Nagtatawanan at saka nagbibiruan.


Having friends is so happy.


"Oy tingnan niyo!!"turo ni Cresia sa direksiyon kung saan may dalawang tao na magkasintahan.Pero parang nag away .




"Ang lungkot ni ate.Tsk!!Mga lalaki talaga nananakit ng tao.Iniwan si ate!"reklamo niya.



Ganun ba ang mga lalaki?


"Hindi naman siguro lahat ng lalaki ganyan,Cresia.Siguro may pagkakamali ang isa sa kanila kaya sila ganyan"sabi ko sa kanya.



"Oo nga Cresia!Hindi naman ganyan si Tyson!"reklamo ni Kesha.



"Sorry na!To naman di mabiro!"


Nakarating kami sa Forbes Hill ng madalim na.Nasa kwarto ako ngayon at saka nag bihis.Si Cresia naman ay nasa kwarto ni Kesha.


Lumabas ako at sakto rin na paglabas nila.



"Tara na!"nakangiting sabi ni Cresia.Kakain kasi kami sa labas ng sabay.


Then after non ay uuwi na siya.Gusto lang daw niya kami makasama ngayon at mag bonding kasi hindi pa kami nakapag bonding ng gabi.



Masaya rin ako sa suggestion niya.Maganda kapag maraming kasama kumain.Yong hindi ka nag iisa.Pero minsan kasi kailangan rin natin ng tahimik.



Yong makapag isip isip tayo.Yong walang istrorbo.



Hindi kami kumain kung saan kami palaging kumakain ni Kesha.Sa iba kami pumunta para maiba naman daw.



Kumain kami sa isang Jollibee ata??May nakalagay kasing pangalan sa taas at saka may malaking tao na nakared at saka may maliit na pakpak.Ganda!!!


Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng malamig na aircon.Kakatanggap lang kasi namin ni Kesha ng sweldo kaya ngayon hati kami sa bayad habang ni Cresia ay itetreat na namin.



Sa second floor kami puwesto.Nakaupo kami sa lugar kung saan sa glass malapit.Nakikita namin ang building na nasa labas at ang iba' ibang lights.



Si Cresia at Kesha ang nag order ng pagkain kaya ako lang ang naiwan dito.



Napatingin ako sa harapan ko at nagulat ako ng makita ko si Prof.Ben.May kasama na naman siyang babae pero hindi ko nakita ang mukha ng babae kasi nakatalikod ito sakin.



Habang si Prof.Ben ay nakaharap sa banda ko.Napaangat siya ng tingin sakin at saka ngumiti ng malaki.Kumaway siya sakin kaya kumaway nalang din ako.



The Mysterious Princess (HS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon